IBC WC: Contestant #10

Start from the beginning
                                        

And now, our next performers are from the P.E class of Mrs. PUEBLO. Let us all welcome ang BSED students with their dance interpretation of the song ANG HULING EL-BIMBO! Lets give them a big round of applause please!!!

Pagkatapos magsalita ng mga MC ay nagsimula na naglakad ang grupo namin. At para akong nakuryente sa paraan ng paghawak ni Nikko. Napakabanayad at may halong pagaalaga. Humarap na kami sa audience at naghiyawan ang lahat. Parang halos di ko na marinig ang sarili ko sa lakas ng hiyawan nila.

Dahan-dahan akong hinila ni Nikko papalapit sa kanya. Nakakasira ng bait ang WALTS na ito. Batman!! Help!!! Nagkadikit ang mga katawan namin. Muli ko naman naramdaman ang kuryente na nagpupumiglas at nagpapatayo sa aking mga balahibo.

Sumasayaw kami sa tugtug ng Instrumetal version ng Huling El-Bimbo. At sa paulit-ulit na pagpa-practise, medyo bihasa na kami sa bawat steps ng sayaw. Natatawa ako sa ibang kasama ko kasi nadidinig ko ang mga pag-uusap sila at pinipilit na ini-enjoy ang presentasyon.

"Kamusta?" pagtatanong niya habang kami ay sumasayaw sa tugtog. "Okay lang!" At inirapan ko siya. Kapal ng mukha, pagkatapos mo ako ipagpalit sa isang Nursing student at ngayon nagtatanong ka? Buang ka!!

"I'm sorry if nasaktan kita Kim." malungkot siyang nagwika. Sorry? Maibabalik ba ng sorry na yan ang mga luha na iniyak ko para sayo? Ang mga sakit na nararamdaman ko? Insensitive ka kasi. Halos isigaw ko yun sa kanya pero ayoko. Ayokong sirain ang presentasyon namin. "This is not the right time para pag-usapan yan."

Isinayaw niya ako na para bang pagmamay-ari niya ako. Nararamdaman ko ang mga haplos niya na para bang pinapalamig ang nagbabaga kong emosyon. Ang emosyon ko na matagal nang naramdaman sa kanya.

"Pinagsisihan ko na yun Kim! Dahil na rin sa kabataan ko, nagawa ko yun. Pero walang panahon na hindi kita inisip Kim." Isinasayaw niya ako habang tinititigan mata sa mata. I can feel his sincerity. Nakasama ko din naman siya for a year so may mga aksyon din siya na alam na alam ko na.

Kinuha niya ang aking kamay at inilagay iyon sa kanyang dibdib. Part kasi ng sayaw na ilagay ang kamay ng babae sa dibdib ng lalaki. Nagulat ako nang madama ko ang puso niya. It is pounding. Is it beating because of me? Ayaw ko na please! Sawa na ako paglaruan Nikko. Once or twice is enough. Mava-vain na naman ako nito.

Nagkayakapan kami dahil part iyon ng steps. His head and my head meet. Nadidinig ko ang bawat hininga niya. Hapong-hapo din ito sa sayaw. He whisper something na nagpastunn sa akin. "I still love you Kimberly." And he sealed it with a kiss. Biglang nawala lahat ng pagod ko sa katawan. Para akong isang baga na inihipan at muling umalab ang apoy. Si Nikko lang ang nagpapaganito sa akin. Si Nikko lang.

Umalis na kami sa stage dahil may one act si Lyanne at si Bruce. Ang ganda-ganda ni Lyanne sa pagsasayaw. Hindi ko namalan na nagkahawakan pa ang mga kamay namin ni Nikko. Napansin ko iyon kaya inalis ko pero he did not let go.

"Ano ba Nikko! Let me go!"

"Nagsisisi na ako na pinakawalan kita Kim. Isa iyong kahibangan. I didnt know na kay hirap palang huminga pag wala ka."

What the ... Hanggang dito ba naman Nikko. I feel stupid dahil napansin ko nalang ang sarili ko na nakatingin at nakikinig sa kanya. May part sa akin na naniniwala at may part din na nasasaktan at iniiwasan ang bawat pagpapaliwanag niya. Pero pinili ko nalang na manood sa one shot nila ni Lyanne.

Nagulat ako nang nagtinginan ang lahat ng mga kasama ko sa amin. Nakaluhod pala si Nikko at may dala dala pang red roses. Yung pakiramdam na nahihiya ka pero kinikilig. Nikko talaga. Dumada moves kana naman.

IBC Activity SectionWhere stories live. Discover now