- - - - - - - -

Rina's POV

"Puntahan na natin!! May nadinig akong sumigaw eh!" Sabi ni Agean.

"Wait may lumalabas!" Si Lira.

Nakita namin na may tumatakbo palabas ng gym at 5 babae.

"Hindi naman sina Mara yan eh!" Si Agean.

"Lumabas na tayo sa kotse! Tara na." Sabi ko.

Lumabas na kaming apat at tumakbo papunta sa gym.

"Wtf!!! Buhay paba sila?!!!!" Pag aalala ni Agean.

Tumakbo siya papunta kina Mara.

Dahil pareho silang walang malay!

Binuhat namin sila at sinakay sa kotse.

"Asan ang susi ni Mara?!" Tanong ko.

"Eto! Dali mag drive kana!" Sabay bato sakin ni Agean sa susi ng sasakyan ni Mara.

"Waaaaa ang daming dugo!!!" Si Lira.

Nang makarating na kami sa hospital ay dinala na namin sila sa ER.

"Kinakabahan na ako!" Si Lira.

Nasa labas kami ng pinto ng ER.
"Think positive guys! Okay lang sila!" Sabi ko.

"Kailangan ma report natin sa police ang nangyari!" Si Agean.

"Hindi naman natin kilala kung sino ang gumawa sa kanila niyan!" Si Trisha.

"Basta! Malalaman ko din!" Sabi ni Agean na may halong galit. At sinuntok niya ang pader.

- - - - - - - - - - - - - -

Erin's POV

Asan ako?

Si Mara ba yun?

Bakit nakahiga siya sa sahig.

"M-mara?! Anong nangyari sayo?!"

Lumapit ako sa kanya at niyakap. Puro dugo ang katawan niya.

"E-erin ingatan mo ang sarili mo ha? Aalis nako."

"Wag mo akong iwan!! Huhuhu Mara parang awa mo na oh." Bumuhos ang aking mga luha.

"Mahal na mahal kita Mara wag mo akong iwan!!!"

"Mara!!!!!"

Huh? Panaginip lang ba yun?!

Asan ako.

May biglang pumasok sa kwarto.

"R-rina?! Asan ako? Anong nangyari asan si Mara?!"

"Nandito ka sa ospital. Nakita kasi namin kayo na walang malay kanina Erin. May masakit paba sayo?"

"Medyo masakit pa ang katawan ko."

"Humiga ka muna diyan."

"T-teka si Mara?! Napaginipan ko siya!"

Umiling si Rina.

Hindi! Hindi! Hindi maaari!!!

"Asan si Mara?! Sabihin mo ang totoo pls."

Bumuhos ang mga luha ko.

Lumabas ako sa kwarto. Wala nakong pakielam kung may masakit man sakin! Basta gusto ko siyang makita!

"Erin! Sandali!" Si Rina.

Ngunit hindi kona siya pinansin.
Nakita ko si Lira sa labas ng pinto. Siguro nandoon si Mara.

Nang lumapit ako ay nakita ko si Lira na umiiyak.

Ano bang nangyayari?!!

"L-lira? Anong nangyari? Asan siya."

Binuksan ni Lira ang pinto at sinundan ko siya.

Nakita ko ang sina Trisha at Agean. Umiiyak din.

"A-asan ba si M-mara?" Mangiyak ngiyak kong sabi.

Tinuro ni Agean ang nakahigang katawan ni Mara. Ngunit nakatakip ito ng kumot.

Hindi to totoo!!!

"M-mara!!! Huhuhuhu."

Tinanggal ko ang nakatakip na kumot sa mukha niya.

Hindi siya gumagalaw.

Hindi!!!!

"M-mara!!! Gumising ka naman diyan oh!!"

Inaalog ko ang kanyang katawan. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha.

"M-mara im sorry!! Dapat niligtas kita! Ang tanga tanga ko kasi! Mas inuna kopa ang takot ko! Mara gumising kana! Parang awa mona."

Wala nakong pakielam kung gano man kalakas ang iyak ko.

Pero sa mga oras na to ay para akong dinudurog.

"Gusto pa kitang makasama Mara!!! Wag mokong iiwan."

"Patawarin mo ako. *hik."

Hinalikan ko ang kanyang noo.

- - - - - - - - - - - - - - -

Salamat sa pag basa!!!

Hindi pa nag tatapos ang storya diyan!!! Hahaha :]

Bibitinin ko muna kayo syempre!

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now