Umusog nako sa kanya at nilagay ko ang aking ulo sa kanyang braso.

Nag iinit tuloy ang buong katawan ko.

Nawala ang lamig na nararamdaman ko.

Medyo magkalapit ang aming mukha. At amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango.

"Hmm ano gusto mo panoorin?"

"Kahit ano."

Binuksan na niya ang tv gamit ang remote.

"Ayan!! Inside out! Maganda yan." Sabi ko.

"Pambata!" Sabi ni Mara.

"Eh maganda yan eh." At hindi na niya nilipat.

Pinanood namin pareho ang inside out. Mukhang nagugustuhan naman ni Mara eh.

Nang nasa kalagitnaan na ng movie ay hindi kona napansin na nakayakap na pala ko sa kanya.

Pero hinayaan ko nalang yun.

Napatitig ako sa kanya bigla dahil narinig siyang nag buntong hininga.

Teka umiiyak ba to?

"Mara bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Nakapatong padin ang aking ulo sa kanyang braso.

Pero naka titig ako sa kanya.

"Nakakainis naman kasi si Joy! Iniwan niya si sadness sa ere. Ni hindi man lang niya inisip ang kalagayan ni sadness." Sabay punas sa kanyang luha.

At tumawa ako ng malakas.

"HAHAHAH!! Diyan ka lang pala maiiyak ha."

At binalik ko na ang tingin ko sa pinapanood.

"Wag kanga pamsy! Ikaw nga iyakin eh."

Inipit niya ko bigla sa kanyang braso.

At ung mukha ko ay nadikit sa boobs niya!!

"Mmmm!!!" Ungol ko.

At after 10 seconds ay kumalas ako sa pag kakaipit niya sakin.

"Mara ano baaa!! D ako nakahinga dun ah!" Hingal na hingal kong sabi.

"HAHAH sus! Choosy kapa. Lika nga dito."

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit habang nakahiga kami.
At nag dikit ang aming dibdib kaya ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng aming puso.

Nakapatong ang kalahati ng katawan ko sa kanya.

"Bumibigat ka ata Pamsy ah."

"Tse!" At tinulak ko siya ng mahina at umayos nako ng higa.

Pinag patuloy namin ang panonood.

Nang matapos na ang palabas ay hindi kona namalayan na nakatulog na pala ko.

- - - - - - - - - - - - -

Mara's POV

Nag dr drive nako pauwi ngayon.

Pero hinatid ko muna si Erin sa kanyang apartment.

Sabi niya ay gusto na muna niyang mag pahinga kaya hinayaan ko nalang siya.

Hmm. Bisitahin ko nga si Agean.

Mabuti nalang at nag red ang stop light. Kaya kinuha kona agad ang phone ko at tinawagan si Agean.

[Baby saan ka?] Tanong ko.

[Eww. Baby ka diyan! Dito sa bahay bakit?]

[Punta ako ha?]

[Okai bilisan mo!]

Call Ended.

Nag green na ang stop light kaya pinaandar kona ang aking kotse.

Nag drive nako papunta sa bahay nina Agean.

Pinagbuksan ako ng gate ng maid nila. At pinasok ko na ang aking kotse at nag park.

Dumiretso nako agad sa kanyang kwarto.

"Geeean." Kumatok ako sa kanyan kwarto.

At pinag buksan niya ko.

"Taraa."

Pumasok nako sa kanyang kwarto. Umupo ako dun sa kanyang kama at ganun din siya pero humiga siya at ginawang unan ang aking lap.

"Babeeeeeee!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit kaba sumisigaw diyan?! Andito lang ako oh!"

"Eh kasi naman." Mainhin kong sagot.

"Eh kasi?"

"Gusto ko ng mag confess sa kanya. Gean. Mahal na mahal kona siya."

At umayo siya ng upo. Humarap siya sakin.

"Eh gaga ka pala eh! Bakit hindi mo sabihin?!"

"Natatakot ako."

"Natatakot saan?"

"I dont know. Baka hindi niya ko mahal? Or baka naguguluhan lang ako na ewan."

"Ano kaba. Wag kang matakot. Paano mo malalaman ang nararamdaman niya kung hindi mo siya tatanungin?" Hinawakan ni Agean ang dalawang kamay ko.

"Paano ko siya tatanungin?"

"Hmm. Hindi ko din alam. Pero dapat mag isip tayo ng paraan."

"Nga pala. Kumusta na kayo ni Anne? LQ padin ba kayo?"

Biglang nag bago ang itsura ng mukha ni Agean. Parang nabubwisit.

"Ewan ko sa kanya! Pakiramdam ko kasi may namamagitan sa kanila nung prof namin sa afternoon class." Iritang sabi ni Agean.

"Diba babae yon? Si Ms. Cruz? Ung bago yun diba? May itsura din yon eh."

"Ya right. 22 years old palang yon. Bali 4 years lang ang tanda niya sa atin."

"Dont worry Gean. Mahal na mahal ka naman ni Anne eh."

At niyakap ko siya.

- - - - - - - - - - - - - - -

Bukas ulit ang next update! :) salamat sa pag babasa :)

Sorry po sa errors T.T

Vote?? Comment? Thank you!! :)



She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now