Hindi na niya napigilan ang sarili.Tumayo siya at nilapitan niya ang grupo.Nakasunod si Jaiden.Nakilala siya kaagad ng tatlong taga-marketing. Binati siya ng mga ito ngunit ang atensiyon niya ay na kay Anne at sa lalakeng kausap nito sa isang tabi.

"Everything's okey?" tanong niya.Nilapitan niya ang mga ito.He really thought na kailangan nito ng taga-pagtanggol kaya siya lumapit,at para makabawi sa nangyari kaninang umaga.

Nakita niyang tumaas ang kilay ng babae. "Everything's fine, sir." Sagot nito.BAkit pakiramdam niya,inis ba o galit ang babae na lumapit siya.

"And who the hell are you?" tanong naman ng lalakeng hindi maipinta ang mukha.

"Her boss...and her boyfriend." Halos pabulong na lang yung huli dahil ayaw niyang marinig ng ibang empleyado niya ang sinabi niya.Mabuti na lamang at abala ang mga ito sa pakikipag-usap kay Jaiden.

"Joke..." tumawa ang lalake. "Hindi nga, Anne...boyfriend mo talaga yan?" tanong nito.

Nainis siya.Sa pagkakabigkas nito sa pangalan ni Anne,halatang magkakilala at malapit sa isa't isa ang mga ito.

"Sir, puwede ba,huwag kayong gumawa ng tsismis.At ikaw naman Jefferson, huwag ka ngang ano...huwag kang maniniwala basta-basta.Paano ko naman yan magiging boyfriend,aber?"

"Aba,malay ko,pero siya ang boss mo?"

"Yes, siya ang boss ko...siya ang big boss ng company actually."

"Excuse me..."lalo siyang nainis dahil kung makapag-usap ang mga ito,parang wala siya sa harapan nila.

"Excuse din, sir...pero hindi ba itinuro sa school niyo na huwag makialam sa personal na usapan ng iba,kahit empleyado niyo pa lalo at wala na naman tayo sa opisina? Besides I need to talk some senses with this man...kaya pasensiya na po kayo kung hindi ko ma-e-entertain ang trip niyo ngayon.Halika ka na nga..." at hinila na nito ang lalakeng tinawag na Jefferson. Wala siyang nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang mga ito.

"Okey ka lang bro?" tanong ni Jordan nang bumalik siya sa mesa nilang magkakaibigan.

"No, I'm not. Mauuna na ako sa inyo..." at bago pa siya mapigilan ng mga ito, naglakad na siya palabas ng bar.Para lang madagdagan ang inis niya.Dahil nasa parking area din si Anne at kausap pa rin nito si Jefferson.Nakatayo ang dalawa sa tabi ng kotse ng babae.

Hindi siya pansin ng mga ito dahil parang seryoso ang pinag-uusapan. Sumakay siya sa kanyang kotse,ngunit hindi naman niya iyun pinaandar kaagad.He just sat there at pinanood ang dalawa.Hanggang sa makita niyang umalis na rin ang lalake at bumalik naman sa loob si Anne.

Lunes.

Pagdating niya sa opisina, wala si Anne sa mesa nito. Did he overdo it this time?Ngunit pagpasok niya sa kanyang pribadong opisina,nasa mesa na niya ang isang tasa ng kape na galing sa coffee shop na nasa ground floor ng kanilang building at dalawang piraso ng croissant.Alam na alam na ng babae ang routine niya.Inilapag niya ang kanyang bag at ang dala niyang lap top at agad na nilantakan ang pagkain.Ang totoo niyan,kung hindi take out ay sa labas naman siya kumakain.Kaya sa umaga,doon na talaga siya sa opisina kumakain.Noong si tita Rhodora pa ang kanyang sekretarya at assistant,kasama na sa trabaho nito ang mag-order ng agahan para sa kanya.At natutuwa siya na hindi nakakalimutan ni Anne ang bagay na iyun.Araw-araw ay iba-ibang putahe ang ino-order nito,kung hindi sinangag ay tinapay naman,katulad ngayon.

Tapos na siyang kumain nang marinig ang mahihinang katok sa pinto,pagkatapos ay ang pagbukas nun.Iniluwa si Anne,dala-dala ang ilang folders.

"Sir, nandito na yung mga kailangan ninyong files mula sa accounting at marketing.Yung sa IT department,ipapadala na lang daw nila any minute now."

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon