MNB#2

16.9K 209 8
                                    

                                                                              Rhaine's Pov

Naggala kami. Una muna , san pa ba? sa mall syempre.

pumasok kami sa mga boutique. 


habang nagtitingin ako ng mga dress....

"B.O.R.I.N.G" sabay na sabi ng magkapatid na si Jake at Jason. napatingin kaming tatlo nila Bea at Mikah sa magkapatid.

"What? eh sadyang nabobored na kami eh" Jason. may paawa face pa ang gago. 

"Yak! Di bagay sayo pre!! " sabi naman ng kapatid niyang si Jake

"langya ka! banatan kita dyan eh" 

"Oh talaga? Ano? Game na ano?" 

"MAY GUNTING AKO DITO SA BAG BAKA GUSTO NIYO NG MAGPATAYAN?" sabi ni Mikah.

tumigil naman yung dalawang magkapatid. parang mga tanga hays.

"Magsilayas na nga kayo ingay eh, magkita-kita na lang tayo mamaya" sabi ko

"ayos tol. arcade tayo" Jake

"oo nga pre titingin din ako ng bagong cellphone eh" Jason

"Nako. lagot ka kay Dad nawala mo siguro noh?" 

"Oo  wag ka na lang maingay tara laro na tayo bye girls!" 

parang tanga talaga kanina parang magsusuntukan na  ngayon naman mag-utol na mag-utol talaga napa-iling na lang ako.

pagkatapos kong bumili ng uhh limang  dress, 3 jeans at 4 na tshirt at mga accesories , nagpunta muna kami sa isang ice cream parlor.

nung nakaupo na kami at naka order na biglang nagsalita si Bea

"Ate bakit ganyan mukha mo?" aniya

"bakit naiinggit ka nanaman?" sabi ko 

"Wooh! lakas ng hangin " Mikah

Tinignan ko siya ng masama

"wooh! lakas ng hangin may bagyo ata hehe" pagbawi niya sa sinabi niya. 

buti naman nakukuha to sa tingin

"alam ko namang maganda ka what i mean is lagi ka na lang nakasimangot. parang laging pinagsakluban ng langit at lupa. di ka ba marunong tumawa like hahaha , hehehehe,  hihihihi or harharhar?"

napataas ang kilay ko dun ano daw yung mga tawang yun? parang mga tawang monggoloid.

"wanna know why? because i have no reason to laugh like hahaha, hehehe at harharhar"

"rinig mo yun Bea? english yun ha! naintindihan mo?" Mikah

"Oo naman!"

"oh sige nga itagalog mo" sabay naming sabi ni Mikah

"ang sabi ni ate Rhaine ay teka ano nga ba? ahm.. pakiulit nga ng sinabi mo ate Rhaine?" napailing ako. minsan talaga nagtataka ako kung nakapagtapos talaga to ng pag-aaral eh.

"Pfft hahaha alam mo kasi Bea don't worry pag eto nakakita ng prince charming daig pa nito ang nanalo sa loto" confident na sinabi ni Mikah na para bang siguradong sigurado siya na mangyayari yun.

"ayyyiieee!" Bea

prince charming? ano ako cinderella? Duhh? Mas maganda pa ako dun

"Seriously? anong katol ang tinira nyong dalawa?"

"eto naman sungit talaga" Bea

isang malaking psh lang ang natanggap nila saakin. maya- maya biglang nag-ring ang cellphone ko/

My Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon