chapter twentyone:

5.5K 171 20
                                    

Maico's POV:

"Lets go Echo." The most horrible feeling I felt in my whole life. Unti-unting bumitaw ang kamay ni Sunny sa akin. I got stiffened at the moment na parang hindi makapaniwala sa nangyayari. He chose him over me?damn.

Yes nagkamali ako at aminado naman ako. I maybe flirt but it is not my intention to have sex with other woman. I don't really know what happened to me that night in Singapore. I just woke up and Sydney was beside me. Tangina!baket ba kase ako uminom? Pakiramdam ko na Katrina Halili ako sa scandal na ginawa ni Sydney.

Tinanaw ko siya habang magkahawak ang kamay nila ni Echo at palayo. Hindi mapigilan na pumatak ang luha ko. Umiling ako at pinahid ang luha sa mata ko. I know now what Zion felt pag iniiyakan niya si Tricia noon. Pinagtatawanan ko pa nga siya at sinasabihan na bakla lang ang umiiyak. But when Sunny broke up with me. Nung sinukuan niya ako. Nung iniwan niya ako. Hindi ko mapigilan umiyak.

Hindi naman kase tutulo ang luha mo kung hindi naman importante ang iniiyakan mo. Isang buwan palang kaming wala pero pakiramdam ko ang layo na niya. Hindi ako masaya na may kasama siyang iba. Pero ala naman akong magagawa. Gusto ko mang ipakita na mahal ko siya at nagbago na ako parang ala na naman ding pag-asa. Hindi ako susuko hanggat kaya ko pa, ipaglalaban ko siya. I fell for her since day one, at mananatili lang yung nararamdaman ko na yun.

Napadudok ako sa manibela ng kotse ko. Ngumiwi pa nga ako ng bahagya dahil sa kirot ng ulo ko. Hindi na kase ako nakakapahinga ng maayos since she broke up with me.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext siya. Para itanong sa kanya kung baket ganun lang kadali sa kanya na iwan ako.

After I texted her nagreply naman siya pero hindi na sa huling text ko. Napahampas ako sa manibela at binuhay ang makina ng kotse ko.

I decided na pumunta sa Lighthaus at magpakalasing doon. Hindi din naman ako makakatulog edi iinom nalang ako.

"Two shots of whiskey.." sabi ko sa bartender dito. Nilaro laro ko yung shotglass na hawak ko dahil paulit-ulit bumabalik sa isip ko yung moment na binitawan ni Sunny yung kamay ko.

"Hi Maico, you alone?" May isang magandang babae ang lumapit sa akin at hinihimas himas yung braso ko. Ngumisi ako nagpakawala ng isang buntong hininga at hinarap yung babae. Yung suot niya ay halos lumuwa na ang hinaharap niya. Kung noon bata-bata pa siguro ako at ginawa niya eto eh baka sunggab agad ang inabot ng babae na ito.

"Yes I'm alone. And I want to keep it that way."tinaggal ko yung kamay ng babae na kanina pa humahaplos sa akin. Itong ganitong klase talagang babae dahilan kung baket ako natutukso eh.

"Ay ang suplado niya ngaun. Kala ko pa naman matitikman ko siya sa kama ko." Umirap pa yung babae tas nagtawanan yung mga kasama niya. Napailing nalang ako sa kanila. Malayong malayo sila kay Sunny. Nilagok ko ang isa pang shot ng whiskey na hawak ko at sabay napangiwi ako sa alak na gumuhit sa lalamunan ko.

"Whoah!tinangihan mo yung babae?" Napatingin ako kay Kenneth Shane na malaki ang ngiti sa akin. Pumapalakpak pa nga siya kaya umiwas ako ng tingin. I guess hindi ako matatahimik ngaung gabi.

"another three shots!"sigaw ko sa bartender. Umupo si Kenneth Shane sa tabi ko. Inikot ko ang upuan ko para magkaharap kami. Umayos ng upo si Kenneth Shane sabay crossed legs kaya napaiwas ako ng tingin. Puro tukso nalang ba ang lalapit sakin ngaun?sana umuwi nalang ako ng bahay at natulog.

"Umayos ka nga ng upo KS."iritableng sabi ko. Tsaka bakit ba nandito ito?asan si Zion? Kumunot naman ang noo niya tsaka ngumisi.

"Wow!nagiging gentleman ka pala pag heart broken noh?"humalakhak siyang bigla. Pasalamat ito babae siya at asawa ni Zion kundi!nako! "Sinusubukan ko pa naman akitin ka." Napabuntong hininga ako sa kanya apakaharot talaga. Nagtataka ako baket pinatulan to ni manong Zion eh. Sobrang opposite kaya sila.

"Leave me alone, KS." Bumaling ako sa dancefloor na ngaun ay maingay na, maraming tao at babae na sumayaw sa gitna. But then again, parang nawalan ako ng gana sa kanila.

"Kaya siguro ang dami mong iniinom kase may balak ka noh?" Hindi umalis si Kenneth Shane sa tabi ko. Gusto kong marelax ngaun pero hindi ko akalain maistress pala ako lalo dito. Tumingin ako sa kanya tsaka nilagok ang alak na hawak ko. Pagod akong ngumiti sa kanya.

"Porke't ba may alak, may balak?hindi ba pwede may puso lang na nawasak?" Ngumisi ako at umiling. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ko. Nakakagago pala magmahal noh?

"Ganon? nung naseyo kase hindi mo pinahalagahan. Tapos ngaun maglalasing ka jan?  Ang labo niyo kasing mga lalake!mahal niyo pala, pero sinasaktan niyo?tapos, ano? iinom kayo at sasabihin nasasaktan kayo? Pwede ba Maico! Don't me." Umirap si Kenneth Shane at uminom ng juice na dala niya. Nangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi pa ako pumapasok humuhugot kana?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Tas hinampas ako ng pagkalakas lakas sa aking braso kaya napangiwi ako. Talaga bang normal sa babae na manakit ng lalake?

"Leche! kita mo, double meaning pa yang sagot mo! ang landi mo kase bawas bawasan mo!"

"Hoi! Shane, hindi double meaning yun!sadyang berde lang utak mo!" Tapos sabay kaming natawa. On the other part nagpapasalamat naman ako at nandito siya.

"Here."inalok ko siya ng isang shot pero tinangihan niya. Eh parang kelan lang eh abo't ang laklak niyan eh.

"Hindi pwede." Tapos napayuko siya at hinawakan ang tiyan niya.

"Ahh.. nagtatae ka." Seryosong seryosong sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla niya akong batukan.

"Ang slow mo! buntis ako noh." Tapos nangingiti siya. "Anung nagtatae pinagsasabi mo." Muntik ko pang mabuga yung alak na iniinom ko.

"For real?" tapos ngumiti siya at tumango tas biglang namula ang pisngi niya. Tumayo ako para yakapin siya. Tangna si Zion, naka-isa na.

"I believe asawa ko ang yakap mo." bumitiw ako sa pagkakayakap ko kay KS ng biglang dumating si Zion. Ang epic pa ng itsura niya kase mukha na naman siyang tigre!eh natuwa lang naman ako sa balita ni KS eh.

"Tama ang paniniwala mo Zion. Wala naman umaagaw sa asawa mo." bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Lumipat si Shane sa kabilang stool kaya si Zion na ngaun ang katabi ko. Ang arte akala mo naman aagawin ko asawa niya.

"Alam kong di mo aagawin Maico, mamanyakin mo lang." Seryoso si Zion? nabasa niya nasa isip ko? Tang nang tanda ito ang daming alam eh. Tsaka ganun ba talaga tingin nila saken?parang ang sakit pala pag pati kaibigan mo ganun ang tingin seyo.

"Ano nangyari sa inyo ni Sunny?" Lumagok si Zion ng alak tsaka tumingin sa akin. Nagkibit balikat ako sa kanya.

"Let her have her space Maico. Stop fighting. Minsan kase, mas hinahabol mo, mas lalong tumatakbo." Bumaling ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Gago ba si Zion? of all people he and Enzo knows kung paano ko binantayan at hinintay si Sunny. Tas let her? fucking no!

"Gago kaba Zion?eh parang may iba na nga siya eh! hahayaan ko lang!?Fuck, alam mong di ko kaya." Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. I don't want to cry infront of Zion kase pinagtawanan ko yan nung umiyak saken dahil kay Kenneth Shane.

"Di sana di ka gumawa ng kagaguhan!minsan kase bawas bawasan mo kain ng sibuyas Maico, walang paglagyan yang libog mo.." Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Zion o susuntukin ko eh. At talagang nadamay pa sibuyas dito. Takte ang deep eh.

"No, I wont let her have her space Zi, lalaban ako hanggang sa mapagod ako,at kahit mapagod ako babangon pa din ako para manalo sa laban ko."

Huminga si Zion ng malalim at tinapik ang balikat ko.

"Been there Maico, feel that, done that, If she really wants you to stay in her life, she'll put you there, you shouldn't have to fight for the spot."

Still The One | (COMPLETED)Where stories live. Discover now