(57) Hawak sa leeg

126 0 0
                                    

 Hello mga friends

Well namiss ko si Woo kaya si Woo muna ha? Okay lang ba?

_______________________________________________________

Ang dumating ay walang iba kung hindi ang pinsan ni IU, si Kelly. 

"Kung kami na!"

Kunot na noo ang pinakita ko sa kanya.

"Hahahaha joke lang naman." Ngiti ngiti nya.

"Bakit ka narito??" tanong ko.

Si IU hindi pa rin nakahuma sa pagkatulala.

"Oi pinsan wake up!" palo niya sa noo ni IU. Paika ika pa rin siya pero mas mabilis na ang lakad nya kaysa noong isang araw.

Katulad ng inaasahan panira ng timing ni Kelly. May isang bagay sana akong sasabihin.

Ito ay tungkol sa natuklasan ko.

Isang bagay na ilang araw na hindi nagpatulog sa akin. Ngayon sinisi ko ang sarili ko.

Kasi....

Pinaubaya ko na siya pero...

sa huli...

lolokohin lang pala siya.

Noong isang araw, pagkatapos kong dumaan sa isang store para bumili ng gauze dahil napilayan si Kelly.

Isang tagpo ang nakita ng dalawa kong mga mata.

Si Thunder may ka akbay na isang babae. 

Ang babae ay may binubulong sa kanya.

Ang sweet ng dating nila. Masaya sila.

Agad akong nabahala. Niloloko niya si IU? Bakit kailangan niyang gawin iyon? Bakit?

Ang dami ko pang pinoproblema. Bakit kasi 

Isa pa itong napilay na ito...

Naalala ko ung birthday ni Tito.

Hinalikan ako at inakusahan na bakla.

Nasisiraan na ba talaga ng bait itong si Kelly?

"Bakit kayo narito?" tanong ni Kelly.

Ako na ang sumagot. "Nagpapahangin lang kami. Bakit ikaw ang narito."

"Bawal ba akong mamasyal."

"Oi wag na nga kayong mag away. Sige uuwi na ako. Nice joke nakakatawa. " Umalis na si IU.

"IU!" tawag ko. 

Pero hindi na siya lumingon.

"Arggg! ikaw kasi." 

"Anong ako?" tanong niya.. parang walang ginawang mali.

"Pakialamera ka kasi." sabi ko.

"Talaga...? Ikaw... nagpapanggap na bakla para sa pinsan ko."

Napakunot ang noo ko.

"I know you have feeling for her... kaya lang ... may iba na siya... O let say ibinigay mo siya sa iba."

Wala akong masabi tama siya.

"I know everything. I know na mahal mo siya. Nagusto mo siya. Hindi ako manhid para hindi ko malaman iyang nararamdaman mo."

"Wala kang alam." sabi ko I need to conceal and deny it no matter what.

"Talaga? Baka gusto mo sabihin ko kay Irene ang lahat."

"Kailangan mo pa bang sabihin yan?" Kinabahan na ako.

"Well I have too .... hawak ko ang alas." Ngisi ang ibinigay niya.

"Now tell me... ano bang gusto mo?" sabi ko.. alam ko hawak niya na ang leeg ko. I can't run from this.

"Okay... I want ... you..."

Sana akin ka na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon