Special Chapter 1

Start from the beginning
                                    

Agad naman na tinawag ni Andrea ang waiter. Isa-isa nya kaming binigyan ng menu. Omg. He's cute infairness.

"Oh mata mo Katie."

Rinig kong sabi ni Nadine. Epal talaga e. Alam ko naman ibig nyang sabihin e.

"What?" Inis kong sagot. Tumawa lang naman sya.

"Di pa rin talaga kayo nagbabago haha."

"Look girls. Naghihintay satin yung waiter oh." tumawa lang naman ng mahina yung waiter. "Okay lang po yon Maam."

"Ako na nga o-order." prisinta ni Andrea.

Kinuha ko yung phone ko sa bag. Tiningnan ko kung ano oras na. 3pm. Break time nya na. Pero hanggang ngayon di pa rin sya nagte-text. Naibalibag ko yung phone ko sa lamesa at napalakas ata ang ginawa ko kaya napatingin silang tatlo sakin.

"What the face is that?" natatawang tanong ni Gwen.

"Haha. Itsura mo Kat."

"Lq again?"

Imbis na sagutin ko ang mga tanong nila ay inirapan ko sila.

"After nung grumaduate kami di ka na nagkwekwento samin ah." sabi ni Andrea sabay inom ng iced tea.

"Ay hindi noh! Nung kasal ni Gwen kaya." sabat ko naman. Napaisip si Andrea."Ay oo nga sorry! Haha alam mo naman 28 na tayo." natatawang sabi ni Andrea.

"Ayos lang girl ikaw talaga. Eh busy naman din kayo."

"Sabagay. Ngayon nga lang tayo ulit nabuo. Minsan wala ka, minsan si Nadine naman ang wala dahil may flight. Minsan si Andrea busy sa business ng papa nya. Ako naman, kapag may client ako na magpapagawa ng bahay or establisment tska ako busy."

"See?"

"Tama na nga yan. The important is were complete okay?" as asual si Nadine ayaw ng kadramahan. Natawa na lang kami.

Dumating na din ang order namin. Nagkwekwentuhan kami ng kung ano-ano. Namiss namin ang bawat isa. Lalo na 'to si Andrea. Akala ko talaga di na mababalik yung alaala nya. Ginawa kasi namin lahat para lang bumalik yung alaala nya. Pero may part na nawala na talaga. As in wala na. Kaya ayaw na namin ipilit ang mga alaala na ipaalala pa sa kanya.

"So kamusta naman kayo ni James?" tanong ni Andrea.

"Oo nga. May anak na ba kayo?" napa-ubo naman si Nadine sa tanong ni Andrea.

"Are you okay?" worry na tanong ni Andrea.

"Oh tissue." abot ko.

"Binigla mo kasi Rea." natatawang sagot ni Gwen.

Nang okay na si Nadine ay umayos sya ng pagkakaupo. Antaray ng bruha haha.

"Wala pa."

"What?"

"Bat wala pa?"

"Busy."

"Ang tipid sumagot." iling-iling kong saad sabay inom.

"Sabagay parehas pala kayo sa airlines nagttrabaho." tango-tango sagot ni Andrea.

"Philippine airlines ako samantalang sya Cebu Pacific." paliwanag ni Nadine.

"Ah. Eh kailan nyo balak magkaanak?"

Halos di ko mapigilan tumawa sa reaksyon ni Nadine. Hahaha. Ano ba naman kasing tanong yan Gwen. Sa aming apat kasi ako na lang ang di nag aasawa. Si Nadine at James nagpakasal sila last 2 years ago. Si Gwen at Paulo naman after graduation ay na-engaged sila then after 3 years ay nagpakasal na sila at may anak na sila isa. At si Andrea naman may anak na sila ni Claude.

"Eh kailan nyo balak sundan si Cloud?"

"Yung totoo?"

"Hahaha. Nice one Nadine!"

Nakipag-apir pa ko sakanya. Inirapan lang naman kami ni Andrea. Tignan mo pikon pa rin sya hanggang ngayon hahaha.

"Uh. Si Marc ba yon?"

Agad akong napalingon sa tinurong direksyon ni Andrea.

"San? Wala naman e."

Sinamaan ko sya ng tingin. Bwiset. Bumabawi ka Andrea ah. Ningitian nya lang ako sabay subo ng cake.

"Something fishy huh?" napahalukipkip si Gwen.

"Ano bang nangyari?" tanong naman ni Nadine at hinihintay akong magsalita.

"Spill it."

--

A/N- Special Chap 1-3 kay Katie don nyo din malalaman kung pano sila nagkakilala ni Marc. So, sinong gusto nyong isunod? ^^

The Nerdy Girl in the CampusWhere stories live. Discover now