Chasing Forever: 1
Meliz
"What is your freakin' problem?!" I shouted. Halos mapatid na ang litid ko sa sigaw na 'yun. Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang frustrate.
"Wala nga sabi diba! I want a break. Space Meliz. Don't you get it?" Balik sigaw niya sa akin.
"Yes! I don't get it! Bakit? Huh? What is the real reason?!" Inalog ko ang balikat ni David. Tumingin ako sa kanya. Inalis niya ang mga kamay ko na nakahawak sa balikat niya.
"You want to know the real reason?" He gave me a death glare. Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya.
"Oh! Answer me, Meliz. Do you want the real reason?" Ulit niya.
Pinigilan kong hindi maiyak. "Yes. I want the real reason. Why are you breaking up with me?"
Nakatingin lang ako sa kanya at nag aantay ng sasabihin niya. Matapang kong hinintay.
"I don't love you anymore." Bumaba ang tingin niya at napasandal sa upuan ng kotse. Nanlumo ako sa sinabi niya. Parang bigla akong nanlambot. Dapat pala hindi ko na lang siya tinanong. I regret it.
I laughed. I know. Para na kong tanga dahil tumawa ako. Kunot noo siyang tumingin sa akin. I stopped.
"That's it? David that's it?" I asked him as if he's joking.
"I'm... I'm s-sorry." Nakayukong sabi niya.
"No! No David!" Sigaw ko. Sorry? Hindi 'yun ang gusto ko. Gusto kong 'wag niya kong hiwalayan.
"Meliz. I want to break up with you. I quit in this relationship." Dire-diretso niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko.
"Wh-Why? No! I don't want." Tanggi ko.
"Ayoko na."
"Why? Do you have someone? You're cheating on me?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.
"None! Ayoko na. A-yo-ko na!" Inis niyang sabi.
"D-mn. Paano ako?" Nagmamakaawa kong tanong sa kanya. Bumagsak na rin ang kanina ko pang pinipigilan na luha. I cried.
"Move on. Forget me." Madali lang sa kanya 'yun? Andali lang na itapon ako para sa kanya? Para lang akong basura na pinagsawaan niya. Ano bang naging problema niya sa akin.
"David please... Don't do this to m-"
"Get out. I don't love you. Please understand."
Tumingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala. "David please." Niyakap ko siya. I sob. "Please... Don't do this to me. I will do anything. Just please g-"
Tinanggal niya ang pagkakayakap ko. "Meliz go home. We're over." Mariin niyang sabi.
Humagulgol ako ng iyak. Ang sakit. Bakit ganon? Wala naman akong ginawang masama. Lumabas ako sa kotse. Pinunasan ko ang luha ko. Pinaandar niya na ang sasakyan niya. Pinigilan kong umiyak pero talagang matigas ang luha ko dahil patuloy pa rin itong lumalabas. Muli ko itong pununasan.
Sobrang liwanag ng mga ilaw. Inabot ko ang mga snow. Sana ganito na lang ang buhay ko. Katulad dito sa New York. Makulay. Tinignan ko ang mga nagtataasan na buildings.
Ang sakit. David's my first. I invested so much feeling for him. Binigay ko lahat. Pero hindi pa rin sapat 'yun? Halos hindi na nga ako magtira sa sarili ko. Siguro totoo talaga na madaling magsawa ang isang tao. Na kahit anong pagmamahal niyan sayo, it will fade eventually. Pero dahilan ba iyon.
Isang taon na kami ni David na mag boyfriend. Pilipino rin siya na dito rin nag aaral sa New York. Nakilala ko siya sa isang cafe dito. Kinuha niya ang number ko. And after that, he courted me. I say yes to him. I love him so much. Kaya kong gawin lahat sa kanya. Ang sakit lang kasi bigla na lang niya kong hiniwalayan. Gusto kong bumalik sa kanya. Kahit lumuhod sa harap niya ay gagawin ko, bigyan niya lang ako ng assurance na babalik siya sa akin. Kahit ano.
CITEȘTI
Chasing Forever
Ficțiune adolescențiOpposite attracts. Destiny is so playful. You never know who you will end up with. Paano kung iniisip no na nahanap no na ang taong para sa'yo. Masaya ka na. Pero isang araw, you two broke up. Magmamahal ka pa ba ng iba kung walang kasiguraduhan na...
