6

563 19 0
                                    


Lelian De La Victoria


Nagising ako dahil sa ingay ng mga katabi ko. Pa simple kong binukan ang mata ko nang makita ko si Bishop na mukhang napaliguan na niya si Khencent at ngayo'y binibihisan.

"Khencent wag mo lakasan boses mo. Magigising mo ang nanay mong dragon at bubuga yan ng apoy kawa si daddy pogi mo."

Gusto kong matawa kay Bishop pero seryoso siya sa ginagawa niya. Hindi ko lubos maisip na may alam siya sa bata lalo na ang paglalagay ng diaper. Masaya akong malaman na nakay Bishop pala siya. Binigyan pa niya ng pangalan.

"Ayan ang ganda talaga ng baby ko, manang mana sa mommy niya."

Tumayo siya at lumabas nagtulog-tulogan ako, pagbalik niya ay may dala na siyang bote ng gatas. Nahiga siya at napagitnaan namin si Khencent at pinapadede niya ito.

"Ang lakas mong dumdede, diyan ka nagmana sa daddy."

Gusto kong maiyak sa sinabi niya. We both know na if anak ko nga ang bata, ay hindi siya ang ama pero heto siya kung alagaan ang bata ay parang siya talaga ang ama. Nakita ko kung paano  tapik-tapikin ni Bishop si Khencent hanggang sa makatulog ito. Bigla akong nakaramdam ng proud sa kanya. Kahit hindi paman ay napaka ideal dad niya.

Nang makatulog si Khencent ay pareho niya kaming kinumutan at pareho din niya kaming hinalikan. Saka siya lumabas pagkatapos pulutin ang lalagyan ng polbo. Nang wala na siya ay agad kong tiningnan ang natutulog na si Khencent. Nagkakalaman na siya siguro graveh ang pag-aalaga ni Bishop dito.

"Sorry.... Patawarin mo ako kung nahihirapan akong tanggapin ka. Nahihiya ako kasi kahit pangalan lang akin na ina mo ay hindi ko magampanan ang papel ko pero siya, kahit hindi ka niya anak, kahit masakit sa kanyang tanggapin na maaaring anak kita sa ibang lalaki ay inalagaan ka parin niya. You have one heck of a daddy Khencent, mabait, gwapo at maalaga. Pareho tayong mahal at parehong nagtitiis sa ating dalawa."

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ko si Bishop nakita kong naglalaba siya sa mga damit ni Khencent. Agad lumambot ang puso ko sa mga effort ng lalaking ito. 

"Shit nakakainlove talaga siya the way to a woman's heart is true her daughter. Doon palang pasado na siya sa akin."

Tumalikod ako para magluto pero nagulat akong may pagkain nang nakahain. Iyak ako ng iyak. Pakiramdam ko isang prensisa na pinagsisilbihan. "Pinaiibig mo ba talaga ako sayo Bishop Shin? 'Cause, you know what? You've succeeded!"

"Ayaw mo ba sa pagkain?"

Nakita ko si Bishop na topless at basa ang short at dala ang sampayin. Agad akong tumayo at niyakap siya. Masaya lang akong maramdaman ang pag-ibig niya sa akin.

"Teka Lel,  basa ako. Mababasa ka."

"I don't care. Gusto ko lang ng ganito."

"Asan na yung papatayin mo ako?"

"Marami kapang ipapaliwanag pero hayaan mo muna akong ganito."

"Ibig bang sabihin nito mahal mo na ako?"

"Shut up!"

"Ayaw pa kasing aminin."

"I said shut---"


Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong kinarga at ibinalik sa upoan. "Open your mouth mommy." Hindi ko siya sinunod at nakatitig lang ako sa kanya kaya siya na lang ang kumain. "As much as i want you to hug me all day  pero kailangan mong kumain at ako'y magsasampay. I will be back. Kumain ka, ayokong magkasakit kayo ni Khencent."

HOT and COLDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz