Chapter Two-2 - Acceptance

Start from the beginning
                                        

Bigla siyang tumingin sa 'kin. "Kaya naiintindihan kita, Shane. Natutuwa ako kasi naging malakas yung loob mo sa pag tatapat sa 'kin." at nginitian niya ako. "*sigh* Tama na nga pagdadrama. Sobrang late na, iuuwi na kita. Walang magbabago sa 'tin. Promise."

Napangiti na lang ako. Atleast I tried but still, hindi ako susuko. Someday, you'll be mine. Someday..

Maya maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. Lalabas na sana ako ng bigla siyang nag"Wait." Lumabas siya at dali daling pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Gentleman as ever.

"Salamat sa paghatid sakin ah and sorry pala kanina." nasa tapat na 'ko ng gate namin.

"Hahaha! Wala yun. Sige na, pumasok ka na." Gab.

"Okay. Salamat ulit. Ingat ka sa pag uwi. Goodnight." pumasok na ako ng gate.

"Bye. Goodnight." sabi niya tsaka pumasok ng sasakyan at umalis na.

Okay na rin yun. Masaya akong hinatid niya 'ko, na-solo ko siya, nagpaka-gentleman siya sa 'kin, and finally, nakapag-confess na ako. Parang nabunutan ako ng tinik.

|KINABUKASAN|

Around 5 AM pa lang gumising na ako at ngayon katatapos ko lang maligo. Napag isip-isip ko kasi kagabi na ayokong malayo sa mga kaibigan ko. Mahal ko sila. Tatanggapin ko na lahat. Hihingi ako ng tawad kay Shing. Ayokong mawala sila ng dahil lang sa pagmamahal ko kay Gabby. Kaya rin maaga ako ngayon para maabutan ko pa si Shing dahil aalis sila ni Gab..

*sigh*

Sila lang.. Silang dalawa lang.

Ugh! Ayan ka nanaman Miyuki Shane Role! Magtigil ka na nga!

After ko mag ayos at lahat, nagmamadali na akong lumabas at sumakay ng jeep. Wala pang pambili ng kotse eh tsaka 'di rin pa pwede. Buti na lang at hindi traffic ngayon.

Pagkababa sa kanto ay dali dali akong naglakad papunta sa gate nila Shingrie na 'di naman kalayuan at nag doorbell. Dahil kilala naman ako ay pinatuloy na 'ko sa loob. Pagpasok ko, nakita ko sa dining sila Tito Gary at Tita Marj. Parents ni Shing kasama ang bunso nila na si Shirlie. Napansin naman agad ako ni Tita Marj.

"Oh, Shane hija! Good Morning! Aga dumalaw ah?" bati ni Tita ng nakangiti. Lumapit naman ako sa kanila.

"Hi Ate Shane!" pa-kaway kaway habang nakangiting bati naman ni Shirlie. Habang si Tito Gary ay ngumiti lang.

"Good Morning po sa inyo" bati ko habang nagmamano at nakipag beso kay Shirlie. "Uhh.. S-si Shingrie po? Gising na po ba siya?"

"Ah! Oo! Kanina pa! May lakad ba kayo ni Rie ngayon? Nag aayos kasi eh. Nasa kwarto niya siya. Akyat ka na lang--- Ay! Teka! Nag breakfast ka na ba? Sabay ka muna sa amin!" ang hyper ever talaga ni Tita. Haha! Samantalang si Tito Gary medyo pa-serious and silent type kunwari pero sobrang bait din niyan. Di lang halata. Haha! Maloko yan 'pag sila-sila lang magpamilya ang magkakasama. Kwento ni Shingrie sa 'min.

"Uhh, hindi na po. Saglit lang naman po ako eh. Tsaka wala po kaming lakad ngayon. May sasabihin lang po ako kay Shingrie na importante. Salamat po sa pag-alok" medyo nahihiya at nakangiti kong sabi.

"Ah ganun ba? Baka nagkaproblema kayo ha? Umuwi kasi si Shingrie kagabi dito ng 'di ma-explain yung mukha eh. Pagod lang daw siya? Sus! Ako pa lolokohin---" naputol ang tuloy tuloy na pagsasalita ni Tita ng pigilan siya ng asawa niya.

"Marj, ang ingay mo nanaman." tumingin siya sa 'kin. "Shane, puntahan mo na siya. Wag ka na makinig dito. Pasensiya na." sabay turo at tingin kay tita.

Tumango na lang ako at tumalikod na.

"Dami mo pang sinasabi diyan eh--Aray! Sorry na!" dinig ko pang sabi ni Tito kay Tita.

"Kumain ka na nga lang!" bulyaw ni Tita kay Tito.

Napailing na lang ako. Parang teenager lang eh.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Shing, kumatok na ako.

"Sino yan? Wait lang.."

Di naman ako sumagot. Maya maya lang binuksan na niya yung pinto. Nagulat siya ng makita ako. Nakapag-ayos na siya.

"Oh Shane! Teka.. Ano.. Uhh.. Tara pasok!"

Muntik na akong matawa sa kanya kasi naman, medyo natataranta pa.

Pagkapasok namin at pagkasara ng pinto niya ay niyakap ko siya agad. Pagkayakap ko, bigla na lang bumuhos yung luha ko.

"Sorry Shingrie.. Sorry sa mga sinabi ko kagabi.. Sorry kung.. *huk* nagpaka immature ako.. Ayokong malayo sa inyo.. *huk* Sorry kasi nadala ako ng selos.. Sorry na Shing.. *huhuk*"

Ng makabawi siya sa gulat na bigla ko siyang niyakap eh niyakap niya na rin ako. "Shane.. 'Di naman ako--hindi naman kami galit sa'yo eh. Naiintindihan ka namin. Alam kong nagselos ka lang. Tahan ka na.. Yaan mo, medyo didistansya na lang ako--" Pinutol ko agad yung sasabihin niya.

Hindi pwedeng lumayo siya kay Gab ng dahil sa'kin! Mas lalo lang.. Ugh! Basta!

"Wag mong gagawin yun, Shing! Okay lang.. *huk* okay lang sa'kin yun. 'Di na ko magseselos. Please.. *huk* 'Wag mong gagawin yun. Sana walang magbago sa atin. Please.."

Inalis niya yung pagkakayakap niya sa'kin. Hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan yung luha ko gamit yung hinlalaki niya. "Osige. Basta tama na pag-iyak." Nginitian niya ako. Yung ngiti niyang nakakahawa. Yung pati mata niya nakangiti rin. Kaya pati rin ako ngumiti na at napatigil na sa pag-iyak.

I'm very lucky to have a bestfriend like her.

"Thank you, Shing. Thank you talaga." nag-ayos na ako ng sarili ko bago magpaalam sa kanya.

Thank you, Lord. Thank you kasi po nagkaayos kami agad. Thank you kasi siya yung naging kaibigan ko. Thank you po talaga, Lord.

°°°°°

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken Strings *On-Going*Where stories live. Discover now