Three

480K 3.6K 119
                                    

Nagising ako ng may sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Ugh, ang sakit ng ulo at katawan ko. Even down there. May mabigat pang bagay na nakapatong sa bewang ko. Wait... is this a hand? Pagharap ko sa may-ari ng kamay na nakapatong sa bewang ko ay nakita ko si Josh. Huh? Si Josh?



"Oh my god!" medyo late reaction kasi ngayon lang nagsink-in sakin na katabi ko siya sa kama.

 

"Ugh! Aga aga eh." sabi nya habang nagkukusot ng mata tapos nakanguso. Ang cute nya.. but wait...


"What are  you doing here?!!" nakita ko kasing nakahubad sya tska ako. Wait-- Josh is naked, I am naked, we're in my bed, I am sore down there..

Does it mean na...


"Di mo ba naaalala yung nangyari kagabi?"


Nangyari kagabi? So may nangyari nga?!! Gosh, Aliyah!


"Di mo naaalala? Nagpunta tayong mall, tapos pumunta tayong bar kung san nakita natin yung gagong ex mo, nagyaya kang umuwi kasi binastos ka nya, naginuman tayo, tapos nag--" di ko maatim na marinig kaya pinutol ko ang sasabihin nya.


"Shut up. So.. it happened? Just... just forget it." nakakahiya kasi. I like him, yes. But the fact that I easily gave in? Oh god. Magpapanggap nalang ako na parang wala lang sakin para kahit papano di nakakahiya.

"But--"

"You can go. I have to prepare for school." sabi ko at tumayo na ako para maligo. 10 pa naman ang pasok ko, 8 am palang. Habang nasa banyo ay pinilit kong alalahanin ang nangyari but it was all a blur. Stupid me. Paglabas ko ng CR, wala na akong nakitang Josh dito sa kwarto. Malamang pinaalis ko eh. Nagbihis at nag-ayos na ako.



Pag pumapasok sa isip ko na may nangyari samin ni Josh, namumula ako. Halo halo ang nararamdaman ko. Hiya, kasi nakita nya na ang katawan ko, di lang basta nakita, nahawakan at nahalikan pa. Saya, because I like him. Although, di man ganun kasaya, masaya padin. Gulo ko. Inis, kasi sabi ko sa sarili ko dati, kung sakaling may mangyaring ganun, gusto ko sa taong mahal ko at siguradong mahal din ako.


But Josh... we've met a day ago. Feelings don't develop in just a day. The fact that we had sex really made me feel like I am one of those whores out there. Wala akong pagkakaiba sa kanila, yun ang nararamdaman ko. Gosh Aliyah, you shouldn't have let your emotions eat you. Get a hold of yourself!

Pagkatapos kong mag-ayos, pumunta na ako sa kusina para kumain. I thought of eating some bacons for breakfast but I was stoked when there was bacons and hotdogs on the table. Nang makita ko si Josh na nasa harap ng stove ay alam ko nang siya ang nagluto nito. I thought he left...

 

"Oh, andyan kana pala. Breakfast is ready, kain ka na." he was all smiles.


"Thanks." that was all I can say. Umupo nalang ako doon, tinititigan ang mga niluto ni Josh. Ngayon na lang ulit ako ipinagluto ng ibang tao matapos mawala ni mommy. Mark doesn't cook so... 

"Uhm... I'll go ahead." sabi niya pero bago pa siya makaalis ay hinawakan ko ang braso niya.


"Uh... dito kana mag-breakfast." I don't want to be rude, ipinagluto niya ako tapos hahayaan ko siyang umalis? I'm just returning the favor. Kahit na sa totoo lang ay naiilang pa ako sa kanya.


"Okay." umupo na sya at kumuha ng kakainin nya. 

Silence conquered the atmosphere. Awkward. Nagkakailangan kami dahil sa nangyari kagabi. Ugh, this is frustrating!


Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon