DIARY OF A COMMUTER!

18 0 0
                                    

MGA IBA'T IBANG URI NG PASAHERO

ARAL MODE - Ito yung mga taong di nagrereview sa bahay.Puro laro at nood lang magdamag.Pero pagdating sa jeep habang nakasakay,sabay labas ng mga research papers,calculator,at marami pang kodigo.Palibhasa kasi may exam kasing dapat ipasa.

AMNESIA BOY - Mga pasaherong bigla na lang magsasabi ng "asan na ako?" Kadalasan yung mga nakakatulog.Kadalasan lasing,or nakaheadset kaya wala siyang kamalay-malay.

WAPAKELS - Mga grupo ng pasahero na walang pakialam sa mga kapwa nila pasahero.Siksik sila sa chikahan,harutan,daldalan,etc. Madalas may background music mula sa jeep na may sounds(maraming ganyan sa Novaliches,nyehehehe...) para may thrill umano!

TIGHT ANG BUDGET - Manong! Kulang pa ng piso! Sila ang mga KURING na pasahero.Oo,wala namang masama sa pagtitipid,kaya lang sisigaw pa yan at sasabihin kay manong driver na hindi siya tamang magsukli at malalaman mo na lang PISO(or 50 sentimos) lang pala ang kulang...galit pa yan tapos masama ang tingin.

UTOL NI THIGHT ANG BUDGET - Mga pasaherong KULANG-KULANG ang bayad sa jeep.Example,sasakay ka mula Novaliches hanggang Blumentritt e P23 ang totoong bayad nila dito,pero P21 or P22(maganda kung mamiso para realistic!) ang inabot ng pasahero sa driver.Diba,wais?!

MEGA PHONES - Ang nagbibigay-buhay sa loob ng jeep,maliban na lang sa soundtrip ni John Mark na kadalasan ay RNB gaya ng One Call Away o kaya naman ay remix ng Eraserheads o New Wave.Madalas gangsta pa nga na ubod-lakas sa volume(Oo,nakasakay na ako sa jeep na yon.Madalas naabutan kong tugtog e Loyal ni Chris Brown o Plain White T's. Nyehehehe.)Napakalakas ng boses nilang mag-usap samantalang magkatapat o magkatabi lang naman sila.At eto pa! Di pa nakuntento tatawa pa yan. Hanggang sa pagbaba walang bukambibig kundi ang mainit na topic sa buhay nila.

SPOTTER - Mga pasimple kung sumulyap o tumingin.For the girls,madalas sumisimple pag pogi yung lalaki at pag nilingon siya o tinitinginan ng tinitinginan niya e iwas tingin siya.For the boys,may tinatawag na 'lalaking manyak'. Makakita lang ng konting awang e babalik-balikan ng tingin hanggang bumaba ang minamanyak ng tingin.

HIGH BLOOD DAW,O! - Lumampas lang ng konti sa babaan nila,galit agad.Ayaw daw kasi nilang maglakad ng mahaba-haba.Bawal nga raw po magbaba doon kasi po huhulihin si Manong driver.Lumampas lang kayo ng konti,galit agad?!

BUKAKA QUEEN/KING - Mga taong feeling nila sumakay sila ng taxi o nabili na nila ang jeep.Masikip na nga o pilit nang sinisiksik ayaw pa rin nilang umayos ng upo.Iisang puwet na nga lang ang upo ko e kahit anong usog mo,bukaka pa rin ang mga walangya!!!

SIKSIK PA - O tatlo pa! Tatlo pa! eh di sakay ka naman.Malalaman mo na lang na wala ka na palang mauupuan kundi ang napakaliit na space na kahit ang binti mo ay di na ata magkasya.Kahit wala na e sisiksik pa rin,makasakay lang.Ikaw naman syempre uusog kahit wala nang uusugan.

THE AMAZING SPIDERMAN - Mga pasaherong parang forever nang sumasabit sa jeep kahit maluwang pa sa loob.Yan din ang dahilan kung bakit ang ibang pasahero na naiinip na sa kakahintay ng masasakyan ay nabubuwisit dahil may sumasabit kahit maluwang pa sa loob para palabasing puno na.Kadalasan mga lalaking may bag at nasa edad 25-40,malamang e mga construction worker o factory worker,ang gumagawa nito.

SING-ALONE - Mga pasahero sa loob ng jeep na may sounds na gaya ng nasabi ko na,malakas at sagana sa RNB at remix ng mga kantang pangkanto(daw!) gaya ng...Mali bang magkamali ang sang tulad ko? Ako ay tao rin lang naman na tulad mo.Palibhasa kasi favorite song niya iyon kaya nakikising-ALONE.Yun nga lang,mahina ang boses.

COMATOSE - Sila yung mga taong ayaw mag-abot ng bayad.Kahit manigas at mangawit pa kilikili nung nagbayad ayaw pa ring kunin.Itong si kalikot sa bag,nagtetext at kung anu-anong palusot...hmmp! Pag ako SINIPA ko na lang sa ribs para matauhan!!! Nyehehehe...

The Jeric Cute Jokes Vol. 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon