Twenty Four

2.9K 54 5
                                    

O-M-G

--

Kath

"Happy birthday, Mahal/Daddy/Daniel/Tito!" sigaw naming lahat paglabas niya ng kwarto namin. Yung reaction niya parang ewan.

"P-pa-paano? Ah a-akala ko hindi niyo alam, lalo kana." sabat turo sakin, tumawa lang ako. Nandito lahat ang bellas, pati asawa at anak. Sina Mama K, Papa Rommel, Magui at Lelay. Si Mama Min at Papa Ted din. Sina Ate hindi nakapunta :(

"Pwede ba yun love, kaarawan mo hindi ko alam? I-blow mo na to, nahihirapan nako." lumapit siya sakin at kinuha yung cake. Binigay niya kay Julian, natawa naman kaming lahat.

Pagkatapos niyang I blow yung candle ng cake, bumaba na kami. Naghanda kami kanina, buti nalang hindi lumabas si Dj haha. Pagod na pagod po kasi siya kagabi dahil sakin :(

Hindi niya binreak ang promise niya. Kahit sobrang pagod siya paguwi, pinagluluto pa din niya ko ng fries at pinagtitimpla ng milk. Kahit nandito na ang bellas at mga asawa at anak nila. Yes, pinakiusapan ni Dj ang mga kaibigan namin para daw may kasama ako.

It's been a week ng magstart siya sa trabaho, sobrang hirap po. Lalo na siya ang pinaglilihian ko, lagi ko siyang hanap. Lalo na kaming bellas, buntis lahat, buti nalang walang masungit o sobrang takaw samin. Totoo po yun, pero ako si Dj ang lagi kong hanap :( Si Julia, buntis din. Nauna pa siya sakin ng 1 week haha.

Nang malaman ni Mama K at Mama Min na buntis ako, sobrang saya po nila. Hahaha binisita kasi nila ako, pero alam ko naman na kinausap ni Dj sina Mama. Hahaha nadulas kaya siya

"Love, okay ka naman diba? Uuwi na ba 'ko? Tawag ka pag may masakit sayo, pag may kailangan ka okay? Tawagan mo din dina Julian sina Julia ah? I love you mahal, kinausap ko -- ah oo kinausap sina Julia na alagaan ka mahal. Babye ang tamad mo pong magsalita mahal i love you pa din"

Ang weird niya kaya haha, bumaba nako para kumain nakita ko sina Mama nasa living room. Akala daw nila tulog pa din ako kaya hindi na nila 'ko ginising. Si Sam, buti nalang may baby ako sa tiyan kung hindi mas hahanap hanapin niya ang Daddy niya haha.

"Love, thank you sa lahat. Akala ko nakalimutan mo na. Ilang araw din kaya akong malungkot dahil akala ko nga nakalimutan mo na ang kaarawan ko. Napagising ako kanina dahil may kumakatok sa pinto ng room natin, akala ko nasa cr kalang at si Sam ang kumakatok kaso pagbukas ko. Nakita ko, ikaw at Sam sina Mama. Sobrang sayo ko mahal, i love you." nandito kami ngayon sa room namin.

"Ang drama naman ni Dada bear, mahal na mahal na mahal na mahal kita, ko kayo nila Sam at ang bago natin Baby. Akala ko nga hindi kana magigising kanina sa katok ko, kasi sobrang pagod mo dahil sakin :( Sorry kasi gusto ko pa din ang luto mo at ang milk na timpla mo. Nasanay kasi ako :( pero tinatry ko naman na hindi ko hahanap hanapin mahal kaso sobrang hirap pala. Hindi ko kaya, pag wala ka mahal." nagyakapan lang kami

"Daddy, maiipit si Baby. Wag sikip po." nabigla naman kami dahil kay Sam. Hinila niya pa si Dj palayo sakin.

"Hug niyo nga si Daddy." yinakap naman namin siyang dalawa ni Sam

"Matutulog na si Mommy tulog na si Baby Sam" sabi ni Dj pagbalik niya sa room namin. Pinatulog niya kasi Sam.

"Tara mahal, buksan natin gift ko sayo." Eh ayaw ko pang matulog. Lahat sila tulog na, sina Mama at Papa umuwi na sila.

"No mahal, mamayang umaga nalang. Bawal magpuyat diba?" Hindi ko siya sinagot

"Pagod pa naman ako, paano pag namatay nako? Sino nalang ang mag--" pinutol kona ang sasabihin niya

"Kainis ka, tsk pagkatapos namin magpuyat nila Baby yan ang sasabihin mo?!" inis kong sabi sakanya. Humiga nako at tumalikod sakanya. Naramdaman kong huminga siya ng malalim at humiga na sa tabi ko.

Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa di ako makatulog, si Dj tinulugan ako :( Umupo ako at tinignan siya, nakaharap pala siya sakin pero ah basta naiinis pa din ako sakanya!

Sobrang pagod nga ang itsura niya. Gusto ko pa naman ng fries at milk huhuhu. Naiiyak nako.

Bumaba nako para magluto, after kong magluto nagtimpla ako ng milk ko.

"Belle, nandiyan ka pala." nagulat ako ng biglang sumulpot si Julia

"Ah gusto ko kasi ng fries. Napadami nga naluto ko."

"Sasamahan nalang kita, hindi din kasi ako makatulog." Nagtimpla siya ng milk niya din at umupo sa tabi ko.

"Bakit hindi mo ginising si Daniel?" tanong niya sakin

"Ah kasi wala lang."

"Belle, mas gusto mo ang luto niya kesa sa sarili mong luto alam ko yun." natatawang sabi niya

Mga ilang minuto, naubos na namin. Medyo kwentuham lang

"Mahal." nagaalalang sabi ni Dj na kakarating lang. Si Julia nagpaalam na din. Inaantok na daw, hindi totoo yun. Alam niya kasing nagkatampuhan kami ni Dj

"Bakit hindi moko ginising? Diba sabi ko pag may kailangan ka gisingin moko kahit pagod ako. Mahal naman, teka galit ka pa din ba sakin? Sorry na." umupo siya sa tabi ko hindi ko siya sinagot. Tumayo ako at nilinis ang pinagkainan namin ni Julia.

Ramdam kong nakatitig si Dj sa bawat kilos ko. Ewan ko bat ganito ako, nakakainis siya yun lang ang alam ko. Nakasunod lang siya sakin hanggang sa sala. Umupo ako, umupo naman siya sa tabi ko

"Mahal, bawal ang magpu-"

"Matulog kana nga, pagod ka diba? Baka ako pa ang maging dahilan pag nawalan ng Daddy ang mga anak ko" mahinang sabi ko, pero sapat naman yun para marinig niya.

"Sorry mahal, hindi muna kita malalambing ngayon. Sobrang pagod ko kasi, inayos ko na din kasi ang mga gagawin ko para sa Monday. Miss na miss na kona kasi kayo ni Sam, humingi ako ng isang araw sa mga kasama ko sa office. Sinumpong din kasi ako ng asthma kanina hindi ko nalang pinasabi sayo baka mapano pa kayo ni Baby. Akyat na agad kayo ah? Matulog ka agad baka mapano kayo ni Baby. Pero ayaw ko naman na magsinungaling sayo kaya nasabi ko na. Akyat nako mahal."

Hinalikan muna niya ko sa noo bago umakyat. Nang marinig kong sumara na ang pinto namin, agad kumawala ang mga luha ko. Ang arte ko kasi, ang arte arte ko!!

-

Team Ford [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon