PART 1 - HER POV

397 5 0
                                    

"I'm not normal. I was, until I met him."

- Angela

-----


It's been a week since I've been here.

The last thing I remember was the smell of something and then everything went black. I woke up to a room unfamiliar to me. I thought someone just took care of me when I passed out but when I tried opening the door and windows and saw they are locked, I realized I was abducted. Again.

I tried screaming for help until my throat is raw, I punched and knocked the door until my knuckles were bruised, I even tried breaking the window but they're barricaded from outside. But no one came to my rescue.

Siguradong nag-aalala na si Daddy, hindi ito ang unang beses na na-kidnap ako. Hindi ko man maalala kung ano ang nangyari noon, pero naging malaki ang epekto noon sa tatay ko.

My Dad even thought of selling the company and just live a simple life with me dahil pera daw ang naging dahilan kaya ako dinukot noon. Mabuti nalang nakumbinsi siya ni Tito Allen, ang bestfriend ni Daddy, na mas mapoprotektahan niya ako sa tulong ng resources na galing sa kompanya. Ako nalang at ang kompanya ang meron si Daddy simula ng nawala si Mommy, dugo at pawis ang nilaan niya para mapalago ang kompanya kaya sigurado ako na hindi din siya magiging masaya kung mawawala 'yon sakanya.

Our security was flawless until now. Hindi ko alam kung paano nakalusot ang kumuha sa'kin. 

Somewhere in this house is my abductor. Naririnig ko ang mga yabag niya noong unang beses na sinubukan kong buksan ang pinto.

The first time he came in this room was the night after I woke up. I was caught off guard. Nakaupo ako noon sa window sill nang pumasok siya. Hindi ko napigilan ang pagsigaw nang makita ko siya, matangkad siyang lalaki at may kalakihan ang katawan. Sa itsura at size niya, kayang-kaya niyang gawin lahat sa akin at hindi kakayanin ng katawan kong manlaban.

Hindi niya ako pinansin, inilapag niya lang ang tray na may pagkain at tubig sa kama saka umalis. Ni hindi niya nga ako tiningnan. Hindi ko ginalaw ang dinala niya kahit uhaw-na uhaw na ako. Hindi ko alam kung anong lason ang nilagay niya doon.

Hindi ko na din namalayan na nakatulog ako sa inuupuan hanggang sa may naramdaman akong kumikirot sa kamay ko. Sa pagmulat ko, mukha agad ng lalaki ang nakita ko. Tinakpan niya agad ang bibig ko nang Makita niya na pasigaw na ako. Hindi ako makagalaw dahil nasa kanto na ako at maliit lang ang space na naghihiwalay saming dalawa.

"I won't hurt you." Sabi niya habang dahan-dahan na tinatanggal ang kamay niya sa bibig ko.

Doon ko lang napansin na hawak ng isang kamay niya ang kamay ko, nililinisan niya yung mga sugat na nakuha ko sa paghampas sa pinto. Nilagyan niya rin ng band-aid ang ibang sugat.

Nakatingin lang ako sa mukha niya, sino nga ba ang mag-aakala na ang ganitong kaganda na itsura kayang gumawa ng napakasamang bagay.

"Bakit ako nandito?" hindi ko na napigilan itanong pero hindi niya ako sinagot.

Kinuha niya lang ang baso ng tubig at ibinigay sa'kin, umiling ako. Nagulat naman ako nang uminom siya ng tubig saka ibinigay sa akin ang baso. So, walang lason ang tubig? Uminom ako ng kaunti para maginhawaan lang ang lalamunan ko saka binaba ang baso sa tabi ko.

He's still in front of me looking at the glass of water beside me, he looked at me then nodded to the glass while crossing his arms. I think he wants me to drink everything, I did and that's the only time he moved to go out the room.

Paulit-ulit lang ang naging scenario namin araw-araw. Papasok lang siya ng kwarto para magdala ng pagkain at hindi siya aalis hangga't hindi ko nauubos ang dinala niya.

Stockholm SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon