chapter twentyeight:

5.7K 167 42
                                    

"Wifey ang ganda mo kahit buntis ka noh?"Nakangisi siya kaya umirap ako sa kanya. Ang taba taba ko kaya. Pero wala naman nagbago sa features ng mukha ko yun nga lang tumaba talaga ako. Nga pala babae ang magiging anak ko. Hindi na nga ako makapaghintay manganak eh. Nasa mall nga kami ngaun at namimili ng gamit.

"Tigil tigilan mo nga ako Echo." Pumunta ako sa section ng mga booties. Nakakatuwa ang cute kase lalo tuloy akong naeexcite na lumabas na si Shantal.

Habang patuloy akong namimili ng baby stuffs ay may kausap si Echo sa phone. Hanggang ngaun hindi pa siya bumabalik ng U.S. lalo na nung nalaman niyang buntis ako. Kabuwanan ko na din kase ngaun kaya naglalakad lakad ako. Hanggat maari kase mas gusto kong manganak ng normal.

"Sunny kaya mo ba mag-isa?balikan kita in one hour. May aayusin lang ako." Nakakunot ang noo niya habang tinitignan ako. I smiled. Ofcourse kaya ko naman. Hello?buntis lang ako pero hindi ako inutil.

"Ofcourse I'll wait for you here." Ngumiti siya sa akin sabay halik sa aking noo. Ano kaya ang aayusin niya?

"Careful okay?" Tumango ako sa kanya at nag-wave ng kamay. Actually madami na naman akong baby stuffs eh. Ang gusto ko lang naman ngaun ay maglakad para matagtag din ako.

"Ahhhh.." napahawak ako sa tiyan ko ng bahagya itong humilab. Kagabi ko pa iyan nararamdaman eh. Nagdecide akong pumasok muna sa isang fastfood chain kase yun lang naman ang malapit dito sa gawi ko.

"Baby are you coming out?wag muna kase walang kasama si mommy.." hinimas ko ang ang malaking tiyan ko kasabay ng pagkausap ko kay baby. Sabi kase ng iba naririnig nila tayo kahit nasa sinapupunan naten sila.

"Look who's here..." napatingin ako kay Ichee na malaki ang ngisi habang nakataas ang kilay sa akin. Nagiwas pa ako ng tingin ng mahuli ko si Maico na nakatitig sa akin at sa malaking umbok ng tiyan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi na kase kami nagkita ni Maico since that day. Sa dami naman nang araw ngaun ko pa nakita tong si Ichee!hindi ako handa eh..

"Are you alone 'sister'?." Napairap ako sa sinabi niya. Kung makaarte akala mo santo siya. I'm tired of fights.

"Ang laki na ng tyan' mo ah?" Napahawak ako sa tyan ko nung nagsalita si Maico. Nagtaka pa nga ako kase di maalis alis yung tingin niya sa malaking umbok ng tiyan ko.

"Duh!ofcourse malaki yan babe eh buntis kaya siya.."umirap si Ichee."anyway, inilipat ko na ang gamit ko sa room mo!mukhang wala ka naman yatang balak bumalik."

Napatayo ako dahil sa sinabi niya.

"Why did you do that?its my room!" Napakapit na naman ako sa tiyan ko. Pasalamat itong babae na ito at buntis ako ngaun. Lahat nalang pinakelamanan niya. Kwarto ko yun. Ang daming nabuong memories dun. Memories namen ni Maico... Nagkaron na din kase kami ng kanya kanyang buhay. But the memories will always be there.

"Well pumayag naman si dad." Nagkibit balikat siya. Hindi ko pa nga napapatawad si daddy eto na namam siya. Bahala na siya.

"Ahhhhhh.." napahawak ako sa balikat ni Maico ng nakaramdam ako ng matindind paghilab sa aking tiyan.

"Don't you dare touch my boy-"

"Shut up Ichee ok?nakitang mong maselan ang lagay ng kapatid mo ganyan kapa!"umiling si Maico."Go home!i'll take Sunny to the hospital."

"Ahhhh.. Maico!!!ang sakit." lalong humigpit yung kapit ko sa kanya. Hindi ko na din napansin si Ichee at bigla din kase siyang nagwalkout.

Halos malukot na ang mukha ko sa sobrang sakit ng tiyan. My god anak ang daming oras na pwede ka lumabas baket ngaun pa? Nakita ko na medyo nataranta at namutla si Maico.

Still The One | (COMPLETED)Where stories live. Discover now