THE JERIC CUTE JOKES! 3-4

28 0 0
                                    

ENGLISH CLASS

Teacher: "I will go to the mall." What kind of tense is this?(Tinawag si Jun)
Jun: Future Tense po.
Teacher: Very good. "Now,I am eating." What tense is this?(Tinawag si Rodney)
Rodney: Present tense po,mam!
Teacher: Very good! "I am beautiful." What tense is this?(tinawag si Samuel)
Samuel: Mam halata naman sa inyo e.Definitely PAST TENSE!!!

***

KUNG NANALO SANANG SENADOR SI SANDRA CAM...

Tumakbo pala sa pagkasenador si Sandra Cam na naging kontrobersyal noon.Mabuti at natalo siya.Dahil kung nanalo siya,baka pagkaguluhan sa Senado ang pangalan niya sa table niya:

"SEN. S.CAM"!!!

***

SHIRTS

Luis A. Cardinal Tagle of Manila urges Catholics to wear "Huwag Kang Magnakaw" shirts this Holy Week.But some politicians took offense and vowed to wear "HUWAG KAYONG TUMANGGAP NG DONATION MULA SA AMIN" shirts!

***

MGA PANGARAP NINA ALDEN AT MAINE...

Alden: I just need 5 things in life:
Many friends,
Many food,
Many work,
Many love,and
Many...Many...Maine Mendoza!

Maine: I just need 5 things in life too!
All kinds of friends,
All kinds of food,
All kinds of work,
All love,and...
All...den Richards!!!!!!!!!!!

***

NAAALALA NYO PA BA? (70'S/80'S)

1. P0.10 lang ang pamasahe sa jeep/tricycle.Libre kandong.

2. 75c ang softdrinks(12oz na yan). Sikat na brand noon ang Gusto,Sunta,RC,Pepsi saka Sarsi(na may itlog,pang energy drink daw).

3. Lima o anim na numero lang ang tatandaan mo para tawagan ang loved ones mo.

4. Sa Maynila,halos 400 ang sinehan-teatro noon. Ngayon,3 na lang. Buhay pa rin ang Dilson's,Odeon saka Cinerama sa Recto na madalas bold ang palabas.

5. Manual typewriter pa ang ginagamit mo para sa school paper mo.

6. Mga tape (Betamax or cassette) ang pinipirata noon na may lyrics sheet na mali-mali ang lyrics. "Galing Saudi".

7. "Marvelous Golden Movies" sa RPN ang tatapos sa weekend habit mo.

8. Tancho,3-flowers saka Superman ang pinakamabentang brand ng POMADA noon.

9. Favorite radio station mo noon ang DWKC (I FM na ngayon) saka ZOO Fm (M.O.R. na ngayon).

10. Nerd ka kung nakikikanta ka sa Jingle Extra Hot songhits.

11. P20 lang,nakakapaggrocery/nakakapagpamalengke ka na!

12. Uso ang Vicks candy,Tarzan bubblegum saka Choc-nut na 5c pa lang ang isa. Lima singko lang noon ang mga maliliit na cherry balls (isa syang bubble gum).

13. Bago ang AlDub at KathNiel...Guy and Pip saka Vilma and Bobot ang kinakikiligang love team noong 70's. Hindi pa uso ang pabebe wave!

14. Royco chicken noodle soup(na may dinurog na Sky Flakes) ang pinapakain sayo ng nanay mo pag may lagnat ka.

15. Cloverleaf,hindi "flyover" ang usong term.

16. May puting spot pa ang TV mo pag napatay mo after ng mahabang panonood mo.

17. 30c per minute pa lang ang bawas sa "load" sa traditional na telepono. Di pa uso ang unli.

18. Nagbabasa ka ng Bongga,Peoples Journal saka Peoples Tonight habang umiinom ka ng kape sa labas ng bahay.

The Jeric Cute Jokes Vol. 3Where stories live. Discover now