5

5.8K 59 3
                                    

--

Hik ! Akhalah shiguro nhi dhad hindhhi kho sha maiishan hik !! Aayssh !! Nhafahdame ata ininum ko ayysssh !!

Bubulong bulong na naglalakad ang lasing na lasing na si rica ,
Wala na sya sa wisyo at hindi nya na napapansin ang lugar na kanyang tinatahak , nagsolo sya nang uwi pagkatapos makipag party party sa bahay nang kaibigan , hindi na nya inabala ang mga ito gaya ng pagtakas nya sa kanilang bahay , tumakas din sya sa bahay nang kaibigan nya na kagaya nya ay lasing na lasing din .

Aaayyssshh !! Ashaan naabaah kooh . - bulong nya habang inililibot ang mata sa bawat lugar na kanyang madadaanan .

Nakaramdam naman nang pagtaas nang balahibo ang dalaga dahil sa nakita , mukang maling lugar ang tinatahak nya , sobrang dilim at puro talahiban ang kanyang nakikita , bigla syang natakot nawala tuloy ang pagkalasing nya .

Shit ! -- napapamura nyang bulong napaatras sya sa takot dahil parang may na aninag syang bulto nang tao .

Lalo tuloy syang kinabahan sa nakita , naalala tuloy nya ang mga Bali balita sa kanila na mga babaeng pinapatay nang serial killer, biglang nanlambot ang tuhod nya sa takot kaya naman agad nyang kinapa ang kanyang bulsa para kunin ang phone nya pero sa kasamaang palad , iniwan nya nga pala sa kwarto ang phone nya para hindi sya ma trace ng daddy nya .

Muli ay lumingon sya sa lugar na pinang gagalingan nang bulto pero laking gulat nya nawala na ito , mas lalo tuloy syang kinabahan pero nilakasan nya ang luob nya .

Umatras atras ang lakad nya , ayaw nyang lumingon dahil natatakot sya kaya naman mas binilisan nya ang atras pero napahinto sya bigla sa pag atras nang may nabangga syang matigas na bagay sa likod nya , akmang lilingunin nya na ito pero eto na mismo ang nauna .

Isang nakakatakot na ngisi ang nakita nya , na nagbigay takot sa kanya .

---

Sex Blood √Where stories live. Discover now