"Tara na... wala ako sa mood ngayon para mag hunt ng magagandang babae."  Pag-aya ko sa kanila dahil apektado padin ako ng aking panaginip.

        "Wait lang pare,,, ayan na... patawid na sya." Excited na pagpigil sa akin ni Angelito habang sinusundan nila ng tingin ang tumatawid na babae.

*SscCrReEEeeEEeEeEEeeeaAAaAaaaacCchhHhhhhh*

*BLAM!*

        "oh.... Fuck!"  Sigaw ni Arvine. HAlos hindi kami makagalaw sa pwesto namin ng masaksihan namin ang  isang kalunos-lunos na aksidente.

        "May NASaGASAAN!! " Sigaw ng vendor sa kanto.

        "May NASAGASAAN!... Humingi kayo ng tulong! Bilis!" Sigaw naman ng mga estudyanteng hindi mapakali sa kanilang nakita.

          Ang pangyayaring ito..... Parang ito ang napanaginipan ko..... Mali! Ito talaga ang napanaginipan ko!

        "Shit! Nasagasaan yung babae.. Anong gagawin natin?."  Ang kaninang nananabik na si Angelito, ngayon ay nababalot na ng takot.

    May gumulong papunta sa pwesto namin, at mukhang galing ito sa babaeng nasagasaan.

        "Vonjo, may pin..... At ang nakasulat ay.... NEXT!"  Sambit ni Arvine ng damputin niya ito.

(October 12, 2011)

     Kahapon ako lang ang nakatulala, pero ngayon tulala na kaming tatlo sa quadrangle.

        "HOY! kayong tatlo! Bakit tulala kayo dyan huh? batak siguro kayo sa bawal na gamot noh?" Biro sa amin ng isa pa naming tropa na si Princess. Agad namang nabasag ang katahimikan namin nung umupo siya malapit sa amin.

        "Hindi ko talaga makakalimutan yung nangyari doon sa babae na nasagasaan kahapon." Nakatulalang banggit ni Angelito

        " Sinabi mo pa, sa harapan ba naman natin nangyari." Tulala ding sabi ni Arvine.

        "Nakita ko din iyon. NAkakakilabot nga eh, tapos tinakbuhan pa sya nung nakabangga sa kanya." Dagdag ni Princess na nakita din pala ang nagyari.

        "Ito ang nakakakilabot Princess, bago mangyari ang aksidente na iyon. Naikwento na sa amin ni Vonjo na mangyayari iyon." Pagbubunyag ni Arvine na agad sinundan ni Angelito. "Nung una pinagtatawanan pa namin si Vonjo, pero after namin makita iyon, naniniwala na kami." 

    Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko lalo na at sa akin pa nagpakita ang pangitain na iyon. "Dapat hindi ko nalang napanaginipan iyon, para hindi ako kinakabahan ngayon." 

        "You mean.... May Premonition Ability ka?" Tanong ni Princess na akala mo ay namamangha pa sa nangyari.

        "Anong Premonition?"  Sabay-sabay pa kaming tatlo na naitanong ito kay Princess.

        Ngumiti at nagpaliwanag sa amin si Princess. "Ito ang abilidad na makita ang future sa pamamagitan ng panaginip... Astig! Kung meron kang ganyan na abilidad, pwede mong matulungan ang iba at mabigyan sila ng babala." 

     What the? Seryoso ba si Princess sa sinasabi niya? MAtulungan? Mabigyan ng babala? Ayoko ng ganong obligasyon!   "Mukhang mahirap iyan, ayokong i-entertain ang ability na ito. Baka kung ano pa ang mangyari."  Pagtanggi ko sa mungkahi niya.

        "So Ganyan yung sa palabas na Final Destination.... alam nyo ba iyon?" Sabi naman ni Arvine.

        "Pero diba base sa story, kapag nakaligtas ka sa design ng pagkamatay mo, babalikan ka parin at hindi ka titigilan ni kamatayan?..... Naku Vonjo huwag mo akong mapapanaginipan Please..." Hindi ko malaman kung nagtri-trip ba itong si Angelito o seryoso siya sa sinasabi niya.

        "ANo ba kayo??... ang totoo lang doon ay yung premonition. Pero yung babalikan para mamatay ka ulit after mong makaligtas, dagdag na lang iyon para magkaroon ng thrill ang story." Paliwanag naman ni Princess.  At para bang nakahinga na nang maluwag si Arvine.  "Aaahh ... Kung ganon, pag nakaligtas, safe na talaga." 

        "Yhup!" 

        "Kahit na anong sabihin nyo ay ayoko pa rin." Buo na ang aking desisyon. Kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko gagamitin ang ability na ito.

the PREMONITIONWo Geschichten leben. Entdecke jetzt