Kabanata 7
When the Cat is Away
STELLA
It's been 3 days since the runaway bride left.
Umupo ako sa may veranda ng hotel, tanaw ko ang Parking 5 habang naglalaro ng volleyball sa may tabing dagat.
They all look sizzling hot with those ABolous bodies. Silang apat may kasama na kaagad na girls. Halos pagka-guluhan sila nung mga babae, sabagay di ko naman sila ma-sisisi.
Medyo malamig at pa-dilim na. Kaya buhay na yung mga lanterns sa paligid ng resort, para dun sa mag na-night swimming. Ang ganda nga ng view habang nag didinner ako.
"I love it." The best shrimp that I tasted in my entire life. Ang sarap talaga lalo na pag bawal. Hahaha.
"Uy teka! Hipon ba yang kinakain mo?" Miles. Gising na pala ang bruha.
I gave her the 'so-what-look'
"Alam mo--"
"Opps." hinarang ko kaagad yung kamay niya. Kukunin niya kasi yung hipon na kakainin ko.
"Bawal yan sa'yo eh! Mamaya atakihin ka na naman ng allergy mo."
I laughed sarcastically, "Hindi naman ako natatakot ma-allergy. Alam mo sis, kailangan mo i-enjoy yung mga ganito. Pano mo malalamang masarap kung hindi mo titikman?"
"Dapat labanan mo kahit bawal. Because eventually, your body will get use to it anyway."
"Tigas talaga ng bungo mo gurl." tinawanan ko lang siya. Umupo din siya sa tabi ko at naki-kain. Pakipot pa kasi e, babawalan pa ako eh siya din naman kakain.
"Ngayong wala na si Steph. Ano ng plano mo?" Miles
I flashed a smile, a devilish one. "Alam mo ba ang kasabihan na, When the cat is away.. The mouse play?"
Nag-frown siya sa sinabi ko, "Oh no gurl! Masama na naman yang binabalak mo. Pero wait, pano mo naman gagawin yun? Alam mo namang mainit sayo ang dugo ni Fafa Chase. Naku gurl, wag ka ng umasa."
"Kaibigan ba talaga kita?"
"Ewan ko sa'yo! Di ko lang kasi ma-imagine gurl kung ano gagawin mo. Alam mo naman sa school lagi kang mahinhin at tahimik. Ni-isang beses nga hindi kita nakitang nakipag usap sa boys."
"Psh. Don't care, eto ang trip ko. Bibihis lang ako." Kinuha ko yung bathing suit ko. Pinatong ko lang siya and tiningnan ko sa salamin kung bagay. First time e'.
Isang nerd mag susuot ng ganito. Nakakatawang isipin, diba?
Tinanggal ko ang glasses ko na parati kong sinusuot sa school. Tinanggal ko din ang puyod sa buhok ko na laging naka-tali. "Ayan.. Mas bagay." pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin with my fierced look.
YOU ARE READING
Lie With Me (On-going/Editing)
General FictionSi Stella Venice ay ipinanganak sa isang marangyang pamilya. Mayaman, humihiga sa pera— pero nararanasan din niya ang karaniwang problema ng mga anak mayaman. Salat siya sa atensiyon, at iyon lang ang tangi niyang hinahangad. Dun niya nalaman kung p...
