"Ayoko! Magagalit si Nanay at Bless!"

"Sige na naman,hinintay ko nga umalis si Bless eh." at nagpuppy eyes pa si gago.

"Basta! Ayok--"

"Minsan lang to,hindi na tayo bata kaya kaunti na lang time natin sa isa't isa. Pagbigyan mo na ako." aniya habang hila hila ako papunta sa parking lot. Wala na akong nagawa ng paupuin nya ako sa front seat ng kotse nya.

"San tayo pupunta Mister Keezue Sebastian?"

"Dyan lang! Magde-date." nakangisi nyang sabi at pinaandar na ang kotse. Hindi ko maiwasang mamula,first time kasi na kaming dalawa lang,at date pa daw,sinong hindi kikiligin?

"Nag cut ako ng class para dito?"

"Huwag ka ng maraming satsat nga Laii,mag enjoy ka na lang." aniya at nanahimik ako. Dadamhin ko na lang ang kilig ko,huwag lang sana akong maihi.

Sa mall kami pumunta,nag ikot ikot,at ng mapagod ay nagpasyang kumain. Wala talagang pinagbago si Keez bukod sa lalong gumwapo. Sa isang restaurant sa loob ng mall kami pumunta. Ang malas nga dahil yung pwesto namin ay malapit dun sa pwesto ng mga babaeng schoolmate namin.

"My goodness! Keez is here." dinig kong sabi nung isang babae,abala kasi si Keez sa pagtingin sa menu.

"He's dating a beki,look!" sabi ng isa pang babae. Buset! Bakit ganyan silang mag usap? Pinapadinig ba talaga nila?

"Ngayon ko lang na notice ang beki na yan,do you know him? Like eeww! Bakit sya ang idene-date ni baby Keez ko?" maarteng sabi pa ng isang babae.

"We have to make a move girls! Mukhang schoolmate natin ang beki na yan! Hindi nya dapat maagaw si Keez!"

Dyosko po! Mukhang manganganib ang buhay ko sa kamay ng mga babaeng yon?

"Pakidagdagan yung rice,thanks." ang sabi ni Keez na nakapagpalingon sa akin.

"Para kanino ang extra rice?" taka kong tanong.

"Para sa akin. Gutom na gutom ako,inagahan ko talaga para abangan ka." nakangiti na naman nyang sabi. Hindi ba nya talaga nadinig yung mga babae?

"Ah.. Okay."

"C'mon girls!" sabi nung isang babae at kita kong tiningnan nila ako ng masama ng dumaan sila sa tabi namin,pero pagbaling nila kay Keez ubod na ng tamis ang mga ngiti nila. Si Keez naman ay nginingitian din sila.

Ang nangyari ay hindi cut ng class,naging absent na kami ni Keez sa araw na ito dahil kung saan saan pa kami pumunta. Kaya ng ihatid nya ako sa labasan ng squatters area ay natanaw ko sa di kalayuan si Bless,nakatingin sa kotse. Patay!

Nagpaalam na ako at umalis na din si Keez,kunwari hindi ko nakita si Bless at nagtuloy tuloy ako sa paglalakad papasok sa eskinita.

"Humanda kayong dalawa ni Keez sa akin bukas. Sa ngayon papalampasin ko ginawa nyo. Bilisan mong maglakad at kakain na,para hindi din tayo ma late sa trabaho." sabi ni Bless na naka sunod pala agad sa akin. Napalunok ako,kakaiba kasi tong magalit,nung mga bata pa kami hindi talaga kami nakaka imik ni Keez pag nagagalit sya.

Pagdating sa bahay ay nakahanda na ang pagkain,nandun na din mga nanay namin,nagmano ako sa kanila naupo na din. Masarap ang ulam namin,mukhang madaming naipon si Bless,sabagay malaki sweldo nya kumpara sakin. Pinag iipunan din kasi naming dalawa ang pagpapatayo ng sarili naming bahay para hindi na kami dito nagtitiis sa squatter.

"Dalian nyong kumain,baka ma-late kayo." ani Nanay. Kaya naman nagmadali na talaga ako. Isa pa,ayaw ko ding masermunan ni Bless.

Una akong makakarating sa trabaho dahil malapit lang din kaya lagi akong inihahatid ni Bless. Pagkababa sa jeep ay inakbayan na nya ako habang naglalakad. Ang bango nya kahit hindi nagpapa bango,kaya hindi na din ako nagtataka na gaya ni Keez madaming nahuhumaling sa kanya. Dumaan muna kami sa isang restaurant para maki jingle,kanina pa kasi parang puputok ang pantog ko sa jeep.

Matapos mag banyo ay lumabas na kami ng restaurant. Sakto may mga babae kaming nakasalubong,ang lalagkit ng tingin kay Bless. Parang gusto ko silang sabihan na 'Stop staring at him! He's mine!' kaya lang baka magalit si Bless,mukhang kilala pa naman nya mga iyon,mga schoolmate din namin siguro katulad nung mga babae kanina sa kinainan namin ni Keez.

"My gawd! He's dating a beki too!" sabi nung isang babae ng makalampas kami.

"What do you mean girl?"

"May natanggap akong text kanina,may dine-date daw na beki si Keez,and my gawd again! Pati pala si Bless? Anong nangyayari sa mundo?"

Napatingin ako kay Bless na ang lawak ng pagkakangiti. Gusto ba nya yung narinig nya o ngumiti sya dahil napapraning sya? Nakakaloka din yung mga babae,lumabas lang ng restaurant nagdate na? Imbaruru teh.

"Nginingiti ngiti mo dyan?" tanong ko habang naglalakad na ulit.

"Wala! Masaya lang ako,pero hindi porket masaya ako ay kakalimutan ko na ang kasalanan nyo sa akin ni Keez!" sagot nya at biglang nagseryoso.

Anyare? Baliw talaga tong isang to eh. Ilang lakad pa ang ginawa namin at nasa tapat na kami ng fastfood na pinagtatrabahuhan ko.

"Pag maaga kang nag out,puntahan mo ako sa bar okay?"

"Opo kuya!" nakangisi kong sagot.

"Sinabi ng huwag mo akong tatawaging ganyan eh!" iritado nyang sabi at napakapit pa sa ulo. Ang sarap lang asarin.

"O sige,pasok na ako koya!" ani ko at nanakbo na papasok ng fastfood.

"Goodevening!" nakangiti kong bati sa mga ka-crew ko at dumiretso sa cr para magpalit ng uniform.

Haay! Sana hindi ako mag overtime,gusto ko din pumunta ng bar na pinagtatrabahuhan ni Bless eh. Itext ko kaya si Keez? Bahala na nga.

Pumwesto na ako sa counter,since dun naman talaga ang toka ko. May pumasok na lalaki na talagang naka agaw ng atensyon ko. Ang gwapo! Artistahin. Ang swerte naman ng gabing ito oh. Lumapit na ito para um-order,at sakto sa akin pa.

"Goodevening Sir,welcome to Mcdonalds,may I take your order?" ang naka ngiti ko pang sabi. Pero tinitigan lang ako nito at nagsalubong ang kilay saka lumipat ng counter.

Nalaglag ang panga ko sa sahig dahil sa ginawa nya. Napatingin sa akin ang mga kasamahan ako.

Pfft! Did he just ignore me? My jelly! Pinahiya ako ng walangya!

Pinilit ko na lang na huwag masira ang mood ko dahil sa lalaking iyon. Huwag sana magku-krus ang landas namin dahil hindi ko na sya papakitunguhan ng maayos! The nerve!

Kaya ng matapos ako sa duty ay wala pa din ako sa mood. Laban o bawi tuloy ako kung pupunta pa ba ako sa bar na pinagtatrabahuhan ni Bless o uuwi na lang? Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang pumunta. Kailangan ko ng makakausap,nakakapraning ang araw na ito,una pinagtsi-tsismisan na ako,pangalawa pinahiya ako ng isang walangya! Nakakainis!

Pagdating sa bar ay sakto 1am na,pumasok na ako at natanaw ko agad si Bless na nagpe-flairing. Dyan sya expert,ang magtimpla at halo ng alak pati ang mag exibition ng paghagis ng bote sa ere,ang flairing. Madaming nanood sa kanya,panay pito at palakpak. Napangiti ako dahil nakangiti nya itong ginagawa. Nag e-enjoy din sya.

Napakislot ako ng may magsalita sa may tenga ko.

"Crush mo? Im sorry fag,but he will be mine."

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora