"Bakit ba ang hilig mong tumanggi sa mga binibigay ko sayo." At huminga siya ng malalim na may halong inis.

Ayoko naman talagang tanggapin ang mga binibigay niya dahil natatawag ako na gold digger at tsaka isa pa sino ba ako para tumanggap ng mga ganyang bagay mula sa kanya?

"Basta ayoko."

"Tsk! Bahala kanga." Hayy buti naman at tumigil na siya.

Pinaandar na niya ang kanyang kotse at pinag patuloy ang pag drive.

Nang makarating na kami sa university ay pinark na muna ni Mara ang kanyang sasakyan at nang pinark na niya ay binuhat niya ako hanggang sa classroom namin.

Grabe ang alaga niya sakin parang hindi siya ung Miss Perfect na maarte.

Nang makarating na ako sa classroom ay binaba na niya ko.

"Pamsy pasok kana ha?" Pinisil niya ang aking pisngi.

"Sige. Salamat Mara." At ngumiti ako sa kanya. At ngumiti siya pabalik sa akin.

Ang mga ngiti niyang nakakapag pagaan ng loob. Ang ngiti niyang nakakapag pabilis lalo ng aking puso.

At nag lakad na siya papunta sa kanyang klase at ako naman ay pumasok na.

- - - - - - - - - - - - - - - -

One week.

7 days

Yan ang pumapasok sa isipan ko ngayon.

Dahil isang linggo konang hindi nakikita si Mara. At huli ko siyang makita ng hinatid niya ako sa klase ko.

Gumaling na din ang pilay ko.

Nag aalala nako sa kanya. Hindi ko naman siya matawagan dahil wala akong cp.

Eto ang pinaka ayaw kong nararamdaman sa lahat. Ang sobrang pag aalala at kinakabahan at nalulungkot.

Ano kaya ang nangyari sa kanya?
Bakit bigla bigla nalang siyang hindi mag paparamdam.

Nahihiya naman kasi akong magtanong kina Agean. O kay Rina.

Baka ano pang sabihin nila. Malapit naman ako sa kanila eh.

Umiiwas ako sa kanila pag nasa university dahil nga baka ano nanaman ang sabihin sakin ng mga estudyante dito. Kahit sa canteen. Kapag inaalok nila ko na sumabay sa kanila ay ayaw ko.

At mas iniiwasan ko si Rina sa kanila dahil nga naguguluhan ako. Lalo na kapag sinasabi niya sakin na sana may chance ako. Tuwing sinasabi niya sa akin yun ay sumisingit si Mara sa utak ko.

Papunta ako ngayon sa library dahil may free time kami na 3hrs dahil wala ung prof namin.

Eto ang chance ko para makatulog ako. Dahil 1 week nakong puyat.

"Erin?" Sabi sakin ng lalaki.

May nakasalubong akong isang lalaki.

Pero parang kilala ko siya. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha.

Ahh! Si Neil to.

Siya ung nakilala ko nun sa canteen.

"Neil? Kumusta." Ngumiti siya sa akin. At sinuklian ko din siya ng ngiti.

"Hahaha! Kala ko nakalimutan mona ko eh. San ka pupunta?"

"Sa library. Mag iipon ng lakas hahah."

"Pwede palang matulog dun?"

"Oo naman haha. Ikaw ba?"

"Pupunta din sana ako dun. May babasahin lang ako. Sabay na tayo?"

"Sige."

Nag lakad na kami ni Neil papuntang library.

Nang makarating na kami ay naghanap na kami ng bakanteng upuan at table.

At nang makakita kami ay dun na kami umupo.

"Sige lang Erin matulog kana. Magbabasa lang ako."

Tumango nalang ako.

Sumukob nako dito sa table.

.....

....

..

Sht. Bat d ako makatulog.

Hindi ko alam kung bakit may kumikirot nanaman sa puso ko. Parang bang tuwing naiisip ko si Mara ay parang gusto kong maiyak.

Namimiss kona siya.

Bakit ba kasi bigla nalang siyang mawawala?

Umayos nalang ako ng upo. At nakita ko si Neil sa aking tabi na seryosong nagbabasa ng libro.

"Hindi ka makatulog?" Tanong ni Neil sakin habang patuloy padin siya sa pag titig sa kanyang binabasa.

"Oo eh." Mainhin kong sagot.

"Nakaka abala ba ko?" Tanong niya ulit. At tumigil siya sa pag basa ng kanyang libro at tumitig sa aking mata.

"Hindi. May iniisip lang talaga ko kaya hindi ako makatulog."

"Ahh. Ano naman yun?"

"Mm. Wala to." Ngumiti ako sa kanya.

"Ganun? Gusto mong kape? Libre ko."

Baliw ata to eh. Gusto kongang matulog tpos mag kakape pa ko.

-__-

"Hindi na. Baka lalo akong hindi makatulog."

"Sabagay haha." At bumalik siya sa pagbasa ng kanyang libro.

Anong gagawin ko? Paano koba maalis sa isipan ko si Mara? Arrghh nakakainisssss!!!

Ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon. Tsk

Napabuntong hininga nalang ako.

"Uhm Neil. Alis na ako ha?"

Tumayo ako at sinuot ang aking bag.

"Alis kana? Sige. Ingat ka ha."

"Sige. Salamat. Ikaw din mag ingat ka." At lumabas na ako sa library.

May 2hrs and 40mins pa bago ang next class.

Tsk.

Makapunta nanga lang sa garden.

Mabuti pa dito presko at tahimik.

Sumandal ako dito sa may malaking puno at umupo sa grass.

"Asan kana ba kasi Mara?"

Hindi ko namalayan na bumuhos nalang bigla ang aking luha.

Kahit anong punas ko ay hindi padin ako tumitigil sa pag iyak.

Bakit mang iiwan nalang siya ng ganun?

- - - - - - - - - - - -

Hehehe! Asan si Mara??? *O*

Hindi ko din alam eh xD. Sorry sa errors! :(

Salamat sa pagbabasa!

:)))

Vote?? Comment? Thank you!! ^__^.





She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now