Sa may dulo ay may naaninag akong starbucks. Great! Dito na lang muna ako. Tatambay at mag online.

Naglakad ako papunta doon at pumasok sa loob. Iilan ang tao. Maybe because its Tuesday. Wala masyadong tao sa Mall.

Tumingala ako para tingnan ang menu. Im not in the mood for a coffee or frappe. Maybe I should grab their juice.

Naglakad ako papuntang counter. May isang lalaki na nakapila dun. He was wearing this neardy big clear glasses. Maputi at matangkad. Magulo ang buhok nya at mula sa view ko, napakatangos ng ilong.

"Here's your order Sir. Enjoy!" nakangiting sabi nung babae. Wala sa loob namang kinuha nung lalaki ang frappe na inabot sa kanya. Must have a tofee flavor or something.

Napatingin sya sakin. OMG. Ang ganda nung mga mata nya!

His eyes blinked into perfection. Dahan dahang kumunot ang noo nya. Shet! Napatagal ako sa pagtitig!

"Miss, Mango Passion Fruit. Venti Size." napakagat ako sa labi ko. Nang lingunin ko ang lalaki ay nagbubukas na sya ng pintuan.

Nakahinga na ako ng maluwag. Yes! Buti di nag react!

"Yun lang po ba?" nakangiting tanong sakin nung babae sa counter.

"Hmmm." Sumilip ako sa stand nila. They all look delicious. "A slice of blueberry cheesecake." ngumiti ako sa kanya.

"Okay po. 285 po Miss."

Inabot ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko. "Shit."

"Miss, may problema po ba?"

"Um, natanggap ba kayo ng dollars?"

"Po?"

"Dollars. US Dollars. Naubusan na kasi ako ng peso eh." ngumiti ako sa kanya.

"Ah, eh Mam..."

"Ako na." may lalaking nagpatong ng 1000 peso bill sa counter. "At isa ngang Java Chip Frappuccino with soy.  Venti Size."

Tumingin sya sakin at ngumiti. "Well, nice to meet you again Cream!" nanatili ang tingin ko sa perpektong pagflash nya sakin ng ngipin nya.

"Thank you. You saved my life again. Im such a total jerk for forgetting to change my money in peso. Hindi ko pa kasi pinapalitan lahat eh."

"Wait, enlighten me please. Where exactly did you came from?"

"US. Oregon to be exact."

"Oh! US Citizen?" tanong nya.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now