Chapter (15.2): Guns

22.9K 874 23
                                    

Chapter (15): Day 1 with Sleigh

Kanina pa nagsasalita si Sleigh habang ako ay panay ang pakikinig sa kaniya. Hindi naman kasi ako bastos kausap e! Itinuro niya sakin yung parts nung handgun bago niya ito pagbubuwagin.

"Anong gagawin ko sa mga yan?" curious kong tanong habang nakatingin sa mga parts nung baril na naka horizontal line sa mesa sa harapan ko.

"Ngayon alam mo na ang basic parts ng isang baril, pero bago mo sila gamitin, syempre ay dapat mo munang matutunan kung pano sila i-assemble." sambit ni Sleigh. Patango-tango lang ako habang pinagmamasdan si Sleigh na nagaasemble ng isang handgun. Syempre ipinakita niya muna sakin kung pano. "First take the slide and insert the barrel into the slide. Ganito ha." may dalawang bagay na kinuha si Sleigh and the next thing I knew? Magkadikit na iyon. Sunod ay nakita kong pinulot niya yung spring "Sunod ay ipasok mo ang spring dito sa slide." nakita kong priness niya yung spring kaya hindi siya nahirapang ipasok yun sa slide. "Ngayong na assmeble mo na toh." sabay angat niya dun sa slide na may nakaconnect na spring at barrel--"Ay i-coconnect mo na siya dito sa baril. Ganito." Tas nakita kong pinagdikit niya yung inassemble niya kanina dun sa top part ng handgun. Ilang beses niyang inulit ang pagpull dun sa slide para daw i make sure na okay na. Kung titignang mabuti, mukhang buo na yung baril. "And last but not the least. Ipapasok mo na itong magazine dito. Now your gun is completely assembled and ready to use." then nakita kong inangat ni Sleigh yung handgun at umacting na parang nagshushoot. Ilang beses niya pa ngang ni-pull yung trigger pero hindi ito pumuputok kasi malamang wala pang bala.

Ang cool nung ginawa niyang pag assemble! Na excite tuloy ako to try it myself. Kinabisado ko naman kung pano yun ginawa ni Sleigh eh!

"Oh ikaw naman." sambit ni Sleigh pagkatapos i-dissemble yung handgun. Agad ko itong kinuha at inassemble. Ang saya palang gawin nito noh? "Ang bilis mong natuto ah? You were really paying attention huh?" ani ni Sleigh habang pinagmamasdan ako. Katatapos ko lang ipasok yung magazine kaya agad ko itong ipinakita sa kaniya. "Nice. Mabilis talagang matuto kapag gwapo ang nagturo. Sheyt ang gwapo ko." ayan na naman siya. Mukha ba siyang gwapo? Dapat siguro magpagawa na ng eyeglasses tong si Sleigh. Feeling ko kasi lumalaba na mga mata niya e.

"Ano na sunod kong gagawin?" tanong ko.

"I-dissemble mo at i-assemble ng paulit-ulit. But this time? Dapat mas mabilis na ah? Kabisaduhin mo ding maigi ang mga parts ng handgun na hinahawakan mo." utos nito.

Masaya akong dini-dessemble at inaassemble ng paulit-ulit tong Handgun. Pero after one hour ay nakaramdam na ako ng pagkabagkot. "Wala na ba talaga akong ibang gagawin bukod dito Sleigh? Di ba pwedeng mag practice na tayo sa shooting? Promise memorize ko na talaga kung pano mag assemble ng baril! Sa daming beses mo ba namang pinaulit sakin, kahit nakapikit pa, kaya ko na ata e!"

Sana pala hindi ko nalang sinabi ang mga yon dahil ngayon, may nakatakip ng panyo sa mga mata ko habang pinaa-assemble sakin ni Sleigh yung baril. Huhuhu! Akala ko kanina madali lang. Yun pala ang hirap pag wala kang nakikita at kamay mo lang yung nakikiramdam.

"Zelah 2 minutes na oh. Ang tagal mo namang mag assemble niyan. Kala ko ba kaya mo kahit nakapikit? Pffft!" pang-aasar ni Sleigh. Isa pa yan, tinatimer niya kasi yung paga-assemble ko kaya nakadagdag tuloy sa pressure.

"Waaaaaah! Huhuhu! Ang hirap!" hiyaw ko.

"Sabi ko naman kasi sayo kanina diba na kakabisaduhin mo dapat ang parte ng baril na hawak mo. Pano nalang kung may circumstances na naghiwahiwalay yang parte ng baril mo tas madilim pa diba? Baka yun pa ang ikamatay mo kapag hindi mo kabisado ang pag assemble ng isang baril Zel." pangangaral nito sakin. May point din naman siya. Pano pag naipit ako sa ganong situation? Kelangan ko talagang pag-aralan ng mabuti toh.

Modern Snow White & The Seven Guards  (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora