1

654 18 1
                                    



Lelian De La Victoria


After a year ay babalik ulit kami ng pinas. Na miss daw ni daddy si Ace-King at naiinggit siyang parating ang daddy ni Kai at Klaide ang kasakasama nitong mangisda. Tumatanda narin si dad kaya ihahatid ko siya pauwi pero babalik din ako ng Germany. Doon na kasi ang buhay ko. Isa pa medyo bumagsak ang sales ng negosyo kaya kailangan kong pag-aralang mabuti ang lahat.

"Lely bilisan mo, excited na akong makita si Domi."


Natigilan ako sandali dahil may naalala ako sa pagtawag ni daddy sa akin ng "Lely" only Bishop Shin, the HOT Pilot called me that. "Kumusta na kaya s'ya?"

"Lely, anak, hoi!" tawag ni daddy na may kasama pang kumpas ng kamay para makita ko siya.

"Hintay lang naman kasi dad ang hirap kayang maglakad ng naka heels tas nagmamadali pa." pagdadahilan ko.

"Bakit kasi suot mo yan? Bagay naman sayo ang naka boots o flat shoes kaya."

"Dad naman, thirty-one na ako paano pa ako magkakaboyfriend niyan."

"Eh sinabi ko naman kasing mag-asawa kana last year pa kaso sabi mo magpapahinga ka pa tapos ngayon despirada kana?"

Dad is right. After dismantling ELSS ay umalis ako ng Pinas para magpahinga pero ang totoo ay para takasan si Bishop. Hindi pa kasi ako handa, ayoko naman patulan siya at gawing rebound. One morning I woke up at thirty-one na ako ay nabahala ako. Si Angelina Jolie at thirty-three may tatlo nang anak which means dalawang taon na lang kaya dapat ko nang bilisan. Pakiramdam ko i am too old to have a family. Kung kailan naman ako handa saka naman walang nanliligaw sa akin. At nakaramdam ako ng takot kaya heto na ako sinagad ko na, desperada na kong desperada from changing my wardrobe, to putting make up on and even wearing killer heels. Sa sobrang pagmamadali kong makababa ay hindi ko sinasadyang matisod at kamuntikan na akong mahulog nang isang matiponong braso ang umalalay sa akin.

"Watch your step."

Pinanlamigan ako ng katawan nang makita ko si Bishop  Shin in his pilot uniform na walang ka ngiti-ngiti sa akin at basta na lang akong dinaanan. Naiwan akong nakatunganga. "He didn't notice me like he usually do?" Nasaktan ako.

"Lely let's go, hinihintay na daw tayo ni Kai."

"Coming."

Habang palabas sa airport ay hindi ko na siya nakita pa. Kaya disappointed ako sa reaction niya kanina akala ko tulad ng dati ay excited parin siyang makita ako at magpapapansin. Lulan sa kotse ni Kai ay nasa malayo ang utak ko. Nagbago lang ito dahil sa usapan nila ng daddy.

"Kumusta kana Kai?"

"Binata parin po."

"Abay katulad parin pala dito sa anak ko. Bakit hindi na lang kayo ang magpakasal."

"Mukhang nag evolve na ang anak ninyo tito pwede ko nang pagtiyagaan."

Sa asar ay sinapak ko si Kai at n akikitawa na kay daddy. "Pasensyahan pero may standard ako sa lalaki."

"Wow choosy thirty-one kana oi! Ako na lang ang last chance mo sa huling byahe!"

"Balak ko naman talagang tumandang dalaga eh."

"Ganun ba? Hindi halata sa make up at killers heels mo ahh."

"Bwesit!"


Dumaan muna kami sa restaurant para kumain. Magana ang usapan at kwentohan  pero isang magkapareha ang nakita kong pumasok at sweet sa isat-isa na nag pawala ng gana kong kumain.

"Excuse me."

"San ka pupunta?"

"Banyo bakit sasama ka?"

Nalakasan ko atah kaya nilingon ako ni Bishop pero hindi niya ako nginitian. Kaya nagpatuloy ako sa pagpunta ng banyo. Nag-aayos ako sa sarili ng mamukhaan ko ang babaeng kasama ni Bishop na pumasok para ang paganda din. Pareho kaming kaharap ang salamin nang makita ko ang diamond ring sa kamay niya.

"So he's getting married..."

Naiyak ako na hindi ko mawari kahit pinigilan kong huwag maiyak. Lumabas ako nang mabangga ko siya. "Naka dalawa kana. Kailan kaba titingin sa dinadaanan mo?"

Kulang sa emosyong pangaral sa akin ni Bishop. Kaya nagpatuloy ako sa paglakad bago ako lumiko ay tiningnan ko siya at nakita kong hinalikan niya ang fiancee niya.

"Karma ko na ata to sa pag-papaasa sa kanya."

"Okay ka lang?" Tanong ni Kai pero niyakap ko siya. At tahimik na umiyak. Nagtataka man ay tinapik-tapik niya ang likuran ko.

"Salamat."

"May nangyari ba?"

"Wala, na touch lang ako, kasi mukhang tama ka, tatanda akong dalaga."

"Hoy, joke lang yun! Kaya kaba umiyak dahil dun? Sorry nah!"


Ganun kaming posisyon ng may bumangga sa amin. "This is not a lovers lane kaya huwag kayong humarang-harang sa daan."

Nang makaalis si Bishop at ang fiancee niya ay tawa ng tawa si Kai na tila alam na niya ang nangyayri kaya nasapak ko siya sa ulo.

"Matandang dalaga pala huh?"

"Shut up!"

"Ikaw kasi, kasalanan mo, pinagtataguan mo. Ayan tuloy nakahanap na ng iba."

"Kung mahal niya ako dapat hinanap niya ako. Kung mahal niya ako dapat hinintay niya ako. Pero hindi niya ginawa."


Tuluyan ko nang pinalaya ang emosyon at hinanakit ko pero ang baliw na Kai tawa ng tawa lang at  inakbayan pa niya ako. "Lel, pag umabot ka ng forty at dalaga ka pa at binata naman ako papakasalan kita."

Pinagsasapak ko siya sa inis at binalikan ko si daddy sa table nang nagtataka. "Anong nangyari?"

"Eh, kasi si Ka--"

"Tito, papakasalan ko na po ang anak ninyo."

Tiningnan ko siya ng masama saka ako naglakad palabas. Dahil sa taas ng takong ay hinubad ko ito at naglakad akong naka paa. Wala akong paki alam sa mga matang nakatingin sa akin. Gusto ko nang bumalik sa Germany kaysa makasama si Kai na ginagawang biro ang pagiging single ko at thirty-one.

"Suko na ako, tatandang dalaga na talaga ako."

Sa asar ko ay kinuha ko ang heels at hinampas ko sa bench para masira ang takong nang naging flat na ito ay saka ko isinuot.

"Mas bagay sayo."

Unti-unti kong tiningnan ang nagsasalita at nakita ko si Bishop na nakangiti sa akin. Kumurap-kurap ako at baka panaginip lang siya pero hindi eh. Andito siya sa harapan ko at nakangiti pa sa akin.

"Bakit ka nandito?"

"Gumanda kana't sumeksi tumanga ka naman. Siyempre dahil wala ako doon."

Tumalikod ako sa kanya. Ayokong makita kami ng fiancee niya at magselos. Well, baka ako ang magselos kaya iwas na heart.

"Lely...."

Tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. At nagpatuloy lang siya sa paglakad baka kasi iisipin niya atat siya sa kanya.

"You're hot, and then you're cold. Ano ka bang talaga?"

"Sagutin ko man yan huli na ako, mag-aasawa kana."

HOT and COLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora