Chapter 2: Heartbreak and Betrayal

216 6 4
                                    

I can’t believe this is happening. This is supposed to be a happy day where we will celebrate about all the good things that happened to us but it turns out to be the worst day of my life. How come a perfect relationship like ours comes to this painful ending? Was it really perfect or I just assumed that everything is?

I’m expecting for a big surprise and here it is right in front me. A hell bomb of surprise! My boyfriend is kissing another girl oblivious to their surrounding like they are the only people in this world. Gusto ko man na umalis sa kinatatayuan ko ay hindi ko maigalaw ang mga paa ko na para bang  napako na ang mga ito sa kinalalagyan ko. Naramdaman siguro nila ang presensiya ko kaya bumitaw sila sa isa’t isa. And lo and behold yet another surprise, hindi lang pala kung sinong babae ang kahalikan ng magaling kong boyfriend kundi ang ex-girlfriend niya na si Jana.

I felt like I was smashed by a wrecking ball. Nagulat si Darius dahil hindi niya akalain na masasaksihan ko ang lahat.

“Jasmine”

“Surprise!  Darius grabe talagang nag-effort ka ha. Paano ba yan hindi ko nagustuhan ang surprise mo?” sarcastic na sabi ko sa kanya habang patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko na gusto yatang daigin ang Maria Cristina Falls sa pagdaloy.

“I’m sorry Jasmine. Hindi dapat sa ganitong paraan mo malalaman ang lahat” malungkot na sabi nito.

“Wow wala man lang bang pasubali na “let me explain or something”. Bakit Darius how do you visualize telling me this. On a dinner date starting with it’s not you, it’s me? How cliché!!.”

Hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang pagbaha ng emosyon sa puso ko. Gustong gusto ko silang saktan at umalis na sa lugar na yun pero ayaw talagang gumalaw ng mga paa ko.

“ Oh cmon!! Pwede ba girl stop with the drama. Niligawan ka lang naman ni Darius just to get back at me and now that we’re together again your out of the picture. Did you really think na minahal ka niya talaga? Dream on!” sabat ni Jana at sinundan pa niya ito ng nakakalokong tawa.

“Jana stop it! Leave us alone to talk” saway dito ni Darius.

“Okay baby, I’ll wait for you at the car” maarteng paalam nito at hinalikan pa si Darius.

Nakakasuyang nginitian ako ni Jana at nang tumapat siya sa akin;

“Wake up girl! Your dream just turned into a nightmare” bulong niya.

What the f---

Tinitigan ko si Jana at kahit sinong makakita sa akin ay iisipin na sinapian na ako ng masamang espirito. Kulang na lang ay magliyab ang mga mata ko sa paraan ng pagtitig ko sa kanya. How I wish may laser vision ako ni Cyclops para kanina pa toasted ‘tong babaeng ‘to.

“Jasmine” pukaw ni Darius sa atensyon ko at sinubukan na makalapit.

“Don’t you dare come near me. Tell me everything. Totoo ba ang sinasabi ni Jana?”

“Yes. Niligawan lang kita para pagselosin si Jana and in the end makipagbalikan siya sa akin.”

“Bakit ako? Bakit!? Dahil tanga ako at walang alam sa mundo? Sagutin mo ako!!” sigaw ko sa kanya.

“No. That’s not the reason. You’re the complete opposite of Jana kaya naisip ng mga kaibigan ko na ikaw ang tamang babae at maiisip ni Jana na mali ang desisyon niya na makipag-break sa akin. They told me that you’re a nobody and it will be a big blow to Jana’s ego kung ikaw ang ipapalit ko.”

 “Some friends huh? Ang galing ng mga kaibigan mo akalain mo nag-work yung plano nila. Nung mga panahon ba na nililigawan mo ako at nung naging tayo lahat ba ng mga ginawa at sinabi mo, lahat ng iyon, was it true or just a part of the plan?”

OMG: (Oh my Ghost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon