2: Sheena Hernandez

5.4K 159 9
                                    

Sheena Hernandez

JULIA

" Juls dun tayo upo. " Raeri

Nagpunta kami sa medto gitnang part.

Medyo marami na rin ang students dito. HRM kasi buti nalang at kasama ko si Raeri.

" Holo excited na ako! "

" Haha ako rin. " Sabi ni Raeri.

Naguusap lang kami ng biglang may magsalita sa tabi ko.

" Hello! " Sabi ng isang babaeng medyo maiksi ang buhok.

" Hi! " Kami ni Raeri.

" Uhm transferee kasi ako dito at wala pa akong mga kakilala dito. Pwede bang--- "

" Sure! " Sabay uli naming sabi.

Haha hyper kami!

" Thanks! By the way ako nga pala si Sheena Hernandez. "

" Julia Calbar. "

" Raeri David. "

" Dito na ako maupo sa tabi niyo ha since kayo lang ang kakilala ko. " Sheena

Naupo siya sa tabi ko. Dumating na din yung teacher. Hihi new friend! Ipapakilala namin siya ni Raeri mamaya sa iba!

LUNCH

" Nagtext si Ian nasa caf na daw sila tayo nalang ang iniintay. " Sabi ni Raeri habang inaayos ang gamit niya.

" Sige sabihin mo papunta na tayo. "

" Uh sinong sila? " Sheena

" Makikilala mo rin sila kaya tara na! " Raeri

Naglakad na kami papuntang caf. Pagdating namin dun naabutan namin silang naguumpisa ng kumain.

" Ian! " Raeri

" Raeri bat ang tagal niyo? " Nakapout na sabi ni Ian.

" Ito naman may kasama kasi kami! "

" Guys meet Sheena Hernandez our new friend! " Kami ni Raeri.

" Hello! " Bati naman ni Sheena at kumaway pa.

" S-sheena?! " Gulat na tanong naman ni Clifford.

" Ford ikaw na ba yan? " Sheena

Magkakilala sila? Pero paano? Ngayon lang namin siya nameet.

" Magkakilala kayo? " Tanong ko.

" A-ahh oo dati kaming--- magkaibigan oo magkaibigan kami. " Clifford

" Ah. "

Magkaibigan pala sila dati. Wala namang nabanggit si Cliff na tungkol kay Sheena noon.

" Upo na kayo para makakain na rin kayo. " Andrea

Umalis muna si Sheena para bumili ng lunch niya at bumalik rin.

Naupo ako sa tabi ni Cliff at si Sheena naman sa kabila ni Cliff. Yun nalang kasi ang vacant.

Yung mga tingin nila sa isat isa iba eh. Siguro dahil matagal na rin silang di nagkikita.

" Julia binilhan na kita. " Cliff

" Thanks kain na tayo! " Ako

Kumain lang kami, nagusap usap at mukhang nakakapalagayan na nila si Sheena. Kaya lang si Cold tahimik. Ganyan naman siya lagi eh pero may improvement naman na.

COLD

" Ian! " Sabi ni Raeri habang palapit sa amin.

" Raeri bat ang tagal niyo? " Nakapout na sabi ni Ian.

" Ito naman may kasama kasi kami! "

" Guys meet Sheena Hernandez our new friend! " Sabay na sabi ni Julia at Raeri.

" Hello! " Sabi naman nung Sheena.

" S-sheena?! " Biglang sabi ni Clifford

" Ford ikaw na ba yan? " Sheena

" Magkakilala kayo? " Tanong rin ni Julia.

" A-ahh oo dati kaming--- magkaibigan oo magkaibigan kami. " Clifford

" Ah. "

Why is he stuttering? Is it because of her old friend Sheena?

" Upo na kayo para makakain na rin kayo. " Andrea

" Julia binilhan na kita. " Sabi ni Clifford tapos nilagay sa harap ni Julia yung pagkain.

" Thanks kain na tayo! " Ako

Kumain kami habang sila eh naguusap usap.

" Iseah my labs tahimik mo ata? " Buglang tanong ni Grey sa akin.

" Ah wala may iniisip lang. "

" Baka naman kung sino na yan ha? Ano sabihin mo kung sinong walang hiyang lalake yan at papatayin ko! "

" Sige mag bigti ka na. "

" Bakit naman Iseah my labs di mo na ba ako mahal? " Pagdadrama niya.

" Diba tinatanong mo kung sinong walang hiyang lalake ang iniisip ko? Ikaw yung walang hiyang lalake na iniisip ko kaya pakamatay ka na! "

" Hehe papakasalan pa kita Iseah my labs. "
Tss OA talaga ni Grey. Di naman talaga siya ang iniisip ko eh. Shh wag niyong sabihin ha.

Si Sheena ang iniisip ko. I don't know why but I just hate her. There's something about her that I don't want and I there's something about her and Clifford.

CLIFFORD

Nagulat ako ng makita ko siya. Biglang nagflashback yung mga alaala namin. Bakit siya andito?

Habang magkatabi kami kumain di ko siya tinitignan. Lumalayo nga rin ako para di kami magkadikit pero malas nga naman sabay kaming gumalaw at nagkadikit ang mga kamay namin. Napatingin ako sakanya at ganun rin siya. Una akong umiwas.

" Cliff ok ka lang? " Biglang tanong ni Julia.

" Ah oo sige cr lang ako. " Sabi ko at nagmadaling pumuntang cr.

Pagpasok ko binuksan ko agad yung faucet at naghilamos.

" What is happening to you Clifford! She just came back and now you're acting strange. Compose yourself and you already got Julia so just focus on her. Di mo na siya mahal dahil si Julia na ang mahal mo. " Sabi ko sa sarili ko.

Bumuntong hininga ako bago pinunasan ang mukha ko at lumabas na. Pagkarating ko sa caf wala na si Julia, Raeri, Sheena.

" Nauna na sila kung hinahanap mo sila. " Ailee

" Kakilala mo pala yung Sheena na yun. " Biglang sabi ni Cold.

" A-ah oo naging kaibigan ko siya nung nasa Canada ako. "

" Kaibigan lang ba talaga? " Mapanuring tanong ni Cold sa akin.

" O-oo naman. "

" Ok sabi mo eh. Siguraduhin mong paninindigan mo ang sinabi mong kaibigan mo lang siya. "

Diniinan niya ang pagkakasabi niya sa kaibigan. Umalis na siya kasama si Grey. Minsan talaga parang di ko na kilala si Cold kung magsalita. Parang alam niya lahat.

Walang magbabago. Kaibigan ko nalang si Sheena at hanggang dun nalang yun. Di na babalik sa dati kung anong meron sa amin noon.

×××

Vote and Comment!

Sino kaya sa buhay ni Clifford si Sheena Hernandez? Expect more new characters to come in the next chapters!

The Near EndingWhere stories live. Discover now