62 : Hiding the pain

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pwede ba, kahit ngayong araw lang.. wag mo munang hanapin si Lance hyung? Pwede bang ako na lang muna ang isipin mo? Pwede bang sulitin mo tong araw na to kasama ako?"
Yes, bukas pupunta kami kayna Ravenn. Ibibigay ko na ulit siya doon sa kanila dahil alam ko namang yun ang gusto niya. Hindi ko matiis si Daehan kahit na alam ko sa sarili ko na masasaktan ako sa gagawin ko, pero desisyon kong ibigay ang kasiyahan niya, after all, I'm his mom.

"Ne, eomma"
Naramdaman ko ang marahan niyang pagtango sa balikat ko. I smiled, susulitin namin tong araw na to. Para kung sakaling iwan niya ako bukas, hindi na ganun kasakit, kasi kahit papaano, pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

( Third person's POV )

Kulay pink ang mga dahon sa puno ngayong araw, maliwanag ang kalangitan at maganda ang sikat ng araw. Tamang tama sa pamamasyal ng mag-ina sa isang amusement park. Hindi pa niya kasi nadadala si Daehan sa ganito kaya naisipan niyang ito na lang ang puntahan nilang dalawa.

Nakahawak lamang ang kamay nito sa kamay niya habang naglilibot libot sila. Madaming tao ang naroroon dahil na rin sa maganda ang panahon. Mayroong magkakaibigan, lovers at pamilya. Sila man lamang ang magkasama, feeling niya kumpleto sila. Nakakalungkot lang isipin dahil hindi mangyayari ang gusto niya na magkaroon ng buong pamilya, dahil una sa lahat, hindi niya pwedeng ipakilala ang appa ni Daehan sa kanya. Ayaw niyang malaman nito na isang kriminal ang ama niya, baka mas malungkot lang ito.

Binilhan niya ito ng cotton candy at corndog. Mahilig kasi sa matamis si Daehan at paborito naman niya ang corndog.

"Eomma, ano yun?"
Tanong nito sa kanya habang tinuturo ang ferris wheel sa harapan nila. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bench sa tapat nito. Maraming nakapila dito kahit na hapon pa lang dahil na rin sa malaki at makulay ang itsura nito.

"Ferris wheel ang tawag diyan Daehannie. Bakit gusto mo bang sumakay?"
Tanong niya dito. Secured naman ang rides na iyon kaya pwede silang sumakay doon dalawa.

"Umiikot yan eomma?"
Nagtrace ito ng bilog sa hangin na para bang umiikot. Napangiti na lamang siya sa kacutean ng anak.

"Oo, pero mabagal lang. Kapag sumakay ka diyan, makikita mo yung mga bahay tsaka building sa ibaba"
Gusto nitong maranasan man lang ng anak na masakyan ang Ferris wheel kahit na takot si Daehan sa matataas. Lahat halos ng bata, nakakaranas sumakay niyan kaya ayaw niyang mahuli ito sa mga ganyang bagay.

Nang maubos nito ang pagkain, pumila na din sila. Hindi nagtagal at nakasakay na din sila. Pinauna niya si Daehan sa loob bago siya sumunod. Tinabihan niya ito para mabantayan at maalalayan.

"Diba, hindi naman nakakatakot?"
Nakita niya kasi ang tense na mukha nito. Gusto niyang pagaanin ang loob ng bata.

"Mabagal lang ikot eomma?"
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya itong sumilip sa may bintana.

"Oo, kaya wag kang matatakot sa ganito ha? Brave boy ka kaya"
Hinaplos niya ang buhok nito at napatingin din sa labas. Nasa gitna pa lamang sila pero kita mo na agad ang kalahati nung amusement park.

"Eomma, dati punta kami tha ganito nila Minguk at Manthe pati thi hyung"
Pag oopen nito. Hindi niya akalaing magkukwento ito sa kanya ng nangyari nung mga panahong wala siya.

"Nawala Minguk at Manthe, pero hanap ko thila. Thaya nga e!"
Napapalakpak pa ito sa sobrang tuwa. Kapag bata talaga, tanda pa din ang mga nangyari.

"Wow. Ang bait mo naman"
Kinurot niya ng slight ang pisngi nito. Mataba kasi at makinis, nakakagigil lang.

"Eomma, bukath makikita ko thi Lanthe hyung?"
Sumulyap ito sa kanya. Nalungkot uli siya ng matandaan ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon.

"Oo, pero kahit anong piliin mo Daehannie, ayos lang kay eomma"
Kita niya sa mga mata nito ang pag aalala.

"Bakit ako pipili?"

"Kailangan mong pumili kung kanino ka sasama. Kay eomma ba o kay Lance hyung"
Napasimangot ito bigla.

"Eomma, bawal ka thama tha akin doon?"

"Hindi pwede baby"

"Wae?"

"Kasi bahay iyon ng hyung mo"
Masyado pang bata si Daehan para malaman ang lahat. Saka niya na lang ikukwento sa kanya kapag malaki na siya at kaya na nitong umintindi.

Hindi na siya ulit nagtanong pa. Paglingon nila sa labas, nasa pinakatuktok na pala sila. Sobrang ganda ng tanawin kaya nakatitig lang silang dalawa doon habang paunting unting gumagalaw ang ferris wheel pababa. Medyo madilim na sa labas kaya siguro pagkatapos nito e uuwi na sila.

Paniguradong hindi siya makakatulog nito mamaya. Magdamag niyang iisipin ang mangyayari bukas at napaparanoid siya dito.

"Daehan-ah, saranghae"
Sabi niya sa anak ng nakangiti. She'll hide the pain just for now. Ngingiti muna siya at mamaya na lang iiiyak ito. Alam naman niyang si Ravenn ang pipiliin ni Daehan kaya ganito na lamang siya kung masaktan.

"Nado saranghae, eomma"
Her heart breaks when she hear that.

Living with these Cute Little BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon