Kabanata 2

351K 5.7K 326
                                    

NOTE: THIS IS THE ORIGINAL VERSION OF THE CEO'S MAID. IT IS AVAILABLE ON DREAME.

WHILE THE REVISED VERSION IS AVAILABLE ON PAPERBACK (SHOPEE, LAZADA AND PSICOM SHOP)

Kabanata 2—Ipagkanulo

MATAPOS ng halik na iginawad sa 'kin ni Senyorito Alejandro, mas pinaigi ko pa ang pag-iwas sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit n'ya iyon ginawa. Kung bakit n'ya ako hinalikan gayung hindi naman kami mag-kasintahan. Alam kong mali ang halik na iyon kahit na pinagkakanulo ako ng sarili kong damdamin.

Ilang araw pa ang lumipas at ang laki ng pasasalamat ko dahil hindi na ako nabigyan ng pagkakataong maka-usap s'ya kahit na ba'y ramdam ko ang mga titig n'ya sa t'wing nagkaka-abot kaming dalawa.

"Layana pwede bang maki-suyo sa 'yo? Ikaw na lang ang mag-dala ng maiinom nina Senyorito sa may pool. May mga bisita kasi sila. Hindi ko naman maaasikaso dahil may iba pang bilin si Manang," ani isa sa mga kasamahan kong katulong.

Tumalima ako at sinunod ang utos n'ya.

Nasa bungad pa lamang ako ay dinig ko na ang ingay ng mga bisita ni Senyorito Axcel. Ganunpaman, nagpatuloy ako sa paglalakad at lumapit sa kanila. "Magandang gabi ho." inilapag ko ang tray sa mesa saka yumuko bilang tanda ng pag-galang.

"Thanks Layana!" tumango lamang ako kay Senyorito Axcel at tinalikuran na sila.

Lumalalim na ang gabi at ilang oras na din ang nag-daan ngunit maingay pa rin ang mga bisita ni Senyorito. Tatlong beses na rin akong bumalik doon upang dalhan sila ng kaylangan nila.

Ako na lamang at si Suzzie ang gising upang mag-hintay kung sakali mang may i-utos pa rin ang Senyorito. Alas-onse na ng gabi at dinadalaw na ako ng antok.

"Okay ka lang Suzzie?" tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansing mukhang hindi maayos ang pakiramdam n'ya. Maputla din ang mga labi n'ya.

"Masakit lang kasi talaga ang ulo ko." namamalat ang boses na sagot n'ya.

Inakay ko s'ya papasok sa maids quarter at inihiga sa kama naming dalawa. "Ba't hindi mo sa 'kin sinabi agad. Mag-pahinga ka na at ako na ang bahala kina Senyorito. Ikukuha lang kita ng gamot."

Matapos kong pa-inumin si Suzzie ng gamot ay bumalik ako sa kusina at nag-abang ng i-uutos nila. Pero ganun na lang ang pagtataka ko nang maabutang naka-patay na ang lahat ng ilaw. Iniwanan ko naman iyong bukas kanina.

Lumapit ako sa switch upang buksan iyon. Nangangapa pa nga ako sa sobrang dilim dahil wala akong makita. Nang makarating sa pakay, akmang pipindutin ko na iyon nang bigla na lamang may humila sa kamay ko at isinandal ako sa dingding. Halos mapa-tili pa ako kung hindi lamang tinakpan ang bibig ko.

"Sshh. I'm going to remove my hand but promise me na hindi ka titili."

Nanlaki ang mata ko nang makilala ang boses na iyon. A-anong ginagawa n'ya?!

"S-senyorito Alejandro," usal ko nang pakawalan n'ya ang bibig ko. "M-may kaylangan ho ba kayo?"

Sa sobrang dilim ay wala akong maaninag maliban sa ilaw ng poste sa labas.

"Layana..." ramdam ko ang mabibigat na pag-hinga nito sa gilid ng aking leeg.

"S-senyorito..." marahan ko s'yang itinulak sa balikat papalayo sa 'kin, masyado na kaming malapit isa isa't isa.

"Ilang araw na akong nababaliw ka-iisip sa halik na pinagsaluhan nating dalawa,"

Nanlaki ang mata ko sa narinig kaya nagpumiglas ako hanggang sa makawala ako sa kan'ya. "Ikaw lang ang humalik, S-senyorito. H-hinalikan mo ako."

The CEO's Maid (Published Under Psicom)Where stories live. Discover now