Zayin

13 1 0
                                    


CARLITO

Pinagmasdan ko ang daang dinaanan niya. Naglabas ako ng sigarilyo at sinindihan. Nang bahagya na akong kumalma, umakyat na ako pabalik sa loob. "Ang sama mo talagang tao, director."

"Gutrierrez." Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng pinto. "Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto ko sanang bumili ng yosi, pero hindi ako makababa dahil sa nangyari." Tumayo siya at sumandal sa railings. "Kailangan ba talagang ganoon ka kalupit? Ang totoo naman talaga ay gusto mo rin siya, hindi ba?" Nagbuga lang ako ng hangin. "Nang sinabi niyang may gusto siya sa'yo, alam kong seryoso siya."

"Babae siya at bata..."

Nagpakawala siya ng marahang tawa. "Hindi nga ako makapaniwalang titino ka, director."

"Nakakalito ang mga high school students. Mga bata sila pero hindi rin mga bata."

"Pero kahit mga bata pa sila, hindi ibig niyong sabihin na hindi nila seseryosohin ang pakikipagrelasyon," apila niya.

"Mas makakahanap siya ng mas edukadong lalaki na may matinong trabaho. Mas mabuti ang ganoon."

"Kahit ganoon pa nga, si Zayin din naman ang magpapasiya, 'di ba?"

Pinanood ko ang pagpatak ng ulan. "Kaya nga pagpahintayin ko siya ng sampung taon."

"Hindi maikling panahon ang sampung taon, director! Maganda ni Zayin. Kung hahayaan mo siya, makakahanap siya ng boyfriend kahit kailan niya gugustuhin!"

"Hindi iyan masamang pakinggan." Tinapik ko ang balikat niya at pumasok sa loob.

"Director!"


Isang araw bago ako umalis ay nag-impake na ako ng mga gamit. Ipinasok ko ang kinakailangan at ibinenta na ang iba. Nagpaalam na ako sa landlord at ipinasok ang bagahe sa taxi nang sumapi sa isip ko ang mailbox. Sa huling pagkakataon, binuksan ko iyon at nakita ang isang bagay na ibinalot sa papel. Nang binuksan ko ay pumaloob ang medal ni St. Michael the Archangel. Pumasok agad ang batang iyon sa isip ko.

Ipinasok ko ang medalyon sa bulsa.


ZAYIN

Nang bumisita ako sa apartment ni Carlito ay muli kong tiningnan ang mailbox. Dinala kaya niya ang medal? Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na iyon nakita roon. Nakuha ng papel na nakadikit sa pinto ng Room 8 ang atensyon ko. Hindi ko mabasa ang nakasulat kaya pinuntahan ko iyon.

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang Room for Rent sign sa pinto. Bakit siya biglang umalis? Gusto ko siyang tawagan pero nagdesisyon akong hindi na. Hindi ako pwedeng magtanong. Dahil hindi naman kami magkasintahan at sinabi niyang problema lang ako sa kanya...

Nang umuwi ako ay nakita ko si mama na nakatanaw sa monitor. "Mama, bago lang kayo nakalabas ng ospital. Hindi ba mas mabuti sa iyong magpahinga lang muna?"

"Nababagot ako at wala naman akong gagawin sa bahay," katwiran niya.

"Ako na po ang bahala."

"Huwag na. Okay lang." Napansin ko ang note sa taas. Plush. 14-18 hrs. "Ah, nandito ulit ang Plush. Tumawag sila kaninang umaga kaya sa tingin ko ay matatapos na sila maya-maya." Baka may alam sila! "Zayin?" Tumakbo na ako palabas.

Hotel '78Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon