Kabanata 3
The Chase
- STELLA'S POINT OF VIEW -
"I repeat. What happened last night?" pag-uulit ni Stephanie sa tanong niya. Natulala kasi kami pareho ni Villafuente sa biglang pagsulpot ni Mom.
Pumunta siya sa tapat namin at naka-crossed arms padin. Then she's giving me the what-the-hell-is-happening-here look.
"Should I tell her Mr. Villafuente?" pang-aasar ko kay Chase. Napakamot naman siya sa ulo niya at humingang malalim. "O-Oh nothing Hon. Na-Nagkukwentuhan lang kami ni Stella."
"That's not my question babe." sagot ni Steph. Mukhang na-iinip siya sa sagot namin. Nanatili lang akong tahimik. Madami akong palusot na na-iisip, pero gusto kong si Villafuente ang magpalusot ngayon.
"Tell her Villafuente. Tell her EVERYTHING" talagang diniinan ko yung last word.
At ngumiti ako ng pang-asar. Kumunot naman ang noo ni Chase. Alam kong sa isip niya gusto na niya kong bugbugin. Hahaha
"A-About last night.." na-uutal niyang sabi habang pinaglalaruan ang kamay niya. Tila kinakabahan siya at nag-iisip ng pwedeng palusot.
"..nagkwento lang siya about their sleepover kina Miles. And yun nga, she said that she had fun last night."
I'm so proud of him. Natututo na din siya kung pano mag laro sa larangan ng pag-ibig. Actually hindi ko na-isip yung palusot na na-isip niya ha. Hahaha.
Pumalakpak ako. Kaya napabaling sakin ang attention ni Steph at Villafuente. "Bat ka pumapalakpak?"
"Trip ko lang. Ang ganda kasi ng scene na to. Parang nasa teleserye lang tayo. Why so serious kasi guys?" pag cha-change ko ng mood.
"Baliw ka na anak. Ikaw naman kasi, ang seryoso ng pag-uusap niyo ni Hon kanina. I got curious tuloy." sagot ni Stephanie sabay pout. Childish mom.
Nilapitan ko siya and I hugged her. "Kinausap ko lang naman si Villafuente. You know naman na I just wanted the best for you." Pagkasabi ko nun, unconsiously napa-irap ako. Di naman niya ko nakikita eh.
HAYY. I must be really crazy, sinasaksak ko siya patalikod.
Kumawala ako sa yakap and I gave them a smile, "Iwan ko muna kayo diyan. Bye ma.. Bye.." napatigil ako saglit "..Dad" What the heck, labag yun sa kalooban ko.
Palabas na ko sa may kusina ng biglang may humigit sa akin. Pag lingon ko si Miles, at binibigyan ako ng "we-need-to-talk" look. Hinigit niya ko papuntang kwarto ko, feel at home lang.
"Mag kwento ka gurl." agad niyang sabi pagkalapag sakin sa kama.
ESTÁS LEYENDO
Lie With Me (On-going/Editing)
Ficción GeneralSi Stella Venice ay ipinanganak sa isang marangyang pamilya. Mayaman, humihiga sa pera— pero nararanasan din niya ang karaniwang problema ng mga anak mayaman. Salat siya sa atensiyon, at iyon lang ang tangi niyang hinahangad. Dun niya nalaman kung p...
