Special Chapter 1

3.7K 67 22
                                    

Hi Guys! Dahil namiss ko kayo at natutuwa ako sa mga comments nyo although yung iba di nagustuhan ending ko and expected nyo si Darius at Andrea ang magkakatuluyan. Para maiba naman haha char! So I decided to write a special chapter instead a book 2. I hope makabawi ako dito dahil yung iba alam kong disappointed sa ending ko huhu. Enjoy!~

--

Katie POV

Naglalakad ako palabas ng building. Katatapos lang kasi ng shift ko. Ang bilis ng panahon hindi ko akalain na aabot ako sa kinatatayuan ko. Di ko akalain na magiging ganito ako.

Habang palabas ay nakasalubong ko si Brina.

"Good afternoon Doc."

Ningitian ko sya. "Good afternoon."

"By the way Doc, yung patient nyo pala na si Mendoza pwede na po ba daw sya lumabas mamayang hapon?"

"No. Tomorrow pa. Kailangan nya pang mag stay here overnight. I'll talk to his guardian recently so it's okay na."

"Okay po Doc. Pauwi na po kayo?" Masigla nyang tanong. Assitant ko sya di nagkakalayo edad namin. Masipag sya at maganda rin tulad ko.

"Yes. I have to go. Bye."

"Take care Doc."

Isa na kong Doctora sa Ob-gyne. Akalain nyo yon? Kahit ako rin di ko akalain na magiging isa akong Doctora. Palipat-lipat kasi ako ng course nung nasa college ako. Akala nga nila di ako makakagraduate ng college. Psh! Ano sila ngayon? Dito ako sa St. Lukes nakadestino. Actually mag one year na ko dito.
Omyghad. I can't imagine, hahaha.

Beep.. beep..

Bigla nagvibrate yung phone ko at agad kong kinuha sa sling bag ko.

"Where are you?"

Ite-text ko palang sya ng bigla na nagring ang phone ko at halos mabitawan ko ito. Nakakaloka di makapagintay. Psh.

"He--"

["Where the hell are you?!"]

Okay as always. Buti na lang na ilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko baka matuluyan akong mabingi non. Sa lakas ba naman sumigaw nya haynako.

"Eto na nga po pasakay na ng kotse."

["Aba'y bilis-bilisan mo naman. Porket Doctor ka na ngayon paghihintayin mo na kami? Ha?"]

Natawa naman ako. Instead na sagutin pa yung tanong nya ay nagpaalam na ko at nagmadaling nagdrive papunta sa meeting place namin.

Buti na lamang at di traffic at ilang minuto lang ay nakarating na ko.

Agad naman akong nagpark at bago bumaba ay inayos ko muna sarili ko. Nagsuklay lang ako at naglagay lang ng lipstick and then konting powder. Alright ang pretty mo talaga Katie. Sabay kindat ko sa rear mirror.

Bago pa nila ako sugundin dito sa kotse ay agad na kong bumaba.

Pagkapasok ko ay binati ako ng waiter at ningitian. "Welcome Maam. For one po ba?"

"No. May kasama ako." Sabay ngiti ko.

Tiningnan ko ang paligid at agad ko naman sila nilapitan ng makita kong kumakaway si Gwen.

"Sorry girls. Late ako. May inasikaso pa kasi ako." sabi ko sabay upo sa bakanteng upuan na katabi ni Gwen.

"As asual." mataray na sagot ni Nadine.

"Haha. Don't mind her Kat alam mo naman yan di sanay na naghihintay." sagot ni Andrea pagkatapos tumingin kay Nadine.

"So, order na tayo?"

The Nerdy Girl in the CampusWhere stories live. Discover now