Chapter 41

330 9 1
                                    

Chapter 41

Gone


"See you soon, Koby!" yakap ko pa sa kanya at naglakad na rin pababa ng Yacht. Didiretsyo na siya sa Amea. Kumakaway pa ito sa akin habang palayo na ang Yacht. Hinarap ko naman ang Halliway, napahinga na lang din naman ako ng malalim. It's good to be back here.

"Jayne!" napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Damon..." ani ko. Niyakap ko naman siya ng malapitan ko.

"Anong nangyari doon? Anong gagawin mo dito sa Halliway?" tanong pa niya sa akin.

"I'll stay here... for good." Ngiti ko pa sa kanya.

Napataas naman siya ng tingin sa akin, "di nga? 'Yong totoo Jayne?" aniya. "Hindi ganyan ang mukha ng walang problema." Aniya.

Napabuntong hininga na lang naman ako sa sinabi niya, "take me to your place."

"Sure." Aniya.

Sumakay naman kami sa motor ni Damon. 'Yong mga bags ko ay nakasakbit sa amin. Nasa akin ang backpack habang na kay Damon ang isang bag at nakahawak ako sa kanya. Mabilis lang din naman kaming nakarating. Pasikat pa lang din naman ang araw kaya wala pa masyadong mga tao sa paligid.

Tinulungan naman ako ni Damon na buhatin papasok ang mga bags sa bahay na tinutuluyan niya. Malaki ang space na 'to for him.

"Oh, you can stay here as long as you want."

"Thank you, habang naghahanap pa ako ng matutuluyan ko."

Tinanguan na lang din naman niya ako, "now, Jayne. Tell me what happened on Amea then on North Peeliana?"

Kinuwento ko muna sa kanya 'yong mga nangyari sa Amea. Na si Henric pala talaga ang nawawalang Prince. Hindi lang siya isang turn-out prince, kundi siya ang real prince. Kinagulat pa ni Damon nang malaman niya rin 'yon. Sa totoo lang kasi wala naman kaming idea kay Henric kaya lang gulat din naman na ang prince na hinarap namin sa maraming tao ay siya rin palang tunay.

"Then what? Nasaan na siya ngayon?"

I shrugged, "before I left Amea, nasa Fabros residence lang siya."

"Oh, ba't siya nandoon? Dapat diba nasa castle na siya, he's the prince."

I nodded, "yes, I guess pero he needs the time din para ma-adopt niya 'yong bagong environment na gagalawan niya. You know being in that kind of situation is hard."

"What you mean, Jayne?"

I look at his eyes, "I'm a Williams."

Napakunot noo naman siya sa sinabi ko na parang hindi naman makapaniwala sa sinabi. Kahit nga ako, akala ko jonijoke time lang nila ako pero no'ng isa isa nilang pinakita ang birthmark nila na katulad ng sa akin ay mas naguluhan naman ako. Isa nga ba talaga akong Williams?

"How's that happen?" he asked.

Napailing na lang din naman ako sa kanya. hindi ko kayang pag-usapan 'yan ngayon.

"I just need some rest Damon."

Napahinga na lang naman siya ng malalim, "okay, the bed is free for you." Aniya.

"Thanks." Ani ko at tumuloy naman sa kanyang kwarto.

Agad naman akong humilata ang dinama ang lambot ng kama na ito. It smells Damon pero hayaan na, gusto ko talagang magpahinga dahil kinukulang ako ng tulog lately. Lalo na ngayon na hindi na naman sigro ako papatulugin nito gabi-gabi.

The Turn-out PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon