Chapter one

3 0 0
                                    

"Pat!" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang pangalan ko. Si Hannah, ang kaibigan ko simula pagka bata. "Bakit?" Sagot ko. "Aga aga, Taray natin ah." Sagot naman niya nang nakangiti. Inirapan ko siya at huminga ng malalim. "Sabihin mo na kung ano gusto mo sabihin" cold kong antas saknya.

"Getting aside. Hindi daw tayo magkaklase" nagulat ako sa sinabe niya. Pero kung isang sub lang okay lang naman. "So?" Sagot ko naman. "Sa Lahat ng subject" nagtinig sa tenga ko yung sinabe niya. "What?!" Gulat kong sambit. Hindi na ako nagdalawang Isip pumunta sa principal's office. Ilang beses ko ba sasabihin sakanila, na hindi kame pwedeng paghiwalayin.

Napupuno ako sakanila ah, kapag hindi ko napigilan sarili ko baka kung ano Magawa ko.

Binuksan ko ang pinto ng principals office at dun nadatnan ang adviser ko last year pati ng adviser ko ngayon. Mainit talaga Dugo netong dalawa saken, Ewan ko ba kung bakit. "Excuse me Ms.Rosales, what's your problem?" Bungad ni Daniela saken ang principal.

Tumigil ako sa harapan nilang Tatlo. "How many times?" Sagot ko naman. Nang walang sumagot sakanila na hampas ko ng kamay ko ang lamesa sa tabi ko. "I said how many times?!" Paguulit ko. Walang sumasagot saken, Mga bingi ba sila?! "You'll better change my sched and make it same as Hannah." Sambit kong muli. Sabay talikod sakanila pero bago pa ako makalabas ay nagsalita si Daniela

"Or else what?" Lumingon ako at ngumisi. "Don't tempt me miss." Yan ang Huli kong sinabe bago ako lumabas ng opisina nila. Tama lang yan sakanila. Pagkatapos nila ako ibagsak, eh kumpleto ako ng lahat saknya. Bolshet.

"Pat, ano na?" Inaantay ba ako neto ni Hannah dito kanina pa? Oh ano lang? "Pasok na tayo." Sambit ko saknya at naglakad patungo sa building namin. Habang naglalakad sa hallway di maiiwasan ang bulungan tungkol saken Syempre, "Ayan nanaman sila." Malakas na sambit ni Hannah sa gilid ko, Tinignan ko lahat ng nagbubulungan. Yung iba tumalikod at yung iba umiwas ng tingin.

••••••••••••

"Francine?" Banggit ng bago kong prof. Salamat at kaklase ko na si Hannah. Madalas akong nasa second row dahil sa labo ng mata ko. Sabe ni Hannah mag pasalamin na daw ako. Ayoko nga, contact lang ginagamit ko.

"Javier?"

"Present ma'am"

"Manueco?..Manueco?..Manueco are you here?" Inirapan ko ang prof at huminga ng malalim bago mag salita. "Hindi naman siguro bingi yun kung nandito siya." Sabe ko ng saktuhang lakas para marinig ng prof ko. Nagtama ang paningin namin at inirapan niya lang ako.

Sabay Banggit ng ibang apelyido. Hayy, akala ng iba ang pinaka mahirap ay ang 3rd at 4th year ng college. Ang hindi nila alam, demonyo mga prof ng freshies at sophomore. Kawawang bata.

*BLAG!!*

isang malakas na pagbagsak ng kung anong bagay ang narinig namin sa labas. Lumabas ang prof at ibang mga istudyanteng tsimoso. Lumapit naman sa kinauupuan ko si Hannah. At umupo sa arm chair ko. "Ano kaya yun sa tingin mo?"  Tanong niya ng naka cross arm.

Nagkibit balikat lang ako. Hanggang sa sunod Sunod na sigaw na ang narinig ko. Nagka tinginan kame ni Hannah at tsaka lumabas ng room. Sa di kalayuan rinig mo ang "tama na yan!" "Tumigil na kayong dalawa!" "Ano ba!" "Please Tumigil na kayo!" "Babe please! Babe"

Pamilyar yung boses ah. "Boses ni Trixie yun diba?" Tanong ni Hannah hindi ko siya pinansin at dire-diretso ang paglalakad sa crowded na lugar. "Tabi nga." Malakas kong sambit para umalis sila sa magkakakumpol. Tumambad saamin ni Hannah ang dalawang lalake na halos magpatayan na sa gitna. Duguan na sila pareho pero mas Basag mukha ni... Ni jaden

Sino tong isa? Si Trixie naman ay umiiyak sa isang tabi. Hindi ko matitiisan to. Nilapitan ko si trixie at hinawakan sa braso para humarap saken. "Sa tingin mo ba mapipigilan mo sila sa ginagawa mong yan?" Nginisian ko siya at binitawan. Nagturo ako ng Tatlong lalake para umawat sa sumusuntok kay jaden at dalawa para alalayan si jaden.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Night it All ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon