Twenty One

2.8K 54 1
                                    

Text Message

--

Kath

Napagising ako dahil narinig kong nay nagtext kay Dj. Wala siyang pangalan, sino ba naman ang magtetext sakanyan ng madaling araw?!

From: 09123456789

Daniel, kailangan mo ng umuwi Kailangan na kita ngayon.

Bigla nalang tumulo ang luha ko, kaya pala minsan madalas na siyang late umuwi, amoy babae at busy siya minsan sa phone niya.

"Mahal." nagaalalang sabi niya. PEKE. Hinagis ko sakanya ang phone niya, nasalo naman niya.

Kinuha ko si Sam at mabilis na pumasok sa room ni Mama. Tuloy tuloy pa din ang pagiyak ko. Nagising si Mama at kinuha si Sam sakin. Nakita kong hiniga niya sa kama, buti nalang hindi siya nagising.

"Anak, ano bang nangyayari?"

"Ma, akala ko ako lang." tuloy-tuloy lang ang pagiyak ko

"Pinakinggan mo ba ang paliwanag niya anak?" hindi ako nakasagot. Pero sapat na ebidensya sakin yun. Ako pa mismo ang nakakita, nakabasa.

--

Paggising ko nakita kong nakaupo si Dj sa floor.

"Mahal, mag papal-"

"Wag ngayon please. Lumabas ka nga muna." malamig na sabi ko

"Mak-"

"Pag hindi ka lumabas sa kwartong 'to hindi mo nako makikita." malamig parin ang boses ko.

Wala naman siyang nagawa, nang makalabas na siya. Nilock ko ang pinto, umiiyak na naman ako. Napatingin ako sa salamin, namamaga ang mga mata ko.

"Mommy. Mommy." pinunasan ko agad ang mga luha ko. At binuksan ang pinto

"Mamaya na po ba ang alis natin? Teka why are you crying po Mama?"

"Napuwing lang si Mama, baby. Oo mamaya na tayo babalik ng Pilipinas anak."

--

Nagpaalam na kami kina Mama, nakita kong nagusap pa sila ni Dj. Na namamaga din ang mga mata, ang kapal niya. Siya na ang nagloko, ang lakas pa nang loob niyang umiyak. Pasalamat siya may anak kami, kung hindi. <|3

Inalalayan niya ko ng papasok na ko sa kotse. Tumabi naman agad siya sakin, pinahatid kasi kami ni Mama sa driver niya. Nakausap ko din si Ate, trust lang daw ang kailangan.

Nakita kong nagtetext si Dj, sumilip naman ako. Nagreply pa siya sa kabit niya, hindi na nahiya. Sa tabi ko pa talaga sa tabi pa namin ng anak ko!

Pupunta agad ako diyan.

Nakita kong text niya, nagpalit na kasi kami ng phone. Ako ang nagpalit

Nakita kong nahihirapan siya sa pagtulak, hindi naman ako makatulong. Buhat ko si Sam

"Kuya, pwede po bang humingi ng tulong? Pakitulungan naman po siya sa pagtulak at pagbuhat ng mga maleta." nakita kong napangiti si Dj. Inirapan ko lang siya, Tsk pasalamat siya sakin halos ng yun.

--

Pagdating namin sa bahay, nagpaalam si Dj sakin. Babalik daw siya agad. Napansin kong nabawasan ng konti ang gamit sa bahay, baka dinala sa kabit niya.

Dinala ko si Sam sa kwarto niya, pati ba naman ang kwarto ng anak ko! Nawala ulit yung design. Puta naman, napapamura nalang ako sa galit.

Nasan yung mga maleta ko?! Hay pati mga damit namin ni Sam wala!

"Mahal." napatingin ako kay Dj, feeling niya mapapatawad ko siya dahil lang sa malungkot niyang boses at mukha. ASA siya

Yayakapin niya sana ako kaso umiwas ako.

"What?"

"Makinig ka nga muna sa paliwanag ko!" sigaw niyang sabi. Sinampal ko lang siya at pumunta sa room ni Sam. Humiga lang ako sa tabi niya at umiyak. Napaka laki niyang gago!

"Mahal" yumakap siya sakin pero wala akong pake sakanya! Gago siya!

"Mahal naman, hindi ko na kaya."

"Edi magpakamatay kana."

"Magiging masaya kana ba ulit pag nawala nako? Ngingiti kana ulit pag nawala nako? Kung yan ang makakapagsaya say-"

"Tama na, Daniel." nakasiksik pa din ang ulo niya sa leeg ko. Naramdaman kong namamasa iyon. Umiiyak din siya? Tsk

"Ma-mahal" nakita kong hinahabol niya ang hininga niya. Mabilis ko siyang hiniga sa kama. Kinuha ko ang gamot niya patuloy lang ako sa pagiyak. Pag iniwan mo ko, ahhh!! Ginamit namin yung inhaler niya, nasan ba yung nebulizer? hay

"Tama na daniel." nang makahinga siya ng maayos. Pumikit siya, si Sam nagising pero pinatulog ko baka umiyak pa siya.

"Hindi ko na kaya." nabigla ako sa sinabi ni Dj

--

Napagising ako dahil sa tunog ng sasakyan.

"Mahal, tara na." medyo hindi pa din kami nag-uusap. Pinagbuksan niya ako ang pinto, kinuha niya si Sam sakin bago ako alalayan pababa.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sakanya. Nasa mall kasi kami

"Kakain lang tayo mahal." sabi niya

>FLASHBACK

"Hindi ko na kaya." nabigla ako sa sinabi ni Dj. Hindi ako nakapagsalita, pero tuloy lang ang pagiyak ko.

"Hindi ko na kaya, mahal na mahal kita. Ngayon na siguro ang tamang panahon para makita mo." kinuha niya si Sam. Nakatulala lang ako, iiwan niya na ba kame?

Pinagbukas niya ako ng sasakyan at dinala si Sam sa lap ko. Mabilis siyang pumasok naglakad papunta sa driver seat.

Nakatulog lang ako kakaiyak. Ang bilis niya naman sumuko. Yan ang naisip ko bago pumikit.

>END OF FLASHBACK

Kumain lang ako ng tahimik, si Sam sinusubuan ko. Nagk-kwento kasi siya kay Dj. Tungkol sa mga barbie dolls niya at mga toys. Nakakatawa nga ang itsura ni Dj. Wala akong sinabi hehe

Pagkatapos kumain binili nanaman ni Dj si Sam nang new toy. Hindi nalang ako nagsalita baka lalo lang lumala ang away namin.

Nakita kong tumingin siya sa phone niya. Ngumingiti pa tsk. Magsama sila ng kabit niya!

"Tara na, uuwi na tayo." masayang sabi niya. Binuhat niya si Sam. At umakbay sakin. Inalis ko naman agad ang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi naman 'to ang daan pauwi, Daniel." sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya, may halong lungkot. Tsk

Pumikit nalang ako, pero hindi ako natutulog.

"Nandito na tayo." napamulat naman ako. Ba-bakit?

"Anong ginagawa natin dito? Bahay ng babae mo?" inis na sabi ko

Nagulat at napaiyak ako sa sagot niya.

Team Ford [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon