STUDENT-TEACHER AFFAIR[61]

28.7K 262 16
                                    

<------------- VOTE

STUDENT-TEACHER AFFAIR

Nag lalabor na si MOMMY!!! We’re just waiting na mag deliver na siya. Nasa room kami ni mom.. kasama ko si chase at si kuya. Nag kukulitan kaming tatlo, nakiki join din si mommy.

“Aahh, manganganak na ata ako” sabi ni mommy. Natigilan kaming lahat, tumakbo kami papunta kay mom.

“Mom? Teka lang, tatawag lang kami ng nurse” pipindutin na sana ni kuya yung emergency button biglang tumawa si mommy.

“Hahaha. Gotcha!”

“mooooooooom?” ano ba yan. Nakakainis naman si mommy. Pinag tripan kami. Natahimik na kaming tatlo . maya maya..

“Awww, anak.. manganganak na nga ata ako. Totoo na to”

“Harhar mom. Hindi mo na ako kayang lokohin for the second time” pinabayaan ko nalang siya.

“ahhhhhh.. my water bag just broke” mukang seryoso na nga si mom.

“Nurse!!!”

Nag kagulo na kaming apat sa loob ng room.

“Kuya, tumawag ka ng nurse!” hindi na kami mapakali sa loob ng room, wagas ang pag pindot ko sa emergency button. Maya mayang konti dumating na mga nurse, nilipat si mommy ng stretcher at dinala na sa E.R...

Lahat kami nakatambay sa labas ng E.R nasa loob si daddy.

“Lord please, sana po safe silang dalawa” dasal ko habang nag lalakad sa labas ng E.R

“Via, please sit down, baka mapa-anak ka dyan ng di oras eh!” sabi ni chase.

“Shh! I wanna see them na! I’m so excited!” I can’t wait!

Dumating na rin sina lola tska sina mama. Lalong umingay sa paligid. Biglang lumabas yung doctor. Ako ang kauna-unahang lumapit.

“Doc! How’s my mom?!”  tinanggal niya yung face mask niya.

“Your mom is okay, so is your baby brother.. Congrats!” umalis na siya sa harapan ko. Nilipat na ng private room si mommy.  Sinilip ko naman kapatid ko sa nursery room... si Christoffe Verdaguer.. hinarap siya nung nurse sakin.. “Hello baby, hello christoffe” sabi ko mag isa. Aww, he’s so cute.

“Super excited na ba ang damz ko mag ka baby?” napatingin ako kay chase, nakangiti.

“Super!”

After 2 hours, nagising na si mom at pinakuha si christoffe. Syempre hindi mawawala ang family picture. 

Konting panahon nalang... ako naman.

The next day, nag pa check up ako kay louise, medyo matagal tagal na rin akong hindi nakakabalik dito eh.

Chase’s POV

Pumunta kami ni via sa clinic ng doctor niya.

“The baby is good, ilang months nalang you’ll deliver na.. are you excited?” tanong niya.

“Of course!” sagot ni via.

“By the way Via, I need to talk to you privately.. kung pwede” tumingin siya sakin.

“Bakit po? Hindi ba pwedeng nandito ako?”

“Babae sa babae” ok fine. Like I have any other choice. Edi lumabas na ako. Nag taka lang ako kung bakit kelangan ko pang lumabas? Boyfriend naman ako ni via? Fiancé .. Hindi ko mapigilang mapaisip sa pag uusapan nilang dalawa, ano kaya yun? Bakit kelangan lumabas pa ako. Aiiish!

*^*^*^

Thanks for reading. :)

Pa-follow po sa twitter

-----> julianneisa

THANKS PO

God Bless!

STUDENT-TEACHER AFFAIR(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon