Chapter 43

300 9 0
                                    

Chapter 43

Sebs


Nang marating naman namin ang basement ay nadatnan namin ang ilang royals guards na nakatayo doon. Nandoon din ang hari at si mama. Lumapit naman kami sa kanila at sa tingin ko ay tapos na ang nangyaring tensyon dito sa paligid kaya naman nakakapagtaka lang dahil mga confident na ang tayo ng ilang royal guards dito.

"What happened?" tanong ni Henric.

Ngumisi naman ang hari, "we found the traitor." Sagot naman nito.

Hinanap ko naman sa paligid kung nasaan iyong sinasabi niya pero wala naman akong idea.

"Sino?" tanong pa ni Henric.

Pero bago pa sabihin ng hari kung sino ay pinalabas na nang basement ang mga royal guards at natira na lamang kaming apat at ilang guards na nagbabantay sa bawat selda ng kulungan dito sa basement.

"Bakit niyo sila pinalabas? Akala ko ba nahanap niyo na kung sino nagpakawala kay Arthwest?" ani Henric.

"We got him." Usal ng hari.

Magtatanong pa sana si Henric pero naglakad ang hari. Mula sa kinatatayuan namin kanina ay nilakad namin hanggang sa dulong selda at mula doon. Isang lalaki ang nakita namin.

"Sebs?" banggit ko sa pangalan nito ng humarap ito sa amin.

Bigla naman itong tumayo at pilit akong inaabot. Hindi ko alam pero napaatras na lang din naman ako sa ginawa niya. Mabilis naman akong napalingon sa mga kasama ko.

"Paano kayo nakaksigurado na siya nga ang nagpatakas kay Arthwest?" tanong ko pa.

"Nakita sila no'ng araw na 'yon." sagot ng hari.

"Sila?" kunot noo ko.

Tumango naman ang hari, "isang royal guard din mismo, Danjan ang pangalan."

"Hindi maaari."

"Jayne, 'wag kang maniwala sa kanila! Hindi ako 'yon!" pagtanggol niya sa sarili niya.

Hindi ko alam kung ano ang katotohanan pero hindi ako makapaniwala na mismong dalawang naging malapit din sa akin ang malalagay sa sitwasyong ito.

"Baka nagkakamali lang sila." Usal ko pa.

"Jayne, itinakas nila si Arthwest at ngayon na delikado tayo dahil hindi natin alam kung anong pwede niyang gawin."

Muli ko namang tiningnan si Sebs. Bakas sa mukha nito ang pagmakakaawa pero wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman pwedeng suwayin ang desisyon nila.

"Tara na bumalik na tayo sa grand hall." Ani ng hari.

"Saglit lang po," sabi ko nang nagpahinto sa hari at muli akong nilingon. "Kakausapin ko lang po siya." Patukoy ko pa kay Sebs.

Tumango naman ang hari.

"Samahan ko si Jayne dito." Dugtong pa ni Henric.

"Sumunod na lang kayo doon." Aniya. Dalawa naman silang umalis ng basement at nanatili kaming dalawa ni Henric.

Bumalik naman si Sebs sa kahoy niyang kama na wala man lang ni isang malambot na sapin. Ginawa niyang unan ang kanyang braso at nahiga doon.

The Turn-out PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon