18

2.8K 31 1
                                    

--

Kuya !! Gising ka na !! Kamusta pakiramdam mo ? Wait lang tatawagin ko lang si daddy !!! --- masayang sambit nang pinsan nya , pagmulat na pagmulat pa lang nang kanyang mata .

Medyo nahihilo pa din sya at wala masyadong maalala , medyo masakit din ang likod at ulo nya , kaya napagpasyahan nyang sumandal muna .

Nang maisandal nya na nang maayos ang kanyang katawan ay agad naman balik nang pinsan nya kasama ang daddy nito na tito nya .

Kuya saan ka ba nanggaling ? Sabi mo makikipag meet ka lang kagabi , tapos bigla naman may tumawag sa amin na lasing ka dw na nakatulog sa labas nang bar na pinuntahan mo ! --- mataray nitong tanong sa kanya na agad nyang ikinatawa .

Hoy rica ! Talo mo pa si tito mag interrogate ah ! Isa isa lang ok ! Chill relax !! --- tawang sagot nya dito

Nakita naman nyang napabuntong hininga at napapa iling ang tito ely nya sa kanilang dalawang mag pinsan , agad syang tinitigan nito na parang nagsasabing sagutin nya lahat nang tanong nang pinsan nya .

Agad syang napabuntong hininga at pilit inaalala ang mga nangyari sa kanya kagabi hanggang sa nagulat na lang syang napa sigaw .

Titoo !! -- sigaw nya na ikipinagtaka nang dalawang kaharap

Yyuuuungg kkassaama koo kkkgabii !! Kkinnidnaap nng llalaking nnakamaskara ! -- tarantang sambit nya sa mga ito , nagkatinginan naman ang mag ama at parang biglang kinabahan na hindi mo maintindihan .

Rica ! Pumasok ka muna sa kwarto mo at mag uusap kami nang kuya noah mo ! -- ma otoridad na utos nito kay rica na agad namang sinunod nang dalaga .

Nang makasigurong wala na ang dalaga ay agad namang kinausap ni chief trajano si noah .

Ipaliwanag mo nang maayos yang sinasabi mo kailangan nating ireport yan dahil kung hindi baka mapahamak yang kasama mo sa maskaradong lalaking yan ! --- seryosong dinig nya sa tito nya , isa itong mataas na pulis , kailangan nyang sabihin ang mga nangyari buong detalye dahil baka mapano ito .

Nag Simula na syang ikwento ang lahat hang gang sa matapos ay napansin nya ang galit na muka nito , bigla tuloy syang kinabahan sa reaction nito .

---

Sa kabilang banda

Takot ang nararamdaman ni rica nang marinig ang usapan ng daddy nya at kuya nya pakiramdam nya nagbabalik na naman ang mga malalagim na sinapit nya sa kamay ng maskaradong lalaki .

Na hindi nya sigurado kung nakakulong ba talaga ito o hindi .

---

Magpinsan po si Noah at rica na naging biktima ni maskman ;D
Next Update !! Abangan ..








Sex Blood √Where stories live. Discover now