Two

3 0 0
                                    

Chapter two

Ziani's POV

Lumipas ang limang araw na hindi ko nakita ulit si.. si..

Aish! Di ko pa rin pala alam ang totoo niyang pangalan.

Mga babae nga naman, mahilig maglaro ng feelings ng mga lalaki. Tsk tsk

"Himala yata ngayon na makipag- inoman ka pre?" Nakangising bati ni Prince na kadadating lang dito sa paborito naming bar.

Sabay tapik sa braso ko at inigaw ang iniinom kong beer.

Walang hiya talaga.

"Isang beer pa nga!" Sigaw ko nalang sa bartender kaysa sagutin ko pa siya at tinungga kaagad ang beer  pagkalapag sa counter.

"Para kang asong bagong takas sa kulongan. Ba't di mo nalang ipagtapat sa moma mo ang totoong ikaw. Ang laswang makita pag nagsweet sweetan ka sa moma mo at lalong lalo na't naka wig kapa na akala mo'y naubos sa cancer ang buhok mo. Tapatin mo nga ako, bakla ka ba?"

Ilang beses ko na ba tong narinig sa kanya? Simala ata noong nakapunta siya sa bahay kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig niya.

"How many times do I have to tell you Prince na hindi nga pwede!" Tiim bagang kong sagot sa kanya, ang kulit din ng lahi nito.

"Whoooooa! Relax pre, hindi ako si moma mo. Pwede kang magtagalog. Parang ginaganahan kanang maging nerd ah." Natatawang biro niya sa akin sinuklian ko nalang ito ng pamatay na tingin.

Itiinaas pa talaga ang dalawa niyang kamay na waring sumusuko na. At ibinaba din kaagad iyon at uminom ng beer.

"Nerd na nga, bobo pa!" Narinig kong bumulong siya. Bulong ba talaga yun o nagpaparinig siya?

Imbis na sagutin ko siya, ikinibit balikat ko nalang ang sinabi niya. Hahaba lang ang walang kwentang usapan.

Nakakainis naman 'tong mokong nato.Nakakawalang ganang uminom.

"Uwi nako!" Sabi ko sabay tapik sa balikat ni Prince.

Agad namang siyang napalingon at mukhang aangal pa.

"Opps, teka lang kadadating ko pa nga lang eh" Sabi ko na nga ba, tututol tong isang 'to.

"Baliw ka ba? May pasok pa bukas baka magalit si moma pag di ako makauwi ng maaga bukas sa bahay." Pinanlakihan ko pa talaga siya ng mata para di na umangal.

"Sorry, muntik ko nang makalimotan. Nerd ka pala tuwing weekdays, tsaka killer tuwing weekends." Sarkastikong sagot niya sakin. Mas lalong lumaki ang ang mata ko.

Parang bago lang to sa kanya, makapektosan nga.

"Sabi ko nga eh, joke joke lang. Ito naman di mabiro." Umayos naman agad siya ng upo at nag peace sign.

Kung di ko lang 'to kilala, malamang pinaglalamayan nato ngayon.

"Ge! Alis nako." Sabay talikod sa kanya at pumunta na sa parking lot.

Papasok na sana ako sa kotso ng may marinig akong babaeng umiiyak.

Kahit anong kombinsi ko sa sarili ko na wag puntahan, ay siya namang unting unti kong paglakad papunta sa may babae.

Napatigil ako sa paglalakad ng may nakita akong kasama niyang mga lalaki na mukhang unggoy.

Di maganda 'to.

Pinagmasdan ko muna baka anong mangyari kapag lumapit kaagad ako.

Di ko maaninag ang mukha niya, nasa may madilim na sulok siya na di kalayuan sa parking lot ng bar.

"Wag po!" Nauutal utal na usal ng babae. Halata sa boses niya na natatakot siya.

"Isang beses lang miss, makakauwi ka na!" Pakukombinsi ng isang lalaki. Kung tama nga ang hinala  ko, isa itong manyakis.

Pero nabigla ako sa sunod na pangyayari.

"HAHAHAHAHAHA!"
Tumawa ang babae na parang baliw, kung kani kanina lang ay nagmamakaawa ito. Ngayon naman ay halos gumulong na sa sahig sa katatawa.

"Hahahahahahahahahahahaha." Maluha luha pa nitong pinupunasan ang mata. May saltik din ang babaeng ito.

"Hahahahahahahahaha! Do you think I was dumb enough para bumigaw sa isang mukhang kingkong na katulad mo?" Walang takot na sabi ng nya na ikinanganga ko, kahit sino siguro ang makarinig ng sinabi niya ay titindig ang balahibo. Nilingon ko ang ngayo'y nakangising lalaki sa harap niya na mukhang nag eenjoy sa mga nangyayari.

Shit! Napamura ako bigla. Baka kung anong gawing ng lalaki sa kanya pag nagalit ito.

At talaga namang ginagalit niya ito.

"Anong sinabi mo?" Pasigaw na sagot ng lalaki. Halata sa boses na galit na nga siya.

"You heard me , right?" Kahit di ko gaanong makita ang expression ng mukha ng babae, tumayo pa rin ang mga balahibo ko sa lamig ng boses nito.

Kung kanina lang ay tumawa ito, ngayon naman ay nakakatakot ang bosess nito.

Bilis ng mood swing ah.

"So, get out of my sight before I torn you to pieces." Dugtong pa nito.

"Iba ka rin. Hahahahaha I like...." Di na natapos ang sasabihin ng lalaki ng bigla nitong ibalibag sa ere na akala moy isang papel lang na hinagis na kay gaan-gaan. Bakit parang ang lakas ng babaeng ito. Agad akong napatago sa poste, mabuti na ngang di ako nakalapit baka masali pa ako sa gulo.

Kaya naman pala niyang protektahan ang sarili niya. Pero nakakapag taka, babae ba talaga to o bakla? Bakit ang lakas niya?

"Sorry na po! Maawa kayo sa akin." Sigaw ng lalaki na nasa ere pa at pabagsak na sa lupa.

"Bogsh!!!" Nakakuha ng attention ang ingay ng pag bagsak ng lalaki mula sa ere.

At ako ngayon ay nakatunganga lang habang pinapanoon ang nangyayari.

Agad namang may kinuha na papel ang babae tsaka inilagay sa katawan ng lalaki.

Lumingon ito patungo sa direksyon ko at ngumiti tsaka umalis na at dahil nakatapat sa kanya ngayon ang poste ng ilaw ay naaninag ko ang mukha niya.

Teka?

Parang namumukhaan ko siya. Di ko lang maalala kung saan, pero parang familiar siya sa akin.

Umiling iling ako. Hindi. Hindi, guni guni lang to.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga taong nakikiusyuso sa nangyari.

Nagsidatingan ang mga tao pati na ang pulis at pumunta sa lalaki na ngayong ay wala nang buhay.

Sa isang pagbagsak lang natapos ang buhay niya. Tsk

Unti unti rin akong lumapit sa ngayon ay bangkay ng lalaki..

"FIP."

Tatlong letra lang ang nakasulat sa papel na inilagay sa dibdib ng lalaki.

Akmang kukunin ko sana pero hinarang agad ako ng pulis at pinaalis ang mga taong nakapalibot dito.

Hindi nalang ako umimik at umalis nalang.

Napatingin ako sa relo ko, alas dose na.

Baka pagalitan na naman ako nito pag nalate akong makapunta sa bahay bukas.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa bulsa ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Makauwi na nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flip in PeaceWhere stories live. Discover now