CHALKBOARD

3.8K 62 18
                                    


CHALKBOARD
ONE SHOT BOYXBOY STORY

---------------------------------------------------

Nasa ika-apat na taon na ako noong araw na iyon sa kolehiyo. Ang kursong kinuha ko ay Economics sapagkat ito ay gusto ko na simula nang ako’y bata pa.

Isa ako sa pinakatahimik sa klase at hindi palakaibigan. Ngunit palaging nageexcel sa mga subjects. Nakatungtong na ako sa ika apat na taon ay wala pa rin akong nagiging kaibigan.

Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi ko kailangan ng kaibigan dahil kaya kong mabuhay ng walang kaibigan.

Simple lang ang pamumuhay namin noon. Lumaki ako sa probinsya ng Aurora at doon nag-aral ng elementary hanggang high school. Lumuwas akong maynila dahil dito ako gusting paaralin ng aking mga magulang.

Panganay ako sa apat na magkakapatid. Tinutulungan ko lagi sila mama noon na magbenta ng gulay sa palengke. Tindera lang kasi ng gulay ang nanay ko samantalang ang tatay ko naman ay magsasaka ng gulay.

Hindi ko naman ikinahiya ang aming pamumuhay noon. Proud ako sa parents ko dahil kahit ganun lang kami ay nagpapakahirap pa rin sila sa pagtratrabaho  para may pantustos lang ng aming pag aaral.

“Mr. Natividad, pakisulat nga sa pisara ang hinding hindi mo makakalimutang pangyayari sa buhay mo” sigaw sa akin ng aming guro sa asignaturang literature.

Agad agad naman akong tumayo. Lahat ng mata ay nasa akin. Naiilang ako ganunpaman ay ipinagpatuloy ko ang ipinapagawa sa akin ni maam.

****

“Hi!” sabi ng katabi ko ngayon na kasalukuyan rin sinasagutan ang math problem na ibinigay ni maam sa amin. First year college na ako ngayon at masasabi kong mahirap pa lang maging isang estudyante ng kolehiyo.

Projects doon, project dito. Hay, andaming pinapagawa.

Sa ngayon ay hindi pa rin ako nakikihalubilo sa mga kaklase ko dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Kumbaga ako yung taong shy-type kahit na malapit nang magtapos ang first semester.

“Hello din!” pagsagot ko naman dito at binigyan ito ng isang pilit na ngiti. “Ganyan k aba talaga kasungit?” tanong nanamn nito.

“Hindi naman. Sadyang ganito lang talaga ako pagkabata. Atsaka sinubukan ko naman nang magbago pero kahit anong gawin ko eh ganun pa rin naman ang nagiging ugali ko.” Sabi ko.

“Ahh…pansin ko lang na parang wala ka yatang kaibigan dito. Siguro dahil dyan sa ugali mo. Noh?” hay, bakit ba ang daldal nito. Hindi nya nalang sagutin yung pinapasagutan ni maam.

“Eh hindi ko namn kailangan ng kaibigan eh. Lalapitan ka lang naman nila kung may kailangan sila sayo katulad ng papel, pera at kung anu ano pa.” malapit ko nang masolve itong math problem.

“Huy! Grabe ka naman magsalita! Gusto mo gawin mo na lang akong kaibigan para mapatunayan mong mali ka. Na hindi lahat ng kaibigan ay ganun. Meron at meron pa ring mga kaibigan na masasabi nating totoo. Na sa bawat halakhak at ngiti nila eh walang halong kaplastikan.” Oh edi sya na!

“Sige na, sige na! Wag ka nang magexplain dyan.” Sabi ko naman at tinutok na ang atensyon sa sinasagutan.

“Talaga? Yess!” sigaw nito kaya naman nagtinginan sa kanya ang lahat ng kaklase namin. Ako naman ang nahiya sa ingay nitong taong to.
“Mr. Ventura? Why are you shouting?” ayan tuloy nasita ni maam.

“Ah…wala po maam. Nasagutan ko na po kasi yung pinapagawa nyo. Hehe” pag aalibi naman nito.

“Okay, you may now sit down. Bilisan mo na rin Mr. Natividad.” At sinunod ko naman ang  iniuutos ni maam.

CHALKBOARD [OneShot](BoyXBoy)Where stories live. Discover now