chapter nine:

6K 212 41
                                    

Dedicated to:lietome0708

----------

Nung bata ako pangarap ko talaga nang perfect na prince charming.Since mahilig akong magbasa nang hopeless romantics novels nadala ko na din yun sa realidad. When I met Zion I told my self he was the perfect one. Pero katulad nang kwento nag-katwist yung feelings ko. Kung dati rati prince charming lang ang pinapangarap ko hindi na ngaun. Nung nakasama ko si Maico nagbago lahat. Hindi totoo yung standards sa love. Kase kahit gago. Kahit babaero. At kahit manyak , kahit baliw or sira ulo pag yun pala tinibok nang puso mo maiiba talaga yung pananaw mo.

Pero iba kase ako eh. Hindi ako madaling magtiwala. I always use my head first before my heart. Wala naman kase sa una ang pagsisi. Isa lang naman ang problema ko kay Maico eh. Takot akong mahalin siya. Takot akong masaktan niya. Takot akong mawala siya.

"Sunny Maico's here."inayos ko yung wave nang buhok ko at huminga nang malalim. Bahagya ko pang iniangat yung one shoulder rose long gown ko.

"I'm coming mommy!!"isinuot ko yung puting pump ko at nagsimulang bumaba nang hagdan.

Papunta kami nang graduation ball nila Maico. Masaya ko para sa kanila ni Zion at Enzo, tho a part of me ay nalungkot. Maiiwan na ako sa LSU alone.

"Where's Maico mommy?"nakangiti si mommy at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasan ma-curious sa sarili ko kase naman parang maiiyak na si mommy.

"Hey mom!"nag-snap pa ako kase parang timang si mommy nakatingin saken tas di mu alam kung maiiyak.

"Napakaganda mo Sunshine."tapos nilapitan niya ako at hinagod yung buhok ko. Hindi ko maiwasan mag-inet ang aking pisngi sa pamumuri ni mommy.

"Mana lang po seyo."tapos sabay kami natawa. Eto talagang si mommy ang tagal ko inayos sarili ko tapos paiiyakin pa 'ko.

"I'm giving you until mid-night young man." sinabi ni mommy na nasa may pool side si Maico kaya naman dun ako tumungo. Bahagya ko pa ngang narinig yung sabi ni daddy. Hindi ko makita ang reaksyon ni Maico kase nakatalikod siya sa akin.

Hindi ko nga alam kung papa'no napapayag ni Maico si daddy na isama ako ngaun. Alam niyo naman siguro na mahigpit sakin ang magulang ko lalo na ang daddy. Basta isang umaga gumising ako sinabi ni daddy na payag siyang um-attend ako nang grad ball nila.Nagulat pa nga ako kase I'm not expecting na makakarating ako. I declined Maico's invite sa 'kin eh. Whatever happened still a question to me.

Tapos may pinag-usapan sila na hindi ko na madinig. Huling nakita ko nalang na tinapik ni daddy yung balikat ni Maico.

"Sunshine Andrea."na-lingon ako kay daddy nung bigla niya akong tinawag. Si Maico naman nanatili pa din nakatalikod kaha hindi ko nakikita yung itsura niya.

"Daddy.."ngumiti ako at nagsimulang maglakad. Tumayo si daddy at sinalubong ako.

"Behave ok?"seryoso si daddy. Napa-irap naman ako sa isip ko anu ba akala ni daddy aso ako?maka-behave naman.

"You're stunning anak."tapos hinalikan niya ako sa sentido. Ngumiti lang ako at tumango. Hindi na ako nagsalita at may masabi pa akong hindi magustuhan ni dad. Less talk less mistake.

Lumakad ako palapit kay Maico. Nung malapit na ako sa kanya ay bigla nalang siyang tumayo at humarap sa akin. At first paraho kaming natulala sa isat' isa. Hindi ko maiwasan mapura sa isip ko. Napaka-gwapo ni Maico sa suot niyang coat na tinupi hanggang siko tapos medyo magulo ang buhok niya na natural naman sa kanya.

"Hoi Sunny laway mo." Pinitik pa niya yung noo ko. Grabe ang tibok nang puso ko.

"No touching."napalingon kami kay daddy na nakataas ang kilay sa amin.

Still The One | (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon