One

6 0 0
                                    

Chapter One

The summer has ended. Isa lang ang masasabi ni Zaini, boring.

Boring naman talaga sa school lalong lalo na't wala siyang inspirasyon. Just like some ordinary kid, naiinspire siyang mag aral kapag may crush ka na makikita araw- araw. Sino ba namang magkakagusto sa kanya kung ganito ang hitsura nya.. may braces, mataas ang kanyang buhok(kagaya ng bida ng boys over flowers), tsinito naman siya at mapula ang kanyang labi, kaya lang isa syang dakilang nerd.

Pero hindi siya katulad ng ibang nerd, siya lang ata ang nerd na hindi mahilig mag aral. Kung ang sa iba ay may malaking silbi ang nerd, ibahin niyo siya dahil parating F ang grades niya sa halos lahat ng subjects. Nagtataka nga ang iba kung bakit nakakapagenroll at tinanggap siya sa sunod na school year kung laging F lang at bagsak ang mga grades niya.

Pero sa lahat nang yan, may iba pang katangian at sekreto ang tinatago niya.. na di niya masabi sabi sa kanyang moma. Ang nag iisang pamilya na natira sa kanya simula ng isang trahedya na pilit na nilang kinakalimutan.


Zaini's POV

"Moma, I'm done!" Sigaw ko kay moma na busy sa paghahanda ng baon ko. I so love her tuna sandwich na may cheese.

"I'll be there in a minute." She shouted back, dito nalang ako maghihintay sa kanya sa sala.

"Oh, here's your baon baby boy." Sabay abot ng baon ni moma ng baon ko na nakalagay sa kulay blue na baonan na may drawing pang superman.

I know, I looked like a grade school student.

Hinalikan niya ko sa pisngi at inayos ang kwelyo ng uniform ko at inilagay ang ID ko.

"Thanks moma. Alis na po ako." And I kissed her back at umalis na nang bahay.

Papara na sana ako ng tricycle nang may mahagip ang mga mata ko.

Totoo ba 'to? Di makapaniwalang natanong ko ang sarili.

"Lucky day ko ata ngayon ah." Bulong ko sa ka naglakad patungo sa babae ng sumakay sa isang itim na sasakyan at agad na pinasiban kaagad.

"Aish!" Ang bagal ko kasi pikon na usal ko..

Napagpasyahan kong mag lakad nalang total maaga pa naman at walking distance lang ang school mula sa bahay at baka makita ko ulit siya.

Hanggang sa makarating ako sa school ay di ko siya nakita, kung kailan pa ko nawalan ng pag asa ay siyang pagbaba niya ng kotse niya.

Siya nga.

Ang babaeng nagpatibok ng aking puso. Unti unting gumalaw ang paa ko at nag lakad patungo sa kanya.

"Hi Floor." Nahihiyang tawag ko sa dalaga.

Automatic naman siyang lumingon sa akin at tiningnan ako ng masama.


Teka? Bakit parang may nag iba sa kanya? Noong una naming pagkikita iba naman ang hitsura niya at approachable pa pero ngayon?

Ibang iba na.

Ibang iba ang aura nya ngayong.

"Do I know you, mister?" Malamig nitong tanong sa akin na ikinabigla ko. Sa gwapo kong ito gaganyanin niya lang?

"Di.. di mo ba ako naki.. kilala? Ako to si Zaini yung.. yung nakipagkilala sa'yo sa mall." Nauutal kong tanong sa kanya.

Umiling iling naman siya. At tinitigan ako ng walang emosyon.

"Hindi kita kilala." Matigas na sabi niya at tinalikuran na niya ako.

Hahabulin ko la sana sya nang nasilayan ko ang reflection ko sa salamin ng kotseng binabaan nya.

"Shit! Shit! Shit!" Napamura ako bigla.

I almost blew up my cover.

Nang dahil nanaman sa kanya nagiging ganito ako.

Nawawala ang utak ko.

Napabuga nalang ako ng malalim na hininga at naglakad papasok sa room ko.

I have to stay still or else, I have no choice but to return to my old life.

My old life that I decided to forget because of my mom..

Flip in PeaceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora