Gumuhit ang ngiti sa labi ko at masaya ko siyang pinagmasdan mula sa kinatatayuan ko.


Aalis na sana ako nang bigla niyang nilamukos ang hawak na papel at basta na lang itinapon sa sahig. Dahil sa ginawa niyang iyon, 'di sinasadyang nahagip ako ng mga mata niya.


"When did you get here?" Dali-dali niyang inayos ang mga librong nasa ibabaw ng study table.


Sa tingin ko, tila balak niya pa nga sanang itago ang mga 'yon. Pero naisip niya sigurong nakita ko na rin naman, kaya useless na ang paglilihim niya.


"Kadarating ko lang. May problema ba? Mukhang nahihirapan ka yata diyan sa pinag-aaralan mo," untag ko.


Umiwas siya ng tingin. "I'm fine. Just go to your room and get some rest. Kakauwi mo pa lang galing sa whole day seminar. You must be tired," sagot niya. Hindi ako sigurado kung imahinasyon ko lang ba na may hint of concern ang paraan ng pagkakasabi niya.


"Okay lang ako. Hindi pa naman ako inaantok. Gusto mo tulungan kita sa diyan sa part kung saan nahihirapan ka?" offer ko sa kanya habang kasalukuyan pa rin akong nakatayo sa may pintuan.


Noong una, parang nag-aalangan pa si Mitsui, pero sa huli ay sumang-ayon din siya sa alok ko.


"Come in," maikling sabi niya.


Tuluyan na akong pumasok at lumapit sa kanya. "Anong subject 'yan at seryosong-seryoso ka yata?"


Hindi siya sumagot kaagad, kaya binuklat ko na lang ang cover ng libro.


"Accounting 12." Binasa ko nang malakas ang nakasulat na title.


"Take my seat. I will find another chair." Tumayo siya at ibinigay sa akin ang upuan niya. Kinuha ko naman ito at umupo ako.


"Sinong prof n'yo dito?" karagdagang tanong ko nang bumalik na siya bitbit ang isa pang silya at saka tumabi sa akin.


"Si D-del Fierro." Halos hindi niya mabigkas ang pangalan ni Dwayne.


Lihim tuloy akong napangiti. Knowing him, malamang na ang pinapahalagahan niyang ego na naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.


Napag-alaman ko mula sa ilang kaeskwela niyang madalas siyang pinag-iinitan ni Dwayne sa klase. At some point ay mas mabuti na rin 'to, kasi napupuwersa siyang pagbutihin ang grades niya para may mapatunayan at maipamukha siya kay Dwayne.


Inayos ko ang mga nagkalat na papel at inintindi kong mabuti ang mga nakasulat dito. Saka ko siya masinsinang tinuruan kung paano niya dapat gawin ang mga ito.


Kahit ako ay naninibago sa ikinikilos niya. Habang tinuturuan ko kasi siya, seryoso nga talaga siyang nakikinig sa akin.


Actually, hindi naman talaga bobo si Mitsui, tamad lang talaga siya. Wish kong sana nga magtuluy-tuloy na ang ipinapakita niyang interes sa pag-aaral.



***

[3rd Person POV]


Makalipas ang dalawang oras, "How about this one? How should I solve this problem?" muling tanong ni Mitsui.


"Patingin nga." Kukunin sana ni Vianca ang libro nang hindi nito mapigilang mapahikab.


Napansin iyon ni Mitsui, kaya agad din siyang nagsalita. "You're already sleepy. You should go to your room and rest now," utos niya.


"Hindi, okay lang. Tapusin na lang natin 'to." Tumanggi si Vian kahit ang totoo ay bumibigat na ang talukap ng mga mata nito. Sobrang napagod ito sa dinaluhang buong araw na seminar.


Kalahating oras pa ang nagtagal at inaantok na talaga si Vianca, kaya inutusan nito si Mitsui na magpatimpla ng kape kay Manang Flor. Sumunod naman siya at lumabas pa rin ng kwarto kahit bahagyang sumasakit ang binti.


Pagbalik ni Mitsui ay may dala na siyang isang tasang kape, ngunit nadatnan niyang nakayuko at nakatulog na si Vianca sa study table.


Marahan niyang tinapik ang likod nito. Gigisingin niya sana ito, subalit mahimbing na itong natutulog.


Nakokonsensiya naman siyang pabayaan na lang itong matulog sa ganoong kalagayan. Kaya bagaman nahihirapan dahil sa sprained ankle ay binuhat niya ito papunta sa kama. Kung wala lang sana siyang injury ngayon ay kaya niya itong buhatin hanggang sa kwarto nito.


Matapos maayos na maihiga ang asawa, tatalikod na sana si Mitsui para magtungo sa kabilang guest room at doon na lang matulog.


"Mitsui... alskdljdh..." Ngunit narinig niyang mahinang nagsalita si Vianca.


Lumuhod siya at pinakinggan kung anong sinasabi nito.


"Di ba... asdfgj... maglaro... aadfghjk... basketball... sdfghhjjkl... Kailan 'yong... aafgghhjk... first victory mo?"


Napangiti siya nang makitang nagsi-sleep talk lang pala si Vianca. Tila siya ang napapanaginipan nito, at base sa naintindihan niya ay tinatanong siya kung kailan nangyari ang unang victory niya.


Pinagmasdan niya itong maigi. Napakaamo ng mukha nito, taliwas sa palabang personality kapag gising.


'When was really my first victory?'


Tinitigan niyang muli ang asawang nahihimbing pa rin sa pagtulog. Pagkatapos ay unti-unti niyang inilapit ang mukha kay Vianca at hinalikan ang mga labi nito.


"I guess, it only happened now that I scored a kiss from you," bulong niya rito kasunod nang paglitaw ng isang pilyong ngiti.



********

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Where stories live. Discover now