Chapter 50

407 10 0
                                    

Chapter 50

Throne


Mula sa madilim na pasilyo ng kaharian ay maririnig ang bawat sigaw at putok ng baril sa paligid. Halos hindi mawala sa dibdib ni King Hundrei ang kabang nadarama niya, sinugod sila ng kampo nila Hundrei sa patay na oras. Lahat ay mahimbing na natutulog at walang kalaban-laban.

Maraming nasawi sa magkabilang panig.

"Saan ka pupunta, Hundrei." Napaigtad na lamang si Hundrei sa kanyang kinatataguan nang humarap siya sa lalaking nagsalita. Nakatutok ang hawak nitong baril kay Hundrei. "Sabi ko naman sayo, ako ang hari." Ngisi pa ni Arthwest.

"Sa tingin mo ba gano'n lang kadali 'yon?" ngisi pa ni Hundrei. "Hindi ko ibibigay sayo ang Amea, Arthwest."

"Hindi mo ibibigay dahil gagawin mong pantubos ang Amea para sa pamilya mo."

"'Wag mo silang idadamay dito, Arthwest."

Natawa na lang din naman si Arthwest, "huli ka na, Hundrei."

"Anong ibig mong sabihin!" usal ni Hundrei.

Hindi naman sinagot ni Arthwest si Hundrei kundi pinatawag ang ilang guards na nasa side niya at dinala si Hundrei sa grand hall. Itinali ang mga kamay nito sa likod ng kanyang trono, maging ang mga paa ay nakatali sa magkabilang paa ng kanyang kinauupuan.

"Oo nga pala, Hundrei... nasaan ang kapatid nating babae?"

"Wala siya dito, Arthwest!"

Napangisi na lamang si Arthwest, "huli ka na rin sa balita, King Hundrei." Ngisi pa nito. "Itali niyo na 'yan!" utos ni Arthwest at inilabas si Helena na umiiyak. May tali ang bibig nito at halos wala nang lakas para lumaban pa sa mga nakahawak dito.

"Maawa ka naman kay Helena!" sigaw ni Hundrei sa kapatid.

Napangisi na lamang ito. "Maawa ka rin sa akin, bigay mo na sa akin ang korona."

"Ganyan ka ba talaga, Arthwest! Ang trono na lang ba lagi ang gusto mong makuha, pamilya dapat ang inuuna mo!"

"Tumigil ka Hundrei!" sigaw ni Arthwest at binigyan pa ito ng suntok sa kabilang pisngi nito. "Simula ng mamatay si Krina, ang tanging hangad ko lang ay mapasakin ang Amea!"

"Pero hindi mo naman kailangan gawin 'to, Arthwest! Kapatid kita, alam mong mapupunta rin sa'yo ang koronang ito!" usal nito.

"'Yon lang ay kapag wala ka, kaya ngayon pa lang Hundrei... magpaalam ka na." inilabas ni Arthwest ang espada sa kanyang belt at itinuktok ang matigas na parte nito sa ulo ni Hundrei na siyang nagpawalang malay dito. "Nakakalungkot man Hundrei pero isusunod ko rin ang asawa't anak mo."

"Hello, Henric, my love." Napaigtad na lamang si Henric sa kanyang pagkakatulog ng bumungad sa kanyang harapan si Verona. Napatingin na lamang ito sa hawak niyang baril at hindi na gumawa pa ng kahit anong kilos. "Nagulat ka ba?"

"Anong ginagawa mo dito, Verona?!"

Napangisi naman ang dalaga, "ano pa ba? Syempre, ang patayin kayo."

"Itigil mo 'to, Verona." matigas na utos ni Henric sa kanya.

"Ano ka hari para utusan ako?" halakhak pa ni Verona at saka natigil, "oo nga pala, bago na ang hari."

The Turn-out PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon