POHEO 13

4.3K 152 67
                                    

Chapter 13

Breakdown

Tumayo ako at pinasa na ang answer sheet ko. Pangatlo ako sa mga natapos.

Napailing ako at pilit na ngumiti kay Ghunter. Tinanguan niya lang ako. Alam kong kanina pa siya tapos pero tinatamad lang siyang magpasa. Or for whatever reason he has, he's doing it on purpose.

"Thank you po," sabi ko sa aming guro nang palabasin na niya ako.

Hinanap agad ng mga mata ko si Colt nang nakalabas na at natagpuan ko siyang nakasandal sa pader. Nakahawak ang isang kamay sa kanyang itim na bag habang nakayuko ang kanyang ulo na tila wala sa sarili.

Sinimulan kong maglakad patungo sa kanya at napansin na niya ako. Mabilis siyang sumulyap sa akin at umayos ng tayo, para bang napapaso kapag tinitignan ako nang matagal.

To be honest, it broke my heart into pieces. And for that moment, I thought my heart was in my throat.

"Colt-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang tinalikuran na niya ako.

Napapikit ako. Okay, fine!

Tahimik lamang ang buong pasilyo at para akong namamatay sa sobrang katahimikan. Nasa isang metro ang agwat ko sa kanya habang sinusundan lang siya, tila ba hindi abala sa ibang bagay mamaya para samantalahin ang bawat sandali at gawing dramatiko ang mga galaw.

Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na kasama ko siya nang ganito katagal.

Kahit mabiyak man ang puso ko kung aaminin ko ito, ngunit kahit sa ganitong paraan lang kami magkasama ay pakiramdam ko, ligtas ako. Nasa likuran niya man ako, I know him. Hindi niya ako hahayaang mapahamak. I know Colt.

Or so I thought.

May iilan na rin namang estudyante ang nasa school ground at napapatingin sa aming dalawa. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi sabay yakap sa mga libro ko.

Para akong lumulutang sa bawat hakbang na ginagawa ko samantalang parang wala lang ang lahat kay Colt sa paraan ng kanyang paglalakad.

Nakarating kami sa isang lugar ng campus na hindi pamilyar sa akin. Agad kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid upang irehistro sa akin ang lugar.

Base sa aming dinaanan ay tago ang lugar na ito dahil nasa likuran na kami ng kambal na gusali. May isang kubo sa hindi kalayuan at mapuno.

Napalunok ako. Lalo kong pinagmasdan ang paligid. Mapuno, yes. Pero base sa nakikita ko, halos lahat ng punong narito ay patay na. Ganoon din ang mga sangkatutak na dahong nasa damuhan na puro brown na ang kulay.

Dahan-dahan akong sumunod kay Colt. Nilapag niya ang kanyang bag sa loob ng kubo. Medyo may kalayuan pa ako sa kanya kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang may biglang lumabas na babae mula roon.

Iyon na ang pagkakataong napahinto ako sa paglalakad.

Hindi ko alam, pero para akong natuklaw ng malaki at makamandag na ahas sa mga oras na iyon. Lalo na nang makita ko kung paano balutin ng braso ni Colt ang baywang na babae.

Umawang ang bibig ko at nag-init ang gilid ng aking mga mata.

Napasinghap ako nang malaglag ang isa sa mga librong yakap ko. Napakurap-kurap ako at nanginginig na pinulot iyon. Humugot ako ng malalim na hininga, nanginig ang aking lalamunan.

Dinaanan kami ng hangin. Nilagay ko ang mga takas na buhok sa likod ng aking tenga bago tumayo ulit nang maayos.

Nagtama ang mga tingin namin ni Colt. Automatic namang bumaba ang mga tingin ko sa kamay niyang magaan na humahaplos sa babaeng halos kita na ang kaluluwa sa sobrang sikip at liit ng kanyang uniporme at sa ikli ng kanyang palda na parang naubusan ng tela.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Where stories live. Discover now