Chapter 16: Pangamba..

12.4K 269 9
                                    

Kollins Bernal Facebook account, nasa external link po.. :)) Add him kung gusto niyo.. ;)

_____



= 16 =


TRICIA P.O.V



Naramdaman kong humawak sa kamay ko si Ron, siguro natatandaan na rin niya kung sinong nasa harapan namin ngayon.


"Tanggap na kayo. Next!" Sigaw niya. Hindi ako umalis sa stage, mariin ko siyang tinitigan.


"Really? Wala pa nga sa kalahati yung sayaw tanggap kaagad?!" Naiinis na sigaw ko.


Tumikhim muna siya bago ako sinagot.


"Look Ms.Velasco, as a Team Leader of this dance troupe alam ko kung sino ang dapat tanggapin at hindi dapat.. I know you so well Miss.. See you sa practice.. Next!!" Sigaw nitong ulit.


Magsasalita pa sana ako pero hinila na ni Ron ang kamay ko pababa ng stage. Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon, paano nangyari na siya ang Team Leader?! Fck sht.. Magkasing edad lang kami!


"Chill.." Seryosong bulong ni Ron sa likod ko, napalingon ako sakanya, nakita ko ang pangamba sa mga mata niya.


"I'm sorry.." Bulong ko..

"Ayos lang. Nandyan na. Tuloy nalang natin. Ito ang gusto mo kaya walang dahilan para tumalikod ka, ganyan talaga may sagabal." Seryosong sabi niya, hindi ko alam kung bakit naguiguilty ako, dammit!! Wala naman akong ginagawa diba?!


"Tara na." Aniya at hinawakan ulit ang kamay ko, napatingin ako sakanya ng marahan niyang pisilin ang kamay ko. Pero seryoso lang ang mukha niya hanggang sa makasakay kami ng sasakyan niya.


Pagdating namin sa bahay, aalis na sana siya kaagad pero hinila ko ang braso niya. Lumapit siya saakin at kinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko at napapikit ako ng halikan niya ako.

"Ako lang naman diba?" Bulong niya pagkatapos akong halikan, tumango tango ako bilang sagot.

Ngayon ko nalang ulit narinig ang seryosong boses niya..


"Wala naman akong dapat ikatakot diba?" Tanong niya..


"Ron.."

"Please..answer me." Mariin na sabi niya.


"O-oo.." Sagot ko sakanya, at niyakap niya ako..

"Sht. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag bumalik ka sakanya." Desperadong sabi niya.. Halata sa boses niya na kinakabahan siya.


Niyakap ko siya pabalik dahilan para magsalita ulit siya.



"I love you.. Pero Hon, hindi ako pwedeng mag stay ngayon dito. Ayokong maramdaman mo yung pakiramdam ko ngayon.. Punong puno ako ng takot ngayon."



______



KAI'S P.O.V


"Baby.." Napangiti ako ng biglang yumakap sa likod ko si Reno..


"Nakita mo ba yung itsura ni Mondragz kanina? Parang bigla siyang naging seryoso.." Bulong niya saakin, pagkatapos kasi naming manood kanina ng audition nila Tricia halos hampasin ko na si Reno ng makita namin na si Cesar ang Team Leader ng dance troupe.


Sht kasi, Cesar yun eh! Siya ang lalaking unang unang pinagkatiwalaan noon ni Tricia!


"Oo..pero hindi naman siguro magagalit si Kuya Ron.." Sabi ko.

"Hindi natin alam, baka mamaya bigla nalang niya sapakin si Cesar sa practice nila.." Sabi ni Reno saakin.


Maya maya pa nagring ang cellphone ko, si Kuya Ron tumatawag!

"Kuya Best!" Sigaw ko.

[Problema. Nakita mo naman siguro kanina.] Halata sa boses niya na namomroblema siya.

"Nag away ba kayo?" Pag uusisa ko.

[Hindi. Nanigurado lang ako na hindi na siya babalik dun. Mahirap na, asan ka?]

"Hmm, bahay. Nandito si Reno." Sabi ko.

[Tamang tama, gusto kong uminom ngayon. Punta ko jan.] Yun lang at pinatay na niya yung tawag.



Maya maya lang dunating na si Kuya Ron, naghanda na rin ako ng magiging pulutan nila ni Reno, h'wag daw akong uminom!

"Kumusta dude!" Sigaw ni Reno saka nag apir pa sila ni Kuya Ron, dumiretso sila sa bar counter ng bahay ko at dun nagsimulang uminom.


"Bumalik." Panimula ni Reno.

"Oo nga. Tae, team leader pa. Kung hindi lang gusto ni Tricia yung pagsasayaw hindi ako papayag." Naiinis na sabi niya.

"Kuya pwede naman diba? Pwede kang humindi."

"Ayoko. Gusto ko kung saan siya magiging masaya dun ako, langya hindi niyo lang alam kung gano siya kaexcited nung nakita niya yung papel ng Dance Battle dun sa bulletin board.. Sobrang saya niya dude." Sabi ni Kuya Ron saka lumagok ng alak.


"Mukha ngang excited siya sa pagsayaw. Ikaw nga Kuya Ron may tinatago ka palang talent sa pagsayaw at kanta!" Pang aasar ko para naman maiba ang mood.


"Baliw ka. Para kay Tricia yun kaya ginawa ko." Aniya.


"Pero hindi ko tanggap yung reaction niya kanina dun sa gagong Cesar eh, tangina kasi parang meron pa ring laman yung pagsigaw niya kanina dun sa stage." Iritadong sabi niya.


"Hindi naman siguro."

"Sana nga hindi. Sana nga mali ako. Oo ramdam ko naman mahal ako nun ni Tricia, pero iba pa rin kasi kapag ang bumalik na yung lalaking alam kong mas naging malapit sakanya kesa saakin. Ano nga ba ako? Umekstra lang ako dude, hanggang tingin lang ako sakanila noon.. Nung umalis si Cesar saka lang ako naglakas loob na lapit lapitan siya."


****

Student Terror 2: Revenge of the RivalsWhere stories live. Discover now