Chapter 22

614K 19.5K 5.9K
                                    


NAGISING ako na nakayakap kay Just Lander ang aking kaliwang braso. Pareho kaming walang damit sa ibabaw ng kama. Marahan akong bumangon at agad nagbihis. Umaga na ayon sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na salaming bintana sa tabi namin kaya nakapagtataka na tulog pa rin siya. Di ba dapat gising na rin siya dahil umaga na?

Hinanapan ko rin siya ng maisusuot saka sinubukang damitan. Kahit mahirap dahil mabigat siya ay pinilit ko siyang masuotan ng damit dahil mainit ang buo niyang katawan. Siguro ay nilalagnat na naman siya dahil sa mga sugat niya sa likuran.

Lumipas ang ilang minuto at aag-alala na ako dahil hindi pa rin nagigising si Just Lander kaya naman hinagilap ko na sa labas ng kuwarto sina Lola Peach at Lola Merdie. Sinuyod ko ang buong bahay ni Lola Merdie mula sa malawak na kusina, sala, mga kuwarto at hanggang sa garahe kung saan may nakaparadang nabubulok na sasakyan, pero wala ang dalawang matanda. Nasaan kaya sila? Kailangan ko sila. Hindi ko alam ang gagawin ko kay Just Lander at natatakot ako na baka lumalala na pala ang sakit niya.

Tumakbo na ako palabas ng gate para magbakasakali na makahanap ng tulong, pero wala akong makitang mga tao sa paligid. Ang buong daan ay sementado at ang gilid ay mga puno. Tila katulad sa mansiyon ni Just Lander ay pribado ang lugar na ito.

Sinubukan kong lumayo pa. Ang tagal ko ring lakad-takbo hanggang sa makakita sa kadulu-duluhan ng daan ng ilang kabahayan at ilang sasakyan na nagdaraan. Napangisi ako sa kabila ng aking paghingal at pagod.

Kung may sasakyan at kabahayan, e di ibig sabihin ay meron ding mga tao!

Dala ang pag-asa na makakakita ako ng mga tao ay tinalunton ko ang daan papunta roon. Nang makalabas ako sa tila mababang gate ay doon na nakatagpo ng mangilan-ngilang taong naglalakad. Patakbo ko silang nilapitan upang pagtanungan.

"Nakita niyo po ba ang Lola Peach ko?" tanong ko doon sa lalaking halos kasing taas ko lang. May edad na siya dahil puti na ang ilang piraso ng buhok niya. Nakatayo siya sa gilid ng daan at abala sa hawak niyang cell phone.

"Ha?" Gulat na gulat siya nang lingunin ako. "Do I know you, Miss?"

Pati ang ibang nasa malapit na tao ay tila nagugulat at nagtataka sa akin. Gulat at nagtataka siguro sila dahil hindi pa ako nagsusuklay. Pasimple ko na lang na sinuklay ang mahaba kong buhok gamit ang aking mga daliri.

"Iyong Lola Peach ko po. Nakita niyo po ba?" tanong ko sa lalaki.

Umiling iyong lalaki. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo."

"Kulay gatas po ang buhok nya sa ulo. Wala po syang ngipin kundi gilagid. Pero ngumunguya po sya ng santol. Iyong dibdib nya po lawlaw."

"Alam mo, hija, doon ka humingi ng tulong sa bayan. Doon sa police station mismo para hindi ka maloko." Iiling-iling siya. "Hindi ka dapat basta-basta lumalapit kung kani-kanino."

Nagsalita na rin ang may edad na babaeng nasa gilid niya. "Saka hija, hindi ka dapat lumalabas ng wala kang suot na bra. Ang nipis pa naman ng bestida mo. Hayan at pinagtitinginan ka na tuloy."

Napatingin ako sa aking suot. Oo nga, manipis nga. Wala naman kasing ibang ipinahiram na damit sa akin si Lola Merdie akin kundi itong kamison niya dahil magkasing-sexy raw kami kaya ito raw ang bagay sa akin. Ang sabi niya pa kagabi noong isinusuot ko ito ay "if you have it, flaunt it." Iyon daw ang motto niya at dapat ay iyon na rin daw ang motto ko.

"Dumiretso ka sa bayan." Itinuro niyong matandang lalaki ang daan sa kaliwa. "Malapit na iyon dito. Diretsuhin mo lang 'yang daan."

"Talaga po?" Napapalakpak ako. "Sa tingin niyo po ba ay doon nagpunta ang Lola Peach ko?"

His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon