SNSD (38)

226 13 0
                                    

SNSD - [Jessie]









Kumakain kami ng hapunan ngayon, at dahil wala pa 'yung iba, nauna na kaming kumain.









"Bakit ganiti na ang luto niyo? Parang wala ng lasa e." Tanong ni Yen-Yen habang umiinom ng tubig.









"Hindi naman kasi kami marunong magluto." Poker face na sabi ni Han kaya natahimik itong si Yen-Yen sa pagre-reklamo.









"Kailan pa nagka-bibig ang pisngi mo, ha?" Kumunot naman ang noo 'ko sa tanong ni Shine kaya napalingon ako sa iba.









Anong sinasabi nito? "May amos ka!"









Ah, 'yun ba? Pinunasan 'ko naman pisngi 'ko pero kada tingin 'ko sa kamay 'ko, wala naman akong makitang dumi.









"Nangaasar ka ba?" Wala naman kasing - Lakihan mga mata 'ko sa nanyayari.









Kasi... yung katapat 'ko sa table. Siya ang nagtatanggal ng dumi sa mukha 'ko gamit ang tissue. Sino? Si Krus.









Bago pa ako mahumaling sa baba - este - mata niya, nilayo 'ko mukha 'ko sa kamay niya. "W-wag ka ngang ano! Pwede mo naman ituro e."









Bakit ang init? Brownout ba? Mukhang hindi naman e. Gumagana pa naman ang electricfan.









"Tinuro na nga ni Shine 'yung amos mo, hindi mo parin nakita. Pasalamat ka nga't isang gwapo ang nagtanggal ng amos sa'yo."









Sakto namang nasubo na ako ng pagkain nang mabulunan ako. Kaya dali dali akong inabutan ni Yna ng tubig na ininom 'ko kaagad.









"Sorry ah? Ngayon lang kasi ako nakakilala ng pangit na gwapong gwapo sa sarili." Sarkastiko 'kong sabi.










Medyo nilapit niya mukha niya sa'kin at ngumisi, "Ako? Pangit?"









"Gusto mo talagang ulitin 'ko pa noh?" Sasabihin 'ko sanang pangit siya kaso naputol naman. "Sige nga, titigan mo nga 'ko."









Sinusubukan ba niya 'ko? Fine! Go! 'Di hamak naman atang mas nakakailang titigan si Han kaysa sa kaniya noh!









So, ayun. Nagtitigan nga kami. "For only 30 seconds.."









"Game." At nakipagtitigan nga ako.









1, 2, 3, 4, 5.. waepek.









6, 7 , 8, 9, 10.. waepek.









11, 12, 13, 14, 15.. waepek.









16, 17, 18, 19, 20.. waepek.









21, 22, 23, 24, 25.. yesepek.









26  - "Ang pangit mo talaga. Nakakainis kang titigan." Biglang iwas niya ng tingin sa'kin.









Ewan 'ko pero napahawak ako sa mukha 'ko. Ang ganda 'ko kaya! Ang dami ngang nagsasabi sa instagram na ang ganda 'ko raw e.









EXO and GG Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon