Alef

72 2 2
                                    


ZAYIN

"Hoy! Anong ginagawa mo rito sa kalagitnaan ng gabi?!" Pinigilan ako ng isang pulis. "Alam mo bang pinagbabawal sa mga menor de edad dito?"

Itinuro ko ang isang gusali. "Doon ako nakatira." May pagdududa sa mukha niya, ngunit binitiwan niya rin ako. Pinagpatuloy ko ang paglalakad.

Nakatira ako sa isang love hotel na ipinamana sa akin at ng kapatid ko ng yumao kong ama. Sa mata ng publiko ay hindi iyon maganda, pero ang opinyon ko ay ang kabaliktaran. Hindi ko iyon maiboses sa iba.


"Zay, mamimili muna ako ng panghapunan. Ikaw lang muna ang magbantay," wika ni mama. Sumulyap siya sa orasan at dali-daling lumabas.

Tiningnan ko ang statistics sa monitor. Mas mababa ang mga customers ngayon kumpara noon. Dahil siguro iyon sa oras, pero... "Kailangan kong baguhin ang promo." Sa kalaginaan ng layout ay napansin ko ang isang note sa taas ng monitor.

Plush. Room 8. (12-18 hrs.) 18-24 hrs.

"Hello! Kami ang Plush!" bati ng isang may katabaan at kaliitang lalaki. Hawak niya ang isang business card.

May hinala ako na may kinalaman sa adult videos ang kanilang ginagawa. Dahil karamihan sa kasamahan ng lalaki ay may dalang studio set up. Adult videos, huh... Matagal-tagal na rin mula noong huli.

Dinala ko ang grupo sa isang merry-go-round themed room. Ang istraktura ng gusali ay ginaya sa isang kastilyo at ang bawat kuwarto ay dinisenyuhan ng iba't ibang tema. "Woah..." Ang mga ganoong reaksyon ay nakakapagpapasaya sa akin.

Pinapakita niyong kakaiba ang lugar namin sa mga kakompetensya.

Binigyan ko sila ng paalala bago ako umalis pero pagdating ko pa lang sa pinto ay may tumulak sa akin. "Huwag mong harangan ang pinto!"

"Director!" tawag ng lalaking may katabaan na nakilala ko sa pangalang Grahams. "Nasaan na iyong aktres?"

"Mahuhuli raw ng dalawampung minuto. Mabuti nalang at hindi nag-kansela gaya nung huli." Lumingon ang director sa akin. "Ikaw ba iyong substitute?" Ano raw?

"Director, galing siya sa hotel!" depensa ni Grahams.

"Nakita na kita dati, hindi ko lang maalala." Tinitigan niya ako. "Hmm..." Umalis na ako kaagad.

Nagbabantay ako sa monitor nang dumating ang nakakabata kong kapatid. "Ate!" Sa likod niya ay isang kaklase.

"Ches."

"May vacant ba?" Ngumiti siya. "Gusto naming mag-aral ni Genus."

"Bakante ngayon ang Room 4. Pero kapag may dumating na customer, umalis kayo agad."

"Okay!" Mas lumaki pa ang ngiti niya.

"Ches, kapag binuksan mo ang adult channel, babawasan ko ang allowance mo."

Sumimangot siya. "Okay..." Hinila ni Ches ang dulo ng damit ng kaklase niya. "Tayo na nga..." Kahit kailan, ang dali niyang basahin. Boys and their minds.

Napansin ko ang kakaibang galaw sa monitor sa gilid ng aking mga mata. Ano bang ginagawa ng direktor na iyon? Nagmadali akong tumakbo patungo roon. "May problema ba?"

"You piece of—" Sinipa ng direktor ang isang lalaking hubad. "Huwag ka nang magpakita rito!" Agad itong tumayo at umalis. Unang beses makita ng ganoon. Dati kasi si mama lang ang humahawak ng ganoong kaso kaya hindi ko alam kung ano ang— "Ikaw, hiramin kita sandali."

Hotel '78Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon