(39) Somebody

200 3 3
                                    

Somebody's Life

"Ican't stay here."

Mag iisang oras na pero wala pa rin ang babaeng papakasalan ko. Nag iinit na ang ulo ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit late siya.

"Tito wala pa po ba ang anak ninyo?" tanong ko.

Wow ha.. ganun ba katagal make upan siya?

Ganito katagal ako tutunganga para sa prinsesang iyon? HUH?

Dahil nakatayo ako dito sumakit na ang paa ko. Nawawala na ang poise ko.

Para na akong tuod na tinutubuan ng ugat.

Naisip kong wala na ayoko na pero..

~FLASHBACK~

"You need to marry her!" sigaw ng aking ama.

"Papa!" sagot ko naman sa kanya.

"No buts kung hindi mawawala sayo ang lahat." Pagbabanta ng aking ama.

"Okay lang mawala sa akin ang lahat!" sagot ko.

"Then go lumayas ka dito." Sabi niya galit na galit.

"Talaga lalayas ako. I had enough pagod na ako makinig sa iyo. Ginawa ko ang lahat para sundin ka pero masgugustuhin ko na lang lumayas kaysa pakasalan ang babaeng hindi ko mahal. I don't even know her." Sabi ko nawalang pagsisi.

" Sige go umalis ka pero ni isang kusing wala kang kukunin. Your car is mine. Your clothes are mine. Tandaan mo lahat yan binili mo gamit ang pera ko."

"Darling stop it!" sabi ng aking ina nalumapit na marahil narinig ang aking sigaw.

"Ma go away. Sawa na ako sa lahat ng pinagagawa niya."

"Mabuti pa ang pinsan ko malaya ako daig ko pa ang mga preso sa pagsakal ninyo sa akin."

Umalis na ako nakita kong puro luha ang aking ina pero ako ni isang patak hindi ko hinayaang tumulo.  

I have my pride too.

Sinubukan kong mabuhay na wala ang aking mga magulang.

Kinaya ko naman pero...

May isa akong minahal.

Isang taong nagpabago sa aking buhay.

Siya si Bora.

Nabuhay ako bilang isang mekaniko sa loob ng isang taon. Kinaya ko. Marunong akong magtiis at sa panahong iyon sumibol an gang munting pag ibig na akala ko ay napakahirap sa panahong ako ay nag hihirap.

"Uy may gusto itong parekoy ko sayo."

"Excuse me?! Ako?"

"Oo.."

"Tapos?"

"Ganito kasi iyon inimbitahan ka ni parekoy kong kumain mamaya sa labas." 

"What? Ako pakakainin niya sa labas?"

"Oo e susunduin ka daw niya ha.."

"Oo na sige alis." Sabi ni Bora pinapaalis na siya.

Si bora ay isang sexy na waitress sa bayan. Hindi sa sexy siya kung bakit ako naakit ha.

Siguro dahil ang sweet niya mag smile at mabait siya sa mga kumakain doon sa resto.

Gabi na sinundo ko siya.

Ayan todo porma rin ako nun e.

Maangas daw ang dating kaya naka t shirt ako at naka rugged jeans.

Sana akin ka na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon